PILIPINAS NGAYON NEWS ONLINE

PILIPINAS NGAYON NEWS ONLINE News update

12/07/2024
12/07/2024

Ni: Manong B**g

DAHIL sa kanilang ‘di matatawarang dedikasyon sa kahusayan sa serbisyo at pagtupad sa tungkulin ay nagbunga rin ang kasipagan ng ‘men and women’ ng Pampanga Police Provincial Office.

Siyempre, ito ay dahil sa magaling na patnubay ni P/Col. Jay Dimaandal sa kanyang mga tauhan sa lalawigang tinawag na Culinary Capital of the Philippines kaya naman nanguna ang Pampanga PPO sa regional-wide Unit Performance Evaluation Rating o UPER.

Nakuha ng Pampanga PPO ang pinakamataas na rating na 97.31 kaya nahirang na Central Luzon Police UPER champion sa buwan ng Hunyo.

Ang UPER ay isang sistema na nagsisilbing gabay o sukatan para sa evaluation ng mga unit sa Philippine National Police kung paano isinasagawa’t isinasakatuparan ang kanilang mandato, pahayag ni P/BGen. Jose ‘Daboy’ Hidalgo, Jr.

Dinisenyo ito bilang standard tool ng PNP na gagamitin para sa komprehensibong pagsusuri sa pagganap ng iba’t ibang opisina at yunit ng pambansang pulisya sa buong bansa, ayon pa sa Police Regional Office 3 director.

Pinuri ni Dimaandal ang mga dedikadong tauhan ng Pampanga PPO na ang ‘di-natitinag na dedikasyon at walang pagod na pagsisikap ang nagtulak at laglagak sa provincial command sa ganitong kahanga -hangang tagumpay.

Ang kanilang pagtitiwala sa pagpapanatili ng halaga ng integridad, propesyonalismo at pagsisilbi sa publiko ay nagpakita ng pinakamataas na pamantayan ng PNP.

Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapakita ng exemplary leadership ni Dimaandal kundi nagpapalakas din ng kolektibong pagsisikap at pagkakaisa na ipinakita ng bawat miyembro ng Pampanga PPO.

Ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan ay tunay na nakabibilib kung kaya’t karapat-dapat sa pagkilala ang naturang provincial command.

Hurrah kay Col. Dimaandal at mabuhay ang mga pulis ng Pampanga PPO.

53 PATROL MOTORCYCLE IPINAGKLOOB  SA PAMPANGA POLICE NI GOVERNOR PINEDAUpang mas higit pang mapahusay ang kapayapaan at ...
27/06/2024

53 PATROL MOTORCYCLE IPINAGKLOOB SA PAMPANGA POLICE NI GOVERNOR PINEDA

Upang mas higit pang mapahusay ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan,tumanggap ang Pampanga Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director PCOL JAY C DIMAANDAL, ng 53 unit ng Kawasaki Patrol Motorcycles mula kay Gobernador Dennis “Delta” G. Pineda noong Huwebes, Hunyo 27, 2024.

Personal na iniabot ni Governor Pineda ang mga motorsiklo kay PCOL DIMAANDAL sa Pampanga Police Headquarters. Kasama sa event ang turnover ceremony at ang blessing ng units.

Ang mga bagong nakuhang motorsiklo, na pinamamahalaan ng mga sinanay na opisyal ng Pampanga Tactical Motorcycle Riding Unit, ay makabuluhang magpapalakas sa mga kakayahan sa pagtugon ng Pampanga police. Ang mga motorsiklong ito ay estratehikong ipapamahagi sa mga istasyon ng lungsod at munisipyo gayundin sa mga puwersang palipat-lipat sa buong lalawigan.

Ang mga Kawasaki patrol na motorsiklo, na nilagyan ng 250cc na makina, ay idinisenyo para sa mabilis na pagtugon sa mga kriminal na aktibidad. Ang donasyon na ito ay minarkahan ang ikalawang batch ng mga motorsiklo na ibinigay, kasunod ng naunang deployment ng 23 units para magpatrolya sa mga lansangan ng Pampanga.

Ipinahayag ni PCOL DIMAANDAL ang kanyang pasasalamat, na nagsasabi, "Ang mapagbigay na donasyon ni Gobernador Pineda ay isang pagbabagong-anyo sa aming kahusayan sa pagpapatakbo at kapasidad na itaguyod ang kapayapaan at kaayusan sa Pampanga. Ang mga motorsiklong ito ay isang game-changer, na nagbibigay-daan sa aming mga opisyal na tumugon sa mga insidente nang mabilis at epektibo, sa gayon ay tinitiyak ang kaligtasan ng aming mga komunidad sa lahat ng oras."

25/06/2024

Kinikilala ng Maynilad ang Regulatory Desisyon at Muling Pinagtitibay ang Pangako sa Kalidad at Kaligtasan ng Customer

Tiniyak nito na kanilang Nirerespeto at sinusunod ng Maynilad ang desisyon ng MWSS Regulatory Office na magpataw ng financial penalty para sa isolated water quality non-compliance incidents sa Caloocan at Imus

Sa Prescon kanina sa caloocan, Ayon kay MWSS Regulatiry Office chief Atty. Patrick Lester, Ang multa ay ipapamahagi bilang mga rebate sa buwanang singil ng mga partikular na apektadong customer.

Gusto umano nilang tiyakin sa mga customer na ang mga insidenteng ito ay agad na natugunan at nalutas.

Bilang tugon, nagpatupad sila ng mga pinahusay na interbensyon sa proseso, kabilang ang pinaigting na pag-flush ng tubo, pinabilis na pagpapalit ng tubo, at pinabilis na pag-aayos ng leak at pagsasara ng mga ilegal na koneksyon.

Ang kalusugan at kaligtasan umano ng mga customer at ang integridad ng kanilang supply ng tubig ay nananatiling pangunahing priyoridad

Ang Maynilad ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamataas na kalidad ng tubig at patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang matiyak ang pagiging maaasahan at kaligtasan ng kanilang mga serbisyo

Patuloy din umano silang nakikipagtulungan sa MWSS Regulatory Office at Department of Health sa pagsubaybay sa kalidad ng supply ng tubig na ipinamamahagi sa kanilang mga customer.

14/06/2024

Ni: kuya B**g

Tumataginting na P6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng operatiba ng iba’t ibang unit ng Police Regional Office 3 na nagresulta rin sa pagkakadakip ng ilang drug dealer at user.

Ang ‘shabu haul’ ay bunga ng magkakahiwalay na matagumpay na drug bust na isinagawa kamakailan alinsunod sa pumatok na pinaigting na intelligence – driven tactics na iniutos ni PBGen. Jose ‘Daboy’ Hidalgo, Jr.

Ikinatuwa ng butihing “Ama ng PRO 3” na naging maayos ang naturang drug operation, natupad aniya, ang purpose dahil nasunod ang “true essence of the new approach on this problem on drugs.

Layon ng bagong estratehiya na maging pulido ang kilos ng pulisya sa pagsasagawa ng drug bust na walang masasaktan, lalo’t magbubuwis ng buhay, paliwanag ni Hidalgo.

Ang bagong game plan na ito ni Hidalgo ay sagot sa panawagan ni Phililippine National Police chief PGen. Rommel Marbil na ‘change of strategy’, kaiba sa marahas na drug war ng lideratong Duterte.

Libo-libo ang namatay sa kasagsagan ng “operation tokhang” na iniutos ni dating Pangulong Digong Duterte, dahilan para pagpiyestahan ng international human right advocates ang ating bansa.

Mula noong nakaraang administrasyon hanggang ngayong pamunuan ay hindi naputol bagkus tuloy-tuloy, nakapulapol sa Pilipinas ang tatak berdugo kaya, marahil nagsalita na si Pangulong Marcos.

Kung ang mga pahayag ni PBBM ang basehan, malinaw na ‘taboo’, wala nang puwang ang Duterte style na pagtugon sa problema ng droga. Nais ng Pangulo ang “bloodless war on drugs”.

Hindi lamang sa PRO3, kundi sa ibang police regional command, ang mga police commander ay dapat kumikilos na rin para magkaroon ng taktika o bagong estratehiya kontra illegal drugs.

After all, ito ang naiisip na tatahakin ng PBBM leadership para magkaroon ng positibong pananaw sa Pilipinas na nasadlak sa kahihiyan dahil sa madugong war on drugs ng nakaraang gobyerno

CTTO: Valenzuela LGU.Makaraang imbistigahan ng Valenzuela LGU ang bodega na pagpapakita ng Chinese Flag sa bobong ng kan...
06/06/2024

CTTO: Valenzuela LGU.

Makaraang imbistigahan ng Valenzuela LGU ang bodega na pagpapakita ng Chinese Flag sa bobong ng kanilang whare house ay iniutos na I sarado dahil sa kawalan ng permit*

Ito ang resulta ng imbistigasyon kanina ng Business Permit and Licensing Office (BPLO),sa bodega sa Barangay Bignay na nagpagpapakita ng banyagang bandila at ibinunyag ang ilang mga paglabag sa kumpanya.

Iniutos na ni Mayor WES G*tchalian sa pamamagitan ng pagrekomenda ng BPLO, ang agarang pagsasara ng establisyimento.

Lumalabas Sa kanilang inspeksyon, natuklasan ng BPLO na ang STR Power Equipment Corporation - isa sa tatlong kumpanyang umuupa ng ari-arian sa compound ng bodega - ay tumatakbo nang walang kinakailangang Mayor's/Business Permit na kinakailangan upang gumana bilang isang bodega. Bilang resulta ng mga paglabag na ito, naglabas ng agarang closure order sa STR Power Equipment Corporation, sa pamamagitan ng Executive Order 2024-073, Series of 2024.

Ang natuklasan umanong ito sa panahon ng inspeksyon ng BPLO ay nagmula sa pagsisiyasat sa pagpapakita ng isang banyagang bandila sa paligid, na isang paglabag sa Seksyon 34 (h) ng Republic Act No. 8491, na kilala rin bilang Flag and Heraldic Code of the Pilipinas.

Ang BPLO ay nasa proseso pa ng pagkumpirma kung sino sa mga kumpanya sa compound ng bodega ang responsable sa pagtataas ng bandera ng ibang bansa.

Lumalabas sa karagdagang imbestigasyon ang presensya ng mga dayuhang empleyado sa dalawa pang kumpanyang nag-ooperate sa lugar. Kasalukuyang bini-verify ng BPLO kung ang mga empleyadong ito ay nagtataglay ng mga kinakailangang working visa.

Binibigyang-diin ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pangako nitong itaguyod ang pagkamakabayan ng mga Pilipino at pagsunod sa mga pambansang batas, at pinapaalalahanan ang lahat ng mga negosyo at residente hinggil sa pagbabawal sa pagpapakita ng mga banyagang watawat sa mga pampublikong espasyo, maliban sa loob ng mga embahada, mga diplomatikong establisyimento, at mga tanggapan ng mga internasyonal na organisasyon, ayon sa ipinag-uutos. sa pamamagitan ng Republic Act No. 8491.

Dahil kasabay nito ang pagdiriwang ng Araw ng Pambansang Watawat, muling pinagtitibay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanyang dedikasyon na mapanatili ang katanyagan at paggalang sa Pambansang Watawat ng Pilipinas, gayundin ang pangako nitong tiyakin na ang lahat ng aksyon sa loob ng ating nasasakupan ay sumasalamin sa mga halaga ng pambansang pagkakaisa at paggalang sa mga simbolo ng ating bansa.

09/05/2024
30/04/2024

“Senado”

Paliwanag ng DILG sa bumabang timbang ng mahigit isang Toneladang Shabu na nakumpiska sa Batangas, Tinanggap ni Sen Bato De La Rosa.

Hindi na dapat pagdudahan pa ang tunay na dami at timbang ng Shabu na nakumpiska ng mga tauhan ng PNP sa Alitagtag, Batangas.

Ito ang deklarasyon ni Sen Ronald Bato De La Rosa kasunod ng hearing na isinagawa ng kaniyang Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Ayon kay De La Rosa, walang Motibo upang bawasan ang Shabu na nakumpiska dahil nandoon mismo sina DILG Sec Benhur Abalos at PNP Chief Gen. Rommel Marbil at mga testigo na lumagda sa ginawang Imbentaryo.

Nagkamali lang sila ng Estimate dahil sa sobrang tuwa at may hulog ng langit silang huli at nakumpiska….

Sa hearing ng Committee, Sinabi ni Sec. Abalos na walang anomalya sa nakumpiskang 1.424 na Tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P9.68
billion pesos.

Ipinakita nito ang mga Video ng actual na Checkpoint Operation noong April 15, 2024 na nagresulta sa pagkaaresto ng supek na si Alajon Michael Zarate at mga Shabu na nakumpiska sa minamaneho niyang Passenger Van.

26/04/2024

NI: Roland Peña ( Sparow)

Kinumpirma ngayon ng caloocan pnp na nakipag ugnayan na sila sa BI para mapigilan ang Seman na suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa caloocan

May mga target na umanong lugar ang caloocan pnp na maaring puntahan ng suspek sa pamamaril kay Mark Martin Gutierrez 37,,ng Tambakol street, barangay 28 sa caloocan.

Ayon kay pcol Ruben Lacuesta puspusan ngayon ang ikinasang manhut operation ng tauhan ng sub- station Comander na si Capt Lopez.

Ayon sa opisyal makaraang mapanuod ang kuha ng cctv camera sa lugar ng pinangyarihan ay agad matukoy ang pangalan ng suspek na si “Cris Vergara jr. residente ng Dimasalang st. Barangay 26 sa caloocan.

Gamit ang 45 cal ng baril ng Malapitang binaril ni Vergara ang biktima na si Martin habang ito ay nakatakikod sa harap ng MJ Restobar.

Ayon sa mga Saksi nagkaroon muna ng matinding pagtatago sa pagitan ng dalawa sa isang bilyaran sa kanilang pustahan bago naganap ang pamamaril.

Hindi akalain ng biktima na siminsan ng suspek kaya tiwalang nagtungo sa kanyang sasakyan kaya hindi nito na paghanadaan ang tangka sa kanyang buhay.

Nanawagan naman ang tiyuhin ng suspek kay Martin at tatay nito na ayusin ang problima at sumoko narin upang maayus ang lahat.

Nagloluksa ang naiwang pamilya kung saan ay panawagan ng asawa na sumoko na para harapin ang ginawang pagpatay sa kanyang asawa.

26/04/2024

NI: Roland Peña ( Sparow)

Kinumpirma ngayon ng caloocan pnp na nakipag ugnayan na sila sa BI para mapigilan ang Seman na suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa caloocan

May mga target na umanong lugar ang caloocan pnp na maaring puntahan ng suspek sa pamamaril kay Mark Martin Gutierrez 37,,ng Tambakol street, barangay 28 sa caloocan.

Ayon kay pcol Ruben Lacuesta puspusan ngayon ang ikinasang manhut operation ng tauhan ng sub- station Comander na si Capt Lopez.

Ayon sa opisyal makaraang mapanuod ang kuha ng cctv camera sa lugar ng pinangyarihan ay agad matukoy ang pangalan ng suspek na si “Cris Vergara jr. residente ng Dimasalang st. Barangay 26 sa caloocan.

Gamit ang 45 cal ng baril ng Malapitang binaril ni Vergara ang biktima na si Martin habang ito ay nakatakikod sa harap ng MJ Restobar.

Ayon sa mga Saksi nagkaroon muna ng matinding pagtatago sa pagitan ng dalawa sa isang bilyaran sa kanilang pustahan bago naganap ang pamamaril.

Hindi akalain ng biktima na siminsan ng suspek kaya tiwalang nagtungo sa kanyang sasakyan kaya hindi nito na paghanadaan ang tangka sa kanyang buhay.

Nanawagan naman ang tiyuhin ng suspek kay Martin at tatay nito na ayusin ang problima at sumoko narin upang maayus ang lahat.

Nagloluksa ang naiwang pamilya kung saan ay panawagan ng asawa na sumoko na para harapin ang ginawang pagpatay sa kanyang asawa.

Isinagawa ang kauna- unahang Liga ng mga barangay sa distrito #6 ng bulacan ngayong araw.Ang opening ng Liga na kinakata...
20/04/2024

Isinagawa ang kauna- unahang Liga ng mga barangay sa distrito #6 ng bulacan ngayong araw.

Ang opening ng Liga na kinakatampukan ng tatlong bayan ng Sta. Maria bulacan, Norzagaray at angat bulacan.

Ang Congpleyto Cup 2024 ay dinaluhan ni Congreswoman PBA Party list Atty. Margarita Migs Norgales.

naging katuwang sa katuparan ng palarong Men and Woman basketball at Voleyball ang magkapatid at anak ni Cong. Ador pleyto at ang tatlong Alkaldi ng Distrito #6 at mga barangay opisyal.

Naging malaking Event at pinaghandaan ng bawat manlalaro mula 43 barangay ang araw na ito lalo nat Libre lahat ng gastusin at uniform mula sa tangapan ni Cong. Ador pleyto.

Mismong si Cong pleyto ang nangina sa “ plain and Torch lightining realay bilang hudyat ng pag uumpisa ng lega na ginanap sa “Fortunato Halili, National Agricultural School ( FFHNAS) sa barangay Gugong.

Ipinakita ng bawat “Muse ng bawat barangay ang kanilang katangian sa pagsagot at kakayahan sa pag presinta ang kanilang barangay, kung saan ay tumangap ng 5,000 pesos ang 2nd dunner up, 7,000 para sa first Runner up at 10,000 sa champion.

Tumangap naman ng tig 3,000 pesos bawat muse at marami pang nag- aantay na malalaking pa premyo mula sa congrehista sa bawat magwagi na manlalaro.

Samantala nagpaabot ng 100,000 pesos si Gov. Daniel fernando bilang karagdagang papremyo at tiniyak ng congrehista na kanya itong dodoblihin para mas sasaya ang mga atleta.

Kwento ng mga mamayan sa bulacan, ay ngayon lang nagkaroon ng ganitong buong suporta sa kanila sa buong kasaysayan sa buong bulacan.

Samantala, Mas malaking tumatagaktak na na 50 milyon proyekto ang nakalaan sa alkaldi ng distrito #6 kung sila ang mag champion sa congpleyto Cup 2024.

20/04/2024

Isinagawa ang kauna- unahang Liga ng mga barangay sa distrito #6 ng bulacan ngayong araw.

Ang opening ng Liga na kinakatampukan ng tatlong bayan ng Sta. Maria bulacan, Norzagaray at angat bulacan.

Ang Congpleyto Cup 2024 ay dinaluhan ni Congreswoman PBA Party list Atty. Margarita Migs Norgales.

naging katuwang sa katuparan ng palarong Men and Woman basketball at Voleyball ang magkapatid at anak ni Cong. Ador pleyto at ang tatlong Alkaldi ng Distrito #6 at mga barangay opisyal.

Naging malaking Event at pinaghandaan ng bawat manlalaro mula 43 barangay ang araw na ito lalo nat Libre lahat ng gastusin at uniform mula sa tangapan ni Cong. Ador pleyto.

Mismong si Cong pleyto ang nangina sa “ plain and Torch lightining realay bilang hudyat ng pag uumpisa ng lega na ginanap sa “Fortunato Halili, National Agricultural School ( FFHNAS) sa barangay Gugong.

Ipinakita ng bawat “Muse ng bawat barangay ang kanilang katangian sa pagsagot at kakayahan sa pag presinta ang kanilang barangay, kung saan ay tumangap ng 5,000 pesos ang 2nd dunner up, 7,000 para sa first Runner up at 10,000 sa champion.

Tumangap naman ng tig 3,000 pesos bawat muse at marami pang nag- aantay na malalaking pa premyo mula sa congrehista sa bawat magwagi na manlalaro.

Samantala nagpaabot ng 100,000 pesos si Gov. Daniel fernando bilang karagdagang papremyo at tiniyak ng congrehista na kanya itong dodoblihin para mas sasaya ang mga atleta.

Kwento ng mga mamayan sa bulacan, ay ngayon lang nagkaroon ng ganitong buong suporta sa kanila sa buong kasaysayan sa buong bulacan.

Samantala, Mas malaking tumatagaktak na na 50 milyon proyekto ang nakalaan sa alkaldi ng distrito #6 kung sila ang mag champion sa congpleyto Cup 2024.

Ni: Jun Maligalig-DSWD at OPAPRU,nagkaloob ng PAMANA Housing Units sa  mga pamilya sa dalawang bayan sa  Zambo Peninsula...
20/04/2024

Ni: Jun Maligalig

-DSWD at OPAPRU,nagkaloob ng PAMANA Housing Units sa mga pamilya sa dalawang bayan sa Zambo Peninsula

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development ay 100 pamilya mula sa Sirawai, Zamboanga del Norte at Tungawan, Zamboanga Sibugay ang pinagkalooban ng bagong housing units ng pamahalaan.

Ang pabahay ay inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU.

Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay,ang proyekto ay bahagi ng National Peace Agenda investments ng gobyerno para sa mga Conflict-Affected at
Vulnerable Communities sa
malalayong lugar.

Paliwanag pa ni Tanjusay na ginawa ito sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA Modified Shelter Assistance Program o MSAP.

Sinabi pa nito na tuloy tuloy ang improvement ng mga programa ng DSWD sa pamununo ni Sec. Rex G*tchalian partikular na ang pagtugon sa Mga livelyhood, psycho social case management De radicalization and Reintegration Modules designed para sa mga dating rebelde at mahihirap na lugar.

Nangako pa ang DSWD official na magdagdag pa ng Housing Units ang ahensya para sa iba pang nangangailangang pamilya sa Tungawan at sa Sirawai.

NI: Orlan Peña ( Sparow)Nagiging tanyag ngayon sa maynila ang ginagawang pagtulong ng isang Lalaking Negusyante sa kanya...
19/04/2024

NI: Orlan Peña ( Sparow)

Nagiging tanyag ngayon sa maynila ang ginagawang pagtulong ng isang Lalaking Negusyante sa kanyang tuloy tuloy na pagtulong sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng medical mission, pamimigay ng relief goods at marami pang iba.

Ang nagiging tanyag na si Ginuong Joseph Lumbad ng Distrito # 1 sa tindo maynila ay nakilala din nuon pang kasagsagan ng Pandemya dahil namimigay ng mga pagkain sa mga kababayan na lalong nakilala bilang “ Pilantropo ng mamayan ng tondo.

Sinasabing maging sa ibang bansa ay ginagawa narin nito ang mga pagtulong lalo na ang mga kababayang nangangailangan ng tulong.

Ang pamunuan ng Pilipinas ngayon News online ay sumasaludo sa mga kakaibang pagtulong ni Ginuong Joseph dahil malaking bagay ito sa panig ng mahihirap na mamayan ng maynila.

Inaasahan na ng mga mamayan sa maynila na magtutuloy ang serbisyo publiko ni Ginuong “Lumbad dahil ito na umano ang kanyang misyon sa buhay.

NI: Edwin DuqueNAVOTEÑO SOLO PARENTS MAKAKUHA NG BUWANANG CASH SUBSIDYSinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang...
18/04/2024

NI: Edwin Duque

NAVOTEÑO SOLO PARENTS MAKAKUHA NG BUWANANG CASH SUBSIDY

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Nasa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. Kung Saan Ay Nag-iiba ang halaga depende sa buwan ng aplikasyon o pag-renew ng kanilang 2024 solo parent identification card.

Ayon kay Mayor Johnrey Tiangco, Ipinatupad ng Navotas ang pamamahagi ng subsidy sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2023-40, na tinustusan sa pamamagitan ng Gender and Development Fund.

Sa ilalim umano ng ordinansa, kwalipikadong tumanggap ng P1,000 buwanang cash subsidy mula sa pamahalaang lungsod ang mga rehistradong solo parents na kumikita ng minimum wages pababa.

“Hinihikayat ang mga solo parents ng Navoteño na magparehistro sa kanilang city social welfare office para maging kwalipikado sa programa.

Sinabi pa ni tiangco na Ngayong taon, ay naglaan sila ng sapat na pondo para makapagbigay ng buwanang subsidy sa 500 benepisyaryo.

Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din ng mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.

Ang Expanded Solo Parents Welfare Act ay nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga rehistradong solo parents kabilang ang P1,000 buwanang subsidy, 10% na diskuwento at VAT exemption, 7-araw na parental leave na may bayad, priority sa mga scholarship program at grant, automatic Philhealth coverage, at iba pa.

NI:,David Pena ( Sparow)Ctto: Pdea matagumpay ang isinagawang drug  Buy-bust operation  ng  PDEA-SES, at nagresulta ng p...
18/04/2024

NI:,David Pena ( Sparow)

Ctto: Pdea

matagumpay ang isinagawang drug Buy-bust operation ng PDEA-SES, at nagresulta ng pagkakaaresto sa umanoy dalawang suspek na tulak ng droga

Isinagawq ang drug operation PDEA-SES Ang alas 12: 17 ng tanghali ng April 18, 2024 sa cloverleaf Mall Balintawak Quezon City

Nakuhang ibidensya sa droga operation ang dalawang kilo na umano Na pakete ng hinihinalang shabu na may halagang 13.6 million piso Boodle money, isang piraso cellphone phone

Sa report ng mga operatiba ng pdea ses kay ses director Rogelito A Daculla, na isinumite kay pdea director general MORO VIRGILO LAZO, kinilala ang dalawang suspek na sina Arnold Zaragoza y armamento, 49 ,anyos taxi driver, residente ng Balintawak quezon City Ansano Macapantad y Mala, 28 ,anyos ng Valenzuela City

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong oaglabag ng Section 5, at section 21 Article II of RA9165

NI: David Pena ( Sparow)tinanghal ang Navotas city jail bilang Top 4 Best City Jail sa Male Dormitory Category, habang n...
17/04/2024

NI: David Pena ( Sparow)

tinanghal ang Navotas city jail bilang Top 4 Best City Jail sa Male Dormitory Category, habang nasungkit naman ang Top #1 Ni JCINSP. Lucky O. Dionecio ang warden ng Piitan

Nakuha dn ng dating Assistant Warden JSINSP MACHSON C CATINDIG ang BEST JUNIOR Officer.

Tatlo namang inidividual award ang nakuha nila JO1 Sogilon, Best Help Desk Officer, JO1 Accatan, Best G*te Security Officer at JO1 Navergas, Best CRS Officer sa 1st Quarter BJMP-NCR Gawad Penolohiya 2024.

Pinasalamatan ng opisyal si Mayor Johnrey Tiangco sa patuloy na suporta sa piitan kaya na ibinigay ng maayus ng ahensya ang maayus na serbisyo sa mga PDL.

Kabilang dito ang Education, kalusugan, pangkabuhayan, religios activity at tamang disiplina kaya maiwasan ang sigalot sa loob ng bjmp sa navotas.

Pinasalamatan ng mga PDL at kawani si Dionecio sa pagiging makatao at maka dios sa pangunguna sa kanilang lahat.

PICTURE CTTO: BFPPATAY ANG ISANG FIRE VOLUNTEER MAKARAANG MADAGANAN NG GUMUHONG ISTRUKTURA MATAPOS ANG NIRESPUNDEHANG SU...
17/04/2024

PICTURE CTTO: BFP

PATAY ANG ISANG FIRE VOLUNTEER MAKARAANG MADAGANAN NG GUMUHONG ISTRUKTURA MATAPOS ANG NIRESPUNDEHANG SUNOG SA BRGY. BATIS LUNGSOD NG SAN JUAN.

KINILALA NG SAN JUAN CITY POLICE SA PANGUNGUNA NI COL. FRANCIS ALLAN REGLOS ANG 25-ANYOS NA NASAWING SI KENNETH OLIVER ALCANTARA, MIYEMBRO NG NEW SAN JUAN FIRE VOLUNTEER BRIGADE.

SA REPORT NG KAPULISAN, NABATID NA TAPOS NA ANG SUNOG PASADO ALAS-SAIS NG GABI NITONG ABRIL 16 NANG MADAGANAN NG ISANG GUSALI SI ALCANTARA HABANG NAGLILIGPIT NG GAMIT.

NAISUGOD PA ANG BIKTIMA SA SAN JUAN MEDICAL CENTER BAGO IDINEKLARANG WALA NANG BUHAY PASADO ALAS-10.

NAKIRAMAY NAMAN ANG SAN JUAN CITY GOVT AT SI MAYOR FRANCIS ZAMORA SA MGA KAANAK NI ALCANTARA.

NANGAKO ANG LGU NG TULONG O ASISTE SA PAMILYA NG BIKTIMA, MAGING SA IBA PANG NASUNUGAN SA BARANGAY BATIS.

BATAY SA PINAKAHULING TALA NG CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE, UMABOT SA 113 NA PAMILYA O 430 INDIBIDWAL ANG NANANATILI NGAYON SA SAN JUAN CITY GYMNASIUM.

NI: David Pena ( Sparow) Nakuha ng Northern Police District (NPD) ang nangungunang puwesto sa Districtwide Unit Performa...
16/04/2024

NI: David Pena ( Sparow)

Nakuha ng Northern Police District (NPD) ang nangungunang puwesto sa Districtwide Unit Performance Evaluation Rating (UPER) para sa buwan ng Marso 2024. Sa ilalim ng visionary leadership ni NPD Dir. PBGEN RIZALITO G GAPAS,

nakamit ng NPD ang kahanga-hangang rating na 97.55% , na nagpapakita ng kahusayan sa serbisyo at dedikasyon sa tungkulin.

Ang PNP Unit Performance Evaluation Rating (UPER) System ay nagsisilbing beacon ng accountability at transparency sa loob ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa opisyal, ito ay Dinisenyo bilang isang standardized evaluation tool, na nag-aalok ng komprehensibong pagtatasa ng performance ng iba't ibang tanggapan at unit ng PNP sa buong bansa.

Sa pamamagitan umano ng masusing pagsusuri ng mga target sa pagganap at mga nagawa, ang UPER System ay nagbibilang at nagkuwalipika ng mga nagawa, na nagtatalaga ng mga masusukat na parameter na may kaukulang mga alokasyon ng punto.

Ang umanoy pambihirang tagumpay na ito ay hindi lamang sumasalamin sa huwarang pamumuno ng NPD dahil binibigyang-diin din ang sama-samang pagsisikap at pagtutulungan ng bawat miyembro ng NPD.

Tiniyak ng opisyal ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran na tunay na kapuri-puri at karapat-dapat sa pagkilala.

NI: David Pena ( Sparow)3 arestado matapos makumpiskahan ng shabu at ma*****na na nagkakahalaga ng higit P60,000 sa Iloc...
15/04/2024

NI: David Pena ( Sparow)

3 arestado matapos makumpiskahan ng shabu at ma*****na na nagkakahalaga ng higit P60,000 sa Ilocos Norte.

NI: David Pena ( Sparow) ALALAY SA MANANAKAY": CALOOCAN LGU ON STAND-BY TO ASSIST COMUTTERS AMIDST STRIKE BY TRANSPORT G...
15/04/2024

NI: David Pena ( Sparow)

ALALAY SA MANANAKAY": CALOOCAN LGU ON STAND-BY TO ASSIST COMUTTERS AMIDST STRIKE BY TRANSPORT GROUPS

muling sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang programang "Alalay sa Mananakay" bilang pag-tugon sa mga epekto ng transport strike na isinagawa ng iba't ibang organisasyon sa araw na ito.

Sa pagyaya ng DPSTM, Hindi pa narandaman ang matinding epekto ng trapiko ay ng mga commuter, mula pa kaninang umaga.

Samantala tiniyak ni Mayor Dale Gonzalo "Along" Malapitan sa publiko na ang pamahalaang lungsod ay handa na magbigay ng tulong, kung saan 50 rescue units kabilang ang dalawang bus ay magagamit para magbigay ng libre sumakay sa mga commuters.

Hinikayat din ng alkalde ng lungsod ang kanyang mga nasasakupan na agad na iulat ang anumang insidente na may kinalaman sa trapiko sa mga kaukulang awtoridad o makipag-ugnayan sa Alert and Monitoring Hotline (02) 888-ALONG (25664

Samantala, kinumpirma ngayon ni Pcol Ruben Lacuesta na naging tahimik mula pa kaninang umaga ang ikinasang tigil pasada ng grupong Manibela at piston sa caloocan.

Sapat umano ang bilang na 455 ogmintation team sa buong caloocan kabilang ang 100 mula sa NPD anti riot pulis kaya mapanatili nito ang kapayapaan at wla ring naitalang panghaharas sa mga di nakiisa sa tigil pasada.

15/04/2024

Ni: Jun Maligalig

Ctto: PNP

Daan Daang kilo ng shabu nasabat ng PNP sa Alitagtag, Batangas

15/04/2024

Umabot sa 455 ogmentation ng pnp sa buong Caloocan ang nakapwesto sa ibat ibang lugar sa araw na ito.

Ayon kay NPD Dir. Gen.Rozalito Gapas, isang daan mula sa anti riot pulis ng npd ang nakapwesto sa Munomento circle,dipa kasama ang pwersa ng caloocan pnp at Swat

Sinabi ni Pcol Ruben Lacuesta, hindi Pahintulutan na makapag rally ang alin mang grupo Sa munumento kapag wlang maipakitang Permit para mag rally sa lugar.

Nagtangakang mag rally ng grupong Manibela at piston sa paanan ng dambana ni G*t Andress Bonjfacio Pero hindi ito pina porma ng pnp dahil sila ang pomwesto sa lugar kung saan dapat po pwesto ang dalawang grupo ng jeep.

Dalawang araw umano na magbabantay ang pwersa ng NPD sa ibat ibang lugar sa camanava upang matiyak ang seguridad ng mga mananakay at mga pumapasada ng jeep na di sumama sa tigil pasada mula sa araw na ito.

Umabot sa 455 ogmentation ng pnp sa buong Caloocan ang nakapwesto sa ibat ibang lugar sa araw na ito.Ayon kay NPD Dir. G...
15/04/2024

Umabot sa 455 ogmentation ng pnp sa buong Caloocan ang nakapwesto sa ibat ibang lugar sa araw na ito.

Ayon kay NPD Dir. Gen.Rozalito Gapas, isang daan mula sa anti riot pulis ng npd ang nakapwesto sa Munomento circle,dipa kasama ang pwersa ng caloocan pnp at Swat

Sinabi ni Pcol Ruben Lacuesta, hindi Pahintulutan na makapag rally ang alin mang grupo Sa munumento kapag wlang maipakitang Permit para mag rally sa lugar.

Nagtangakang mag rally ng grupong Manibela at piston sa paanan ng dambana ni G*t Andress Bonjfacio Pero hindi ito pina porma ng pnp dahil sila ang pomwesto sa lugar kung saan dapat po pwesto ang dalawang grupo ng jeep.

Dalawang araw umano na magbabantay ang pwersa ng NPD sa ibat ibang lugar sa camanava upang matiyak ang seguridad ng mga mananakay at mga pumapasada ng jeep na di sumama sa tigil pasada mula sa araw na ito.

Jane Ramos Ctto:Kasabay ng mainit na panahon ang pagtaas din ng banta ng SUNOG! 🔥Pinakamataas ang tsansa ng sunog (VERY ...
15/04/2024

Jane Ramos
Ctto:

Kasabay ng mainit na panahon ang pagtaas din ng banta ng SUNOG! 🔥

Pinakamataas ang tsansa ng sunog (VERY HIGH) sa malaking bahagi ng Central Luzon at maging sa NCR ngayong araw.

📸 Fire Danger Map via Windy

13/04/2024

NI: Jun Maligalig ( Ligaligin Natin)

PNR,tiwalang matatapos ang North-South Commuter Railway project sa 2028

Kim pyansa ang Philippine National Railways na matatapos ang Php 873.62-billion North-South Commuter Railway (NSCR) project sa taong 2028.

Tiniyak ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal,na sa pagbalik ng operasyon ng PNR magkakaroon na ito ng bagong mukha ,bagong pagasa para sa Bagong Pilipinas.

Sa sandali Umanong matapos ang konstruksyon ay kaya nitong magsakay ng hanggang 800 commuters kada araw.

Pansamantalang itinigil ang operasyon ng PNR noong Marso 28,2024 upang.bigyang daan ang konstruksyon ng NSCR project sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Macapagal,
umabot sa 25 libo hanggang 30 libo commuters ang naapektuhan.

Ang 147-kilometer railway project ay magkokonekta sa Clark, Pampanga sa North at Calamba, Laguna sa South.

Magkakaroon ito ng 37 stations sa madadaanang 28 munisipalidad sa Central Luzon, Metro Manila, at Calabarzon.

NI: David Pena( Sparow)P5.3M NA HALAGA NG MGA HALAMAN NG MA*****NA WINASAK NG PDEA ILOCOS SURBinunot at Winasak ng PDEA ...
13/04/2024

NI: David Pena( Sparow)

P5.3M NA HALAGA NG MGA HALAMAN NG MA*****NA WINASAK NG PDEA ILOCOS SUR

Binunot at Winasak ng PDEA Ilocos Sur Provincial Police Office (PDEA) ang limang milyon tatlong daan apatnapung libong piso (P5,340,000.00) halaga ng mga halamang ma*****na ), at Sugpon pnp police Station sa bulubunduking lugar ng Sugpon, Ilocos Sur.

Sa inisyal report nakarating sa tangapan ni director general MORO VIRGILIO LAZO ni PDEA RO I Regional Director, Director III Joel B Plaza na binunot at winasak ng pdea team ang humigit kumulang 26,700 piraso ng fully grown na halaman ng ma*****na mula sa limang plantation site na may kabuuang sukat na 4,200 square meters ng april 12 ng alas 9:00 ng umaga kahapon 2024.

Ayon kay ms. MARIEPE tagapagsalita ng pdea region 1, Ang mga halaman ng ma*****na ay nawasak at sinunog sa mismong lugar pagkatapos ng operasyon.

sinabi ni ms. MARIEPE , tuloy tuloy ang ginagawang pagmomonitor at operasyon ng pdea region 1, sa mga nadidiskubreng mga ma*****na platasyon. Aniya bagamat walang nahuling magsasaka ang iportante ay nadidiskubre ng pdea ang mga plantasyo ng ma*****na sa tulong narin ng tip sa kominidan at laglabag parin ang nasabing droga sa ilalim ng R.A9165 CONPREHENSIVE DANGEROUS DRUG ACT OF 2002

Address

Bautista Street Karisma Panghulo
Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PILIPINAS NGAYON NEWS ONLINE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PILIPINAS NGAYON NEWS ONLINE:

Videos

Share