13/04/2022
TINGNAN | 70 TAONG GULANG NA LOLA, NAGTAPOS NG HIGH SCHOOL SA ARABIC EDUCATION
Pinatunayan ng isang lola mula sa barangay Mompong sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na hindi kailanman naging hadlang ang edad upang pag-aralan ang relihiyong Islam.
Siya si Ginang Samsiya Abdulhamid, 70 taong gulang, na nagtapos ng “mutawassit” o high school sa Mahad Da’wah Al-Qur’aniyyah Al-Kareemah Inc. kahapon, Marso 28 ng kasalukuyang taon.
Sa kabila ng kanyang edad ay nagpupursigi pa rin itong manaliksik ng kaalaman sa Islam kung saan inaalalayan ito ng kanyang mga nakababatang kaklase, patunay na rito ang pagtungtong niya sa sekondarya.
Isa lamang siya sa labing siyam (19) na mga mag-aaral na nagtapos sa naturang lebel ng edukasyon at nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral ng naturang paaralan.
Ang pag-aaral sa Islam ay hindi lamang espesipiko sa mga bata, ito ay obligasyon ng bawat Muslim maging ito man ay babae, lalaki, bata o matanda.(Bangsamoro Media Productions)
Mag-subscribe sa aming youtube channel sa link na ito: bit.ly/2TGrmgV