The Hubs TV

The Hubs TV The Hubs /T͟Hə ho͞obs/

This page is created for us to share our adventures and discoveries in our young family life. Maraming salamat!
(1)

Feel free to join and support our journey The Hubs way!

"MATULOG KA HABANG BATA KA DAHIL HAHANAPIN MO 'YAN KAPAG NAGING ADULT KA NA."Ayan ang madalas kong sinasabi kay kuya Tam...
12/01/2024

"MATULOG KA HABANG BATA KA DAHIL HAHANAPIN MO 'YAN KAPAG NAGING ADULT KA NA."

Ayan ang madalas kong sinasabi kay kuya Tammy dahil dumating na rin ako sa point na ultimo idlip lang ay sobrang appreciated ko na.😅 Five, 10, 30 munutes na tulog, why not?🙏

Ang sarap nilang tabihan para makapag-nap din... kaso may mga gagawin pa pala ako.😅

01/01/2024

Salamat sa napakasolid na taon, 2023!🫡 LFG, 2024!!!☝️

BAGONG TAON, BAGONG PAGKAKATAON 🙏Bagong pagkakataon para pagbutihin para sa sarili at sa pamilya.💯Bagong pagkakataon par...
01/01/2024

BAGONG TAON, BAGONG PAGKAKATAON 🙏

Bagong pagkakataon para pagbutihin para sa sarili at sa pamilya.💯
Bagong pagkakataon para sa mga darating na oportunidad.🎯
Bagong pagkakataon para maging biyaya sa kapwa.🤗
Bagong pagkakataon para tuparin ang lahat ngayong taon.☝️

From the Hubs to your family, HAPPY, HAPPY NEW YEAR!!!🥳

Ang saya-saya talaga ng anak ko nang magbukas na 'yung LEGO store sa Shang. Hayaan mo, anak, babalik pa tayo. Labyu!😘
12/11/2023

Ang saya-saya talaga ng anak ko nang magbukas na 'yung LEGO store sa Shang. Hayaan mo, anak, babalik pa tayo. Labyu!😘

Ngiting “HAPPY LONG WEEKEND,” fam!🙌Always welcome ang extra day ng pahinga!💯 Enjoy your extra family day, fam!🎉 Next wee...
21/08/2023

Ngiting “HAPPY LONG WEEKEND,” fam!🙌

Always welcome ang extra day ng pahinga!💯 Enjoy your extra family day, fam!🎉

Next week pa ulit!🙏🏻

Ekis tayo dyan, kapadyak.🙅🏽‍♂️ Maganda yung idea mo, pero yun na nga, pang-ideal world muna yan. It's good that you're p...
20/08/2023

Ekis tayo dyan, kapadyak.🙅🏽‍♂️ Maganda yung idea mo, pero yun na nga, pang-ideal world muna yan. It's good that you're proving a point BUT not at the expense of your child's safety.🙅🏽‍♂️

Ayan 'yung tipong kahit gaano ka kagaling at kaingat magmaneho, kung may walanghiyang motorista sa paligid mo, madadale at madadale ka pa rin.

# # #

Ang lamig naman kasi ng panahon.🥶
28/07/2023

Ang lamig naman kasi ng panahon.🥶

'Yung tirang leftover spaghetti sauce ng kapitbahay at neighbor n'yo, gawin nating homemade pizza na gawa sa bahay.👌
18/07/2023

'Yung tirang leftover spaghetti sauce ng kapitbahay at neighbor n'yo, gawin nating homemade pizza na gawa sa bahay.👌

'Yung curious na siya kung paano raw sila nabuo sa loob ng mama niya-- tapos gamer siya.😅Nung humagalpak ako ng tawa sa ...
16/07/2023

'Yung curious na siya kung paano raw sila nabuo sa loob ng mama niya-- tapos gamer siya.😅

Nung humagalpak ako ng tawa sa tanong na 'yan, biglang may hirit pa siya ng,

"Ano 'yun, na-fall si Tala (galing) sa taas tapos napunta sa tummy ni mama?"🤦‍♂️😅

02/07/2023

We celebrated Mama Hubs' birthday @ Pico De Loro!🦜🌊 Sobrang saya kasi this was Kuya Tammy's first time na mag-beach, plus kasama na rin syempre si Tala!👨‍👩‍👧‍👦🏖☀️

A MOTHER'S LOVE ❤️Grabe. Batang-bata pa ako nung napanood ko ang Voltes V, 'yung theme songs na lang ang natatandaan ko ...
30/05/2023

A MOTHER'S LOVE ❤️

Grabe. Batang-bata pa ako nung napanood ko ang Voltes V, 'yung theme songs na lang ang natatandaan ko at 'yung "Butterfly Returns" episode. Ang natatandaan ko pa e si Dr. Smith o si Commander Robinson ang mamamatay. Sorry na.😅

Pero ito na nga, dahil sa performance ni Ms. Carla Abellana as Mary Anne Armstrong, ramdam na ramdam ko ang scene na ito. Alam ko na ang magiging fate ng nanay nina Steve, Big Bert, at Little Jon. Napaka-solid ng mga gumanap! Ang gagaling!👏 Si Steve, nasasaktan pero kailangan maging matapang bilang panganay, at leader ng Team Voltes V; si Big Bert, malaking tao pero talagang ipinakita ang sakit ng mangyayari; at si Little Jon, ito ang pinakaramdam ko e, 'yung iyak ng batang hahanapin ang kalinga ng magulang.🥺 Kudos sa buong cast!👏 Maski sa mga nasa Camp Big Falcon, grabe ang naging acting nilang lahat para sa scene na ito.

Dalang-dala talaga ako sa scene na ito lalo syempre bilang magulang, gagawin mo talaga ang lahat 'wag lang mapahamak ang iyong mga anak. Lamok nga, ayaw mo madapuan ang anak mo, 'yung bugbugin pa kaya ng Beast Fighter?😅

Thank you, Voltes V: Legacy ! Napa-Wow ako sa Voltes Bazooka reveal tapos papaiyakin naman ako ng episode na 'to.😅 Grabe! Bawat episode, sobrang may aabangan talaga!💯

21/05/2023

Oh, may part 2 agad!✌️

SKL.While replacing the bed sheet and pillow cases, naglalaro naman ng Forza si Baby G sa activity room nila. Bigla siya...
19/05/2023

SKL.

While replacing the bed sheet and pillow cases, naglalaro naman ng Forza si Baby G sa activity room nila. Bigla siyang pumasok sa bedroom, excited. Sabi niya may nagawa raw siyang challenge tapos nag-earn siya ng maraming in-game credits. Iniipon n'ya 'yon para bumili ng cars sa game. Inaya n'ya ako para ipakita sa akin. Inunti-unti pa niyang ipakita na may 1.1M credits sya. Sabi niya mag-stay daw muna ako habang bumibili siya ng kotse. Hanggang sa ito na ang convo namin:

BABY G: Pa, pwede na ako mag-buy ng car?

ME: Depende pa, anak, kung bibili ka ulit ng Koenigsegg o Lambo, kulang 'yan.😅

BG: Hindi, hanap tayo ng pick-up truck kasi gusto mo 'yon e.

(Doon pa lang natuwa na ako e.🥹)

M: Sige, Ford F-150 Raptor na lang (63K lang ata).

(Bigla ko naisip banggitin dream car ko noong kabataan ko)

M: Ay, New Beetle na lang pala.

(Hinanap namin, nung nakita namin 500K kasi naka-racing setup)

BG: Pili ka design.

(Kasi bibilihin na niya. E napisip ako, ang mahal pala kaya 'wag na lang)

M: 'Wag na pala. Bibilihin mo ba talaga 'yan?

BG: Oo, kasi dream car mo 'yan.

🥹🥹🥹

SHEESH. Napatingin ako at napangiti na lang sa kanya e.😅

Shinare ko lang kasi sana ganyan talaga kami kayaman para mamili lang ng gusto naming kotse in real life.🤣

But srsly, sobrang sarap lang talaga sa pakiramdam na sa murang edad nila e kahit sa ganito kasimpleng moments ay may nagpapataba ng mga puso natin.❤️

17/05/2023

Gaming?🎮 Motherhood?👩‍👧GUSTO KO YAAAAN!!!😅

14/05/2023

HAPPY MOTHER'S DAY 🌷

Sa lahat ng mga nanay, at mga tatay, lolo/lola, tito/tita, ate/kuya na nagpapakananay. Salamat!🤗

13/05/2023

Napagod si kuya.😪

06/05/2023

SYEMPRE! SYEMPRE! SYEMPRE! Bilangin kung nakailang sabi ako niyan! Hahahaha

29/04/2023

HAPPY SUNDAY, PEOPLE!🙌

HAYAAN NATIN SILANG MAGING BATANapadaan kami ni Baby G sa isang department store para bumili ng gamit para sa little sis...
26/04/2023

HAYAAN NATIN SILANG MAGING BATA

Napadaan kami ni Baby G sa isang department store para bumili ng gamit para sa little sister niya. Tyempo na nakita niya yung Minecraft shirt, ang game na nilalaro niya ngayon. Pinapili ko siya sa ibang designs pero ayan na raw ang gusto niya kaya binili na namin. Syempre, natuwa ako kasi masaya ang anak ko, at first time ko bumili ng shirt para sa kanya.🥹 Then naalala ko yung usapan naming mag-asawa tungkol sa pananamit ng anak namin:

Noong maliit pa si Baby G, napagusapan na naming mag-asawa na hahayaan lang namin siya sa kung ano ang gusto n'yang "japorms." Sa panahon kasi ngayon, uso na 'yung sumasabay na rin ang mga bata sa fashion na pang-adult. Ang ibang parents siguro napi-pressure kung paano popormahan ang mga anak nila. Kami, ayaw namin magpaka-stress dito.😅 Kung gusto man niya magsuot ng Spongebob, Paw Patrol, Avengers, o Minecraft designs mapadamit, sapatos, etc., hahayaan lang namin. Tsaka na lang namin siya tuturuan ng pananamit kung naaayon na lang sa okasyon. Still, nothing wrong kung trip natin pormahan ang mga anak natin, ang importante maayos sila tignan at may proper hygiene, syempre.

Sa amin lang, yung repleksyon ng childhood niya ang dapat maging japorms niya, hindi yung OOTD na gusto namin bilang magulang.🤗 After all, minsan lang naman siya maging bata.🧒

Our first TikTok entry!🙌 Nahilig na rin lang sa Reels, try na rin namin ang TikTok.😅
21/04/2023

Our first TikTok entry!🙌 Nahilig na rin lang sa Reels, try na rin namin ang TikTok.😅

Football and grocery day with Papa and Tammy. First "gala" without Mama (and Tala).👨‍👦

02/04/2023

Siguro ayaw na ng anak kong makita na nahihirapan ako mag-park ng sasakyan kaya ito ang nadatnan kong pinapanood n'ya pagkagising ko.🤔🚗🅿️😅

13/10/2021

Address

Mandaluyong

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Hubs TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category


Other Video Creators in Mandaluyong

Show All