
08/12/2024
STATE-OF-THE-ART HOSPITAL SA SILANG ITATAYO
GINANAP ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Public Hospital sa bayan ng Silang sa Cavite kamakailan.
Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Silang.
Pinangunahan ni Mayor Ted Carranza ang seremonya kasama sina Vice Mayor Mat Toledo, ang buong Silang Municipal Council, Board Member Aidel Belamide, Department of Health Assistant Secretary Ariel Valencia at Cong. Roy Loyola.
Ang bagong ospital ay dinisenyo upang maging moderno at tugma sa lumalaking pangangailangang medikal ng bayan.
Ito ay magkakaroon ng 50-bed capacity na kinabibilangan ng Isolation Rooms, Private Rooms at General Wards upang masigurong komportable at maayos ang paggamot sa mga pasyente.
Narito ang ilan sa mga pasilidad ng Silang Public Hospital:
Social Service Center – Magbibigay ng tulong at suporta sa mga pasyente at kanilang pamilya sa panahon ng gamutan.
Delivery Room Complex – May tatlong birthing theaters para sa ligtas at maayos na panganganak ng mga ina.
Concern Center – Isang espesyal na pasilidad para magbigay ng pinansyal na tulong sa mga nangangailangang pasyente.
Emergency Complex – May kasamang dalawang isolation rooms, apat na treatment areas, dalawang consultation areas, dalawang pediatric cubicles, dalawang obstetric cubicles, at isang fully equipped delivery room para sa mga agarang pangangailangan medikal.
Hospital Dining Area na may Dietary Services – Para sa masustansyang pagkain ng mga pasyente.
Ang proyekto ay isang malaking tagumpay para sa komunidad at inaasahang magdudulot ng mas maayos at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Silang.
RUBEN FUENTES