Axie Isko

Axie Isko Axie Infinity Managers

30/07/2021

Maraming nag memessage sa page natin kung nag papa scholar tayo as of now meron pa lang tayong 3 na scholar and soon mag dadagdag na tayo 👍❤️

Dahil sharing is caring daw.💁 Ano nga ba si Axie Infinity?- Axie Infinity, created by SkyMavis, allows players to earn i...
29/06/2021

Dahil sharing is caring daw.

💁 Ano nga ba si Axie Infinity?
- Axie Infinity, created by SkyMavis, allows players to earn income through nonfungible tokens, or NFTS, and cryptocurrencies by breeding, battling and trading digital pets called Axies

💁Laro ba si Axie Infinity? Pano ba laruin?
- Oo. Strategy turned base game ito.
- Pano laruin? May streamers nag nag llive ng axie, meron sa youtube videos ng gameplay, guides ng axie infinity. D ko na ma share link dito dahil marunong kna po non.

💁Pwede ba to sa Android, ios or desktop/laptop?
- sa iOS ata limited lang pede makadownload nito
- Oo pwede sa android at desktop/laptop to.
- di naman ganon kabigat graphics ng game kung titingnan nyo palang sa youtube.

💁Meron ba nito sa Google play?san pwede idownload?
- Wala to sa google play.
- punta ka nlng sa website or discord ng Axie Infinity para malaman mo pano idownload

💁Online ba to or offline? Kelangan mabilis internet? Pde sa data?
- online
- d nmn required na my 100mbps ka na internet speed.
- oo pde sa data to kung nka phone ka.

💁Pano magsimula?
- Sa Axie Infinity ay kelangan mo ng isang team na may 3 Axie para magsimula makapaglaro. Ang axie ay parang pet na ggmitin sa adventure / arena para mkapaglaro.
- MINIMUM of 3 axie para makastart maglaro.

💁Kelangan mo daw gumastos pra magumpisa?
- Oo. Kase kelangan mo ng 3 axie pra makapaglaro. At ang isang axie ang pinakamura is nsa 10,000 php.

💁Bakit sinasabi ng iba PLAY TO EARN daw to?
-Play to earn nga to. Kase ung na fafarm mong SLP[ingame coins] ay pwede mo sya ibenta sa tao.
- Pde mo din ipasok sa binance or any other trading platform[search nyo nlang kung ano2 yan, malaki na kayo.]

💁Wala ba ibang way para makapagsimula ng hindi gumagastos?
- Meron. Scholarship Program.

💁Ano yang Scholarship Program?
- Ang Scholarship program ay isang paraan na nagpapahiram ang isang "Owner/Manager" ng isang axie team sa isang "isko" para makapagumpisa.
- Yung earnings na makukuha mo ay hahatiin dpende sa agreement nyo ni manager.

💁Ano makukuha ng isang "Isko"?
- Ang isko ay makakakuha ng "share" nya sa total na SLP na nakuha nya sa paglalaro, At pwede nya ibenta sa ibang tao ito.

💁Ilang SLP ang makukuha ng isang "Isko"?
- Dipende sayo.
- Dipende sa total na SLP na nakuha mo. Minimum na makukuha per day is 150slp.
-Dipende sa Scholarship program na nasalihan mo. Merong hatian na 50-50, 60-40.

💁Nasa magkano ang kinikita ng isang "ISKO"?
- Dipende sa hatian ng Scholarship program.
- Dipende sa takbo ng presyo ng SLP[in game currency] sa market.

- SLP X currrent price ng SLP = "Kita"
- Sabihin natin na ang total na SLP na nakuha mo sa isang buwan ay 3,000. Tpos 50-50 ang iyong "isko" program. So, meron kang 1,500 total SLP sa isang buwan.

💁Pano ko malalaman ang current value ng SLP?
- sa Coingecko, Binance at marami pang iba.

💁Paano ako maging "ISKO"?
- Maghanap, Mag-apply, Mag-basa
- Madaming group/community/pages sa social media ang nagbibigay nyn.
- Pwede ka din maghanap sa Discord server ng Axie infinity.
❗Magingat lang palagi dahil hindi maiiwasan na merong manloloko /scammer.

💁Ano yang Discord na yn?pano mkakuha nyn o ano gmitin?
- si Discord ay isang communication app na gngmit ng mga "gamer" para madali makaupdate, makachat, makausap ang iba't ibang members.
- Download mo si discord sa internet or sa google play.
- Pano gamitin or mag register? Punta ka sa youtube at manood ng videos pano yn.

💁My pa "Home-credit" ba dito or installment ng team?
- Hindi ako nakakasigurado dito. Nsa sa inyo yan kung mnniwala kayo or ndi.
❗Basta palagi andaan na mag-ingat at maging "detective" muna bago maniwala at mag-labas ng pera.
[Ctto sa nag pa-remind nito]

💁Pano pag balak ko mamuhunan sa laro, magkano? At saan ako makakabili ng team.
- 45k ata pinakamura na isang team sa Axie Infinity.
- Puwede ka bumili sa Axie Marketplace or sa tao mismo
❗Pag- aralan muna bago gumastos.
❗Mag-ingat sa manloloko.

💁Paano ko maibabalik ang pinuhunan ko?
- Maglaro at mag farm ng SLP at ibenta mo
- 150 is the minimum per day X current slp price = Daily earnings.

💁Ano ang risk sa pag gastos dito?
- Ito ay isang block chain game at gumagamit ng isang cryptocoin at alam naman natin sa crypto world ay napaka volatile or bilis ngpagpapalit ng presyo. Sabi nga: "invest what you can afford to loose".

💁Scam ba si axie?, Totoo ba ung nagppost tungkol sa nabili nila dahil sa axie?
- Hindi naman namimilit si axie kung maglaro ka or ndi. hindi ka din pinipilit maglabas ng pera.
- Tanong2 ka nalang sa mga nagpost ng achiement or nabili nila if "legit" ba or hindi.
- Puntahan mo mismo ung ngpost ng nabili nya dahil sa axie para malaman mo kung totoo.
- try mo maglaro tpos sa huli sabihan mo kami if scam or legit si Axie Infinity.

💁Pano maiwasan ma scam o maloko?
- Maging vigilant sa ka deal kase pwede ung ka deal mo is a scammer
- Wag mag madali sa trade, wag maniwala sa matatamis sa salita.
- Tandaan na ang "PRO" na scammer is gagawin lahat ng paraan para makapang biktima. Fake ID,govt. Cert, Midman, FB profile, double identity, fake vouch. bsta madami pa yan.
- Kung kaya meetups gawin mo
- lahat ng possible gawin para hindi ma scam gawin Kung pwede lng ipa-COD axie gawin mo din.

🙋Pag - aralan, mag- basa, mag re-search, maging mapag-matyag bago pumasok sa mundo ng Axie Infinity. Iba't ibang tao ang makakasalamuha mo sa online world. Pinoy, Banyaga, Masama, Mabait. Kaya palaging mag-ingat

Sabi sa community namen, hilahan pataas. Wag utak talangka. 😉

✅Paki Correct nalang if may mali kayong nabasa or comment kyo if my additional info kayo na maisshare.

✅Hindi po ako manager, Isa lang din po akong pinalad na nakakuha ng scholarship.

Ctto for the picture.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Axie Isko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share