21/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฉ: ๐๐๐๐๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ฒ๐!
Sa bawat galaw ng mga piyesa, at mga galaw โpang depensaโhinahangad ang matamis na sandaling pagbigkas ng mga katagang โCheckmate!โ upang maisaradong panalo ang labanan sa apat na kuwadradong laroโChess!
Tahimik na magkaharap sa isang lamesaโtanging galaw lamang ng mga piyesa ang iyong maririnig sa makapigil hiningang tagisan na nangyari noong Disyembre 1-3, 2025 sa mga piling silid sa gusali ng Senior High School sa ating sintang paaralan, City of Malolos Integrated School-Sto. Rosario (CMIS-SR) nang ganapin ang Chess City Meet.
Maaga pa lamang ay nagsimula ng dumating ang ibaโt-ibang delegasyon mula sa ibaโt-ibang paaralan sa ating mahal na lungsod ng Malolos upang ipakita ang talas ng isip at galing ng mga atletang Malolenyo sa larangang itoโinaasam ang matamis at kagalak-galak na tagumpay upang maging delegasyon ng ating lungsod sa darating na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA). Isinaayos ang mga silid na pagdadausan ng laro ng mga atleta, hanggang dumating ang kapana-panabik na simula. Una muna na isinaayos ang mga magkakatapat na manlalaro, hanggang sila ay nagkamayโhudyat na nagsimula na ang laban sa Ahedresan.
Makikita ang seryosong mga mukha na nakatitig sa mga piyesa ng Ahedres, unti-unting iginagalawโprogresibo patungo sa tagumpay. Bawat tira ay tila ginto na kailangan pagtuunan ng pansin at pag-isipan ng maigi. Sumasalamin sa mga panahon na sila ay nagbuhos ng oras, pawis, pagod, at pagmamahal sa larangang ito upang mag-ensayo ng walang humpay, nang maging magaling at maging handa sa magiging laban. Hindi madali at tunay na nakakapagod laruin ito dahil kahit hindi buong katawan ang gumagalaw ay ang isipan naman ang gumaganaโsa dami ng posibleng galaw na kailangan paghandaan, maisahan, at lagpasan ay patuloy ang paggana ng utak upang mag-analisa ng mga posibleng galaw patungo sa katagang โCheckmate!โ.
Pamilya ang naging motibasyon, at araw-araw na pagpapatalas ng mga galaw ang ginawang paghahanda ni Daniella Bianca S. Cruz, isa sa kinatawan ng ating Secondary Girls (SG) upang magpakita ng kahanga-hangang mga galaw sa Chess City Meet 2025. Kaniyang nakuha ang ginto sa kategoryang Blitz at Standard sa Indibidwal na kategorya. Nang dahil dito, siya ang magiging representatibo ng lungsod ng Malolos sa paparating na CLRAA, handang dumurog at manaig muli!
โMy motivation in playing chess is teaching me patience, every mistake builds humility; every win reminds me that strategy, focus and discipline pays off. On the board, I learn to think ahead, stay calm under pressure and accept responsibility for my decisions. Our coach allows us to study openings, solve chess puzzles everyday, play real games, play basic end games, and review our own games.โ ang pahayag ni Kassaundra Carpio na isa sa ating kinatawan sa Secondary Girls (SG), matapang na ibinahagi ang kaniyang pamamaraan ng pag-eensayo at paghahanda, kasama na din kung ano ang mga naging motibasyon niya sa naturang laro.
Paglalaro ng mga โChess puzzlesโ bago matulog at madalas na paglalaro kasama ang kanyang ama upang mas maging matalas sa Blitz at sa mahahabang laro ang naging pamamaraan ni Marcel Genevieve T. Santos, isa sa kinatawan ng Secondary Girls (SG) upang paghandaan ang kanyang mga laro.
Kasama na lumaban sina Mark Dhailen M. Temblique, KZ Emmanuel B. Vicente, at Ersey N. Mendoza na kinatawan ng Secondary Boys (SB), buong husay na ipinakita at inirepresenta ang ating sintang paaralan hanggang sa pinaka abot ng kanilang makakaya! Palakpak!
Ayon naman sa kanilang magaling na gurong tagapagsanay na si Ginoong Mark Gil N. Santos, pagkatapos ng oras ng klase ay saka sila naglalaan ng oras upang puspusang mag-ensayo. Bukod pa doon, pag-uwi ng mga manlalaro ay hinihikayat silang maghanap at rumesolba ng mga โChess puzzlesโ bilang ensayo. โโyung desire na makuha nila ang Gold Medal sa kanilang piling larangan pagdating sa sports which is Chess. Masaya ako na matagumpay sila dahil ang tagumpay nila ngayon ay tagumpay nila sa hinaharap. Chess is life.โ ang naging motibasyon naman ni Ginoong Mark upang sila ay hasain at mas lalo pang maging mahusay sa larangan ng Ahedres!
Mula sa pahayag ni Cyrus Nico Balute na mula sa paaralan ng Malolos Marine Fisheries School and Laboratory (MMFSL),indibidwal na pagsasanay, pagdayo sa mga toda, pagsali ng mga tournaments at palaro ng mga sikat na samahan katulad na lamang ng Mobile Chess Club ang kaniyang naging gawi upang pumuntos sa Chess City Meet 2025. Kaniyang naging motibasyon ang kagustuhang irepresenta ang kanilang paaralan, at kagustuhang makarating sa pinakamataas na antas sa larangan ng isports. Nakuha niya ang ika-apat na puwesto sa kategoryang Blitz na mayroong 4 na puntos at 4.5 na puntos naman sa kategoryang Standard. Nakuha naman ng MMFSL Secondary Boys (SB) Bronze sa Standard Team Event at Silver sa Blitz Team Event. Ang tagis umatake at dumepensa, iba din!
Sa bawat pagmamahal sa ginagawa ay mayroong matamis na gantimpala! Ang bawat paglalaan ng oras mag-ensayo nila Daniella, Marcel, at Kass upang maghanda noon sa Chess City Meet 2025 ay nagbunga na, sila ang nakakuha ng ginto sa Chess Standard Event (Team Category) at Silver sa Blitz Chess (Team Event)! Bawat pag-iisip ng mariin, paggalaw ng mayroong saysay, at paghahanda ay natumbasan ng matamis na tagumpay! Pagbati sa talim ng istilo at malawak na kaisipan na inyong naiukit sa larangan ng Ahedres!
Sa hulihan ng lahat, mahirap man gawin o laruin ang Ahedres, kung ikaw ay tunay na nagpupursigi sa larangang ito, pipiliin mong aralin, intindihin, at patuloy bigyang direksiyon ang bawat bitaw ng mga galaw, ayusin at pag-isipang maigi ang mga tira, at mahalin pa ito lalo na tila ba iyong ikamamatay kung wala ito. Sa ganoong paraan, iyong makakamtan ang bawat panalo at tagumpay!
๐๐ซ๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ข | ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ
๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง | ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ ๐๐ญ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐ก ๐๐จ๐ช๐ฎ๐