11/05/2024
May mga habits na puwede nating baguhin para sa ating kalusugan:
1. Malakas kumain at may katabaan - Alam natin na masama ang pagiging mataba dahil puwede itong magdulot ng sakit sa puso, high blood at diabetes. Ayon sa mga pagsusuri, ang pagbabawas ng kinakain ay puwedeng makahaba ng buhay. Paniniwala ng ilang eksperto na ang pagbabawas ng 20% sa iyong kinakain ay puwedeng makabawas sa mga toxins (dumi) sa iyong katawan. Kahit sa Bibliya ay itinuturo ang fasting at pag-iwas sa ilang pagkain. Piliin ang pagkaing masustansya at hindi nakatataba. Bawasan ang karne at damihan ang gulay, prutas at isda. Ang mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na sangkap.
2. Takaw aksidente ang bahay β Kaibigan, huwag maging pabaya sa inyong kaligtasan. Ayon sa mga datos, mas madalas ang aksidente sa loob ng bahay kaysa sa labas. Kadalasan ay nadulas sa banyo o kuwarto. Para makaiwas sa aksidente: (1) Maglagay ng hawakan sa banyo, (2) maglagay ng plastic mat para hindi madulas sa banyo, (3) ayusin ang sirang hadgan at sahig, (4) alisin ang harang o kalat na puwedeng makatisod, (5) ipasuri ang mga kuryente at doorbell, at (6) siguraduhing nakakandado ang mga pintuan sa gabi.
3. Hindi tumutulong sa komunidad β Minsan ay tinatamad tayong sumali sa mga proyekto ng ating komunidad. Pero ayon sa pagsusuri, ang pagtulong sa komunidad ay nakahahaba raw sa ating buhay. Ayon sa pagsusuri ng 3,617 katao ni Professor Peggy Thoits ng Vanderbilt University, ang mga taong matulungin ay mas masaya sa buhay, mas may kumpyansa sa sarili at mas malusog ang katawan. Kapag tayoβy tumutulong sa kapwa, gagawa ang ating katawan ng endorphins, isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Ang pagtulong sa komunidad ay posibleng magbigay ng inspirasyon at sigla. Gusto nilang maging malusog dahil mayroon silang layunin sa buhay