LGBT fighters

  • Home
  • LGBT fighters

LGBT fighters hugot and memes

18/06/2024

Sabi nila, kapag umeedad ka na, palungkot ka nang palungkot. Ngayong nandito na ako, parang totoo nga. May mga araw na ayaw kong bumangon, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi bumangon. May mga araw na pakiramdam ko ay hindi ako gutom, pero kailangan kong kumain para makagalaw ako. May mga araw na ayaw ko ng kausap, ngunit gusto kong may makinig sa akin sa mga bagay na sarili ko lang ang nakaaalam.

Habang tumatanda ako, pakiramdam ko, hindi ito ang buhay na gusto ko, pero ito lang ang buhay na kaya ko sa ngayon– at nakakaputang ina kasi gaya ng laging nangyayari, wala naman akong pagpipilian. Sobrang nakaiinggit ang mga taong may kalayaang pumili, alin ang gusto nila sa hindi, alin ang pwede sa hindi maaari.

Ang dami kong pangarap, ngunit wala akong sapat na kahoy upang gumawa ng hagdan. Pakiramdam ko, kailangan ko ng sampung araw sa isang linggo para lang masabi kong kahit papaano ay nakatulog ako.

Nakakapagod na
Lahat. Ngunit gaya ng lagi, wala naman akong pagpipilian kung hindi ang manatili, umasa, mangarap, magpursigi, hanggang dumating ang oras na pwede ko nang piliin ang pumili ng labas sa walang pagpipilian.

04/02/2023
31/07/2022

Bakit kase Madaya ang Tadhana, Minsan ay, hindi lang pala minsan. Kunde madalas.Hindi Tayo Mahal ng Mahal Natin.😔

19/03/2022

Minsan, kailangan mo lang hanapin ang pahinga at pampakalma mo sa sobrang nakakairita at nakakapagod na mundo.😊💚

19/03/2022

Simulan mo sa pinakamasakit, sa pinakamahirap. Kapag kinaya mo, swerte ka, kasi magiging madali na para sa ‘yo ang mga susunod. Kapag hindi mo kinaya, talo ka, pero kahit papano, naranasan at nalaman mo kung gaano kasakit at kung gaano kahirap. Kaysa naman magsimula ka sa madali, tapos malalaman mo sa bandang dulo na hindi mo pala kaya. 😊

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGBT fighters posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share