12/01/2025
ISINULONG NA EXPANDED CENTENARIAN ACT CASH BENEFITS NI MALABON REP. JAYE LACSON-NOEL PARA SA MGA SENIORS, APRUBADO NA!
Aprubado na ang isinulong ni Malabon Representative Jaye Lacson-Noel at ng iba pang mambabatas sa Kamara ang Expanded Centenarian Act Cash Benefits, bilang pagkilala sa mga senior citizens na umabot sa edad na 80, 85, 90, 95 at 100-anyos.
Base sa inilabas na magandang balita ng kongresista sa kaniyang page, inaaasahang makakatanggap ng tig-10,000 mula sa National ang mga qualified na lolo at lola na nasa edad 80 at 85 years old o octogenarians, at edad 90 at 95 years old o nonagenarians, habang 100,000 libo naman para sa mga 100-anyos o centenarians.
Kung ang iyong kaanak o kakilala ay pasok sa naturang programa, maari lamang tingnan ang website ng National Commission of Senior Citizens sa ibaba para sa kumpletong detalye: https://www.ncsc.gov.ph/
Courtesy: Jaye Lacson-Noel