LAKAS Publication

LAKAS Publication Publication of College of Sports, Exercise, and Recreation

Sa araw na ito, ika-30 ng Nobyembre, ating iginugunita at ipinagdiriwang ang Araw ni G*t Andres Bonifacio, na nagmamarka...
30/11/2024

Sa araw na ito, ika-30 ng Nobyembre, ating iginugunita at ipinagdiriwang ang Araw ni G*t Andres Bonifacio, na nagmamarka sa kapanganakan at pagbibigay-puri sa isa sa mga pangunahing bayani ng ating bansa. Ating gamitin ang araw na ito upang alalahanin at gunitain ang kanyang mga naiambag tungo sa paglaya at pagbangon ng ating bansa mula sa mga mananakop na Kastila.

Pilipinas nga ay napalaya, ikaw pa kaya?

Opisyal nang ginanap ang Gasera: Tanglaw ng Karapatan, Katotohanan, at Pakikibaka; na nagbigay ng daan sa mga kontempora...
07/11/2024

Opisyal nang ginanap ang Gasera: Tanglaw ng Karapatan, Katotohanan, at Pakikibaka; na nagbigay ng daan sa mga kontemporaryang isyu at mga problema na kasalukuyang nararanasan ng ating mga iskolar ng bayan.

Sinimulan ang programa sa pagpapakilala at pagpasok ng mga kandidato ng iba't ibang kolehiyo at external campus sa Lakan at Lakambini ng Karapatan, na agarang sinundan ng pagbibigay ng talumpati mula sa presidente ng ating student government na tumalakay sa mga isyu na ikinakaharap sa loob at labas ng pamantasan.

Photos by Juan Miguel De Dios
Caption by Larence Dan Sto. Tomas

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Basketball Women's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYO...
17/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Basketball Women's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Sa pagsisimula ng Finals sa basketball ng kategoryang pambabae ay dikit at pisikal ang labanan ng Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon kontra sa Kolehiyo ng Teknolohiyang Pang-industriya. Maagang sinimulan ni Mendoza (numero 5) ang opensa, at sa pamumuwersa nila ay lumamang na ang CSER Basketball Women's Team. Naging dikit at mainit ang bakbakan ng mga manlalaro at gayundin sa puntos ay hindi nagpapahuli ang parehong koponan. Sa pagtatapos ng laban nakuha ng Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon ang laban sa iskor na 73-68. Panibagong gintong medalya na naman ang nakamit ng CSER!!

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Women's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYO...
17/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Women's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Sa pag sisimula ng bakbakan sa finals ng volleyball sa kategoryang pambabae ay nakaharap ng ating kolehiyo ang Kampus ng Bustos. Naipanalo ng ating koponan ang una at ikalawang set, ngunit nabigong makuha ang ikatlong set. At sa pang-apat na set ay ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang lakas at husay sa larangan ng volleyball, at sa huli ay nagwagi ang CSER Volleyball Women's Team at nabigyan ang kolehiyo ng isa pang gintong medalya.

Sa pagtatapos ng pangatlo't pang-apat na araw ng Palarong Pampamantasan 2024 ay naipakita't naipamalas ng bawat koponan ...
17/10/2024

Sa pagtatapos ng pangatlo't pang-apat na araw ng Palarong Pampamantasan 2024 ay naipakita't naipamalas ng bawat koponan ang kanilang abilidad sa bawat isports na kanilang sinalihan.

Ngayong araw din mismo ay lalo pang nag-init ang mga laro at hindi man pinalad manalo ang Mens Volleyball team sa laro nila kanina kontra CHTM ay kitang-kita sa bawat palo ng bola ang kanilang dedikasyon.

Ngayong araw rin nakuha ng Mens Futsal team ang una nilang panalo laban sa Hagonoy Campus.

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024 : Futsal kategoryang Panlalaki, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO A...
17/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024 : Futsal kategoryang Panlalaki, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Nagpakitang gilas ang ating koponan sa laban nila kontra sa Kampus ng Hagonoy, nanalo sila sa iskor na 2-0. Nabigo man nilang makuha ang posisyon upang makalaro sa semifinals ngunit ibinuhos parin nila ang kanilang lakas at husay sa paglalaro.

JUST IN!Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024 : Basketball kategoryang Pambabae, KOLEHIYO NG ISPORTS, ...
17/10/2024

JUST IN!

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024 : Basketball kategoryang Pambabae, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Sa pagsisimula ng Finals sa basketball ng kategoryang pambabae ay dikit at pisikal ang labanan ng Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon kontra sa Kolehiyo ng Teknolohiyang Pang-industriya. Maagang sinimulan ni Mendoza (numero 5) ang opensa, at sa pamumuwersa nila ay lamang na ang ating koponan. Naging dikit ang bakbakan ng laban sa puntos din ay hindi nagpapahuli ang parehong koponan. Sa pagtatapos ng laban nakuha ng Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon ang laban sa iskor na 73-68.

JUST IN!Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024 : Volleyball kategoryang Pambabae, KOLEHIYO NG ISPORTS, ...
17/10/2024

JUST IN!

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024 : Volleyball kategoryang Pambabae, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Ang kalaban ng ating kolehiyo ngayong semi-finals ay ang Kolehiyo ng Edukasyon. Matindi at mainit ang naging labanan para sa parehong koponan, nanalo ang ating kolehiyo sa unang set 25-11. Nabigong makuha ng ating koponan ang ikalawang set sa iskor na 25-14 pabor para sa Kolehiyo ng Edukasyon.
Naipanalo ng Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon ang laban sa panghuling set sa iskor na 26-24 at aabante sa Finals ang ating koponan.

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Sepak Takraw, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON. Nab...
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Sepak Takraw, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Nabigong makuha ng CSER ang pagkapanalo kontra sa defending champion, ang Kolehiyo ng Teknolohiyang Pang-industriya. Nalaglag sa semi finals ngunit sasabak pa ang CSER Sepak Takraw Team sa laban para makamit ang tansong medalya.

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON....
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Nakatapat ng CSER Volleyball Mens ang Kolehiyo ng Nursing sa iskor na 2-0. Maagang nagpasiklab ang mga manlalaro ng CSER upang makamit ang panalo at maka-usad sa quarter finals. Abangan ang kanilang laban bukas!

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Women's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYO...
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Women's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Nagkatapat ang Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon kontra sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa quarter finals ngayong araw. Nagwagi ang Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon sa laban at handang harapin ang semi finals ng may malinis na record. Natapos ang laban sa 2-0 sets para Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo at Rekreasyon.

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Baseball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON. N...
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Baseball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Nakuha ng CSER Baseball Men's ang panalo kontra sa Kampus ng Sarmiento sa iskor na 8-0. Ipinakita ng mga manlalaro ang kani-kanilang talento para masecure ang kanilang runs at masecure ang kanilang iskor.

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: ARCHERY WOMEN'S DOUBLE DIVISION. KOLEHIYO NG ISPORT, EHERSISYO ...
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: ARCHERY WOMEN'S DOUBLE DIVISION. KOLEHIYO NG ISPORT, EHERSISYO AT REKREASYON

Hindi nagpatinag ang ating Kolehiyo sa larong Archery. Naging mabilis at kalmado ang ipinakita ng ating mga manlalaro sa pagbitaw ng mga pana. Sa pagtatapos ng paligsahan, nakamit ng CSER Archery Women's Double Division ang tansong medalya kaninang tanghali.

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Basketball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON....
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Basketball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Napakaganda at nakakakaba ang laban ng dalawang koponan sa paglalaban para sa tansong medalya. Sa huli, nagwagi at nakamit ng Basketball Men's team ang tansong medalya na may iskor na 72-61 kontra CCJE.

Abante Stallions!

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON....
16/10/2024

Palarong Pampamantasan ng Bulacan State University 2024: Volleyball Men's, KOLEHIYO NG ISPORTS, EHERSISYO AT REKREASYON.

Nagpaulan ng malalakas na palo ang mga manlalaro ng CSER Volleyball Men's ngayong umaga. Talagang ipinakita nila kung gaano sila kadominante sa loob ng volleyball court dahil tinalo nila ang BULSU Bustos Campus sa iskor na 25-17 sa first set at 25-20 naman para sa second set.

HAPPENING NOW!Sa pangatlong araw ng Larong Pampamantasan 2024 ay siya ring pagtatapos at awarding para sa Athletics Men ...
16/10/2024

HAPPENING NOW!

Sa pangatlong araw ng Larong Pampamantasan 2024 ay siya ring pagtatapos at awarding para sa Athletics Men and Women Day 1.

Abangan ang susunod pang kaganapan.

Address

Bulacan State University/Main Campus
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LAKAS Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category


Other Publishers in Malolos

Show All