30/12/2025
๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ | ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ค ๐๐ง๐ ๐
๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ฆ, ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐
Naging matagumpay ang Track and Field Team ng University of Cebu Lapu-lapu and Mandaue (UCLM) nang sila'y nag-uwi ng 70 medalya sa nagdaang Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) Athletics tournament na naganap sa Cebu City Sports Complex nitong ika-6 hanggang 7 ng Disyembre, 2025.
Nakamit ng koponan ng High School Girls at Boys ang ikalawang pwesto sa kabuuan ng palaro.
Kabilang dito ang mga atleta na mula sa Senior High School Department na sina Princess Joyce Bontuyan, Rhea May Orque, Jerah Talaub, Christine Jay Ababon, Noey Andre Ongue, Jorge Gabriel Calandria, Seymour Gifford Ortega, Kestian Erick Ceniza, Kenrich Estrera, at si Clyde Jezriel Salvacion, kung saan sila ay nakasungkit ng mga medalya sa iba't-ibang mga palaro na sumusunod:
Ginto:
Princess Joy Bontuyan โ Shot Put Throw
Princess Joyce Bontuyan โ Discus Throw
Rhea May Orque โ Triple Jump
Noey Andre Ongue โ 4x400m relay
Jorge Gabriel Calandria โ 4x400m Relay
Seymour Gifford Ortega โ 4x400m Relay
Kestian Erick Ceniza โ 2000m Walk
Kenrich Estrera โ Discus Throw
Clyde Jezriel Salvacion โ Javelin Throw
Pilak:
Princess Joyce Bontuyan โ Javelin Throw
Rhea May Orque โ High Jump
Rhea May Orque โ Long Jump
Jerah Talaub โ 400m Hurdle
Noey Andre Ongue โ 5000m
Noey Andre Ongue โ 3000m
Noey Andre Ongue โ 1500m
Jorge Gabriel Calandria โ 800m
Jorge Gabriel Calandria โ 400m
Seymour Gifford Ortega โ 200m
Tanso:
Jerah Talaub โ 2000m Walk
Jerah Talaub โ 100m Hurdle
Jerah Talaub โ 4x400m Relay
Christine Jay Ababon โ 3000m
Christine Jay Ababon โ 4x400m Relay
Jorge Gabriel Calandria โ 4x100m Relay
Seymour Gifford Ortega โ 100m
Seymour Gifford Ortega โ 4x100m Relay
Sa tulong ng gabay ni Coach Angel Mark Sicad, umabot sa 28 medalya ang nasungkit ng mga SHS na atleta na kinabibilangan ng siyam na ginto, 10 pilak, at siyam na tanso.
Ayon sa High School Team Captain na si Princess Joyce Bontuyan, dumaan sila sa matinding pagsasanay na hindi lang sa pisikal na aspeto kundi sa mental na aspeto rinโ sapagkat ang kanilang mga laro ay lubos na nakadepende sa pokus, disiplina, at teknikal na kasanayan.
"We trained almost every day to sharpen our abilities and improve our overall performance while also making it a priority to stay hydrated and maintain a healthy lifestyle, knowing that a healthy body supports a strong and focused mind."
Dagdag rin ni Bontuyan, ipinatatag rin nila ang kanilang pananampalataya, na tumulong sa kanilang maging masigasig, matatag, at handa sa ilalim ng presyur.
Naging mapagpasalamat at mapagmalaki din ang koponan sa kanilang pagganap at pati na rin sa kinalabasan ng palaro. Ani ng Team Captain, ang kanilang mga resulta at medal tally ngayong taon ay mas matagumpay kaysa sa nakalipas na CESAFI 2024, na nagsisilbing patunay na ang kanilang pagsisikap, dedikasyon, at matinding pagsasanay ay nagbunga na.
"It has been very rewarding and motivating for the entire team to see our medals increase. What is more than the medals are the improvements in our performance in track and field events, especially in time and measurement events. This reflects our growth as athletes and our determination to keep pushing our limits."
Giit ni Bontuyan, umaasa sila na maaaring ipagpatuloy ng kanilang koponan ang antas ng pagganap nito at patuloy pa itong pagbutihin sa susunod na mga taon. | via Hannah Branzuela
Layout | Jarhone Abella