Bittersweet Memo

Bittersweet Memo Touching story about life's ups and downs, capturing both the bitter and sweet moments we experience

PILIIN MO SYA. Kapag may matindi akong tampo sa asawa ko, tinititigan ko sya pag tulog tapos intentional kong iisipin at...
14/06/2024

PILIIN MO SYA.

Kapag may matindi akong tampo sa asawa ko, tinititigan ko sya pag tulog tapos intentional kong iisipin at babalikan lahat ng magagandang ginawa nya sakin. Lahat ng happy memories namin pati narin mga bloopers namin 😅

Habang tinititigan ko ang Asawa ko kahit sa picture lang..Naisip ko at bumalik sa ala-ala ko na napakadami ng naitanim sakin ng lalaking ito. Nalulusaw ang galit at tampo ko tuwing maaalala ko LAHAT ng ginawa nya para sakin mula sa maliliit hanggang sa malalaki bagay at higit sa lahat sa bawat surpresa nya sa akin na nakakalambot ng puso ko..

Oo, hindi madali.

Minsan pag andun ka sa moment na ang sakit sakit talaga ng puso mo parang ang hirap-hirap talagang magpaka-positive.

Pero hindi e.

Love is NOT a feeling.

Its a CHOICE.

Pipiliin mong hanapin yung maganda.
Pipiliin mong mag-dwell dun sa mga “positive deposits”.
Pipiliin mong patawarin siya.
Pipiliin mong ayusin.
Pipiliin mong magsimula ulit.
Pipiliin mong maging tapat sa mga sinumpaang pangako mo REGARDLESS.
Pipiliin mong magtiyaga at magtiis dahil alam mong worth it.

Pipiliin mo SIYA ng paulit-ulit.. ulit ulitin mong alalahanin lahat ng masasayang ala-ala nyo mga sweet convo's and yung mga pag uusap nyo na walang katapusang tawanan at kulitan..

Hindi natapos ang pagpili mo sa asawa mo nung pinili mong makasama siya..
Simula pa lamang yun ng “piliang walang katapusan”.

Araw-araw pipiliin mo siya.
Hanggang sa huling hininga mo,
Siya parin ang piliin mo.

Dadaan sa batuhan, apoy, bagyo, tagtuyot at lindol ang pagsasama ninyo pero makaka-breakthrough kayo.

That’s the miracle of True Love 🧡
That’s God’s amazing grace.

Titigan mo ang asawa o partner mo ngayon…
Hindi mo yan jowa lang hindi yan basta lalaki lang..mahalaga yan parte yan ng buhay mo..kaya hindi mo yan kailangan ipagpaubaya sa iba.
ASAWA mo yan.. PARTNER mo yan
Kabiyak mo.. Kakampi mo dapat yan kaya dapat ipaglaban mo siya.

Sana mas mangibabaw ang TUNAY na PAGIBIG.

Pipiliting magtagpo kahit may tampo.
Mag-aaway pero di maghihiwalay.
Magkakamali pero di na uulit.
Magkakasakitan pero magpapatawaran.
Mapapagod pero di mag-lelet-go.
Kahit gaano kapait, kakapit.
Aasa at maniniwala dahil nakatingin ang Maykapal sa relasyon nyong binuo

Magtiwala ka— hindi man agad sa asawa mo pero sa DIYOS na may alam ng lahat at nakakaintindi sa sakit na di mo maipaliwanag.

Ipagpaubaya mo sa Kanya ang sakit,
Papalitan Niya ito ng pag-ibig.

DIYOS na ang bahala sa kanya.
DIYOS na din ang bahala sayo.

Mahigpit na yakap sayo KAIBIGAN KO ❤️

Address

Makati City
Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bittersweet Memo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies