01/02/2023
👈😤
Tumatakbo ako ngayon papuntang skwelahan kasi baka malate ako medyo tanghali na kasi ako nagising
A meanwhile•••
Nakarating din ako sa school habang hinihingal parin dahil sa pagmamadali nakita ko namang halos wala ng estudyante sa labas ng paaralan kaya kinabahan ako lalo
Tumigil muna ako sa pagtakbo tas lumakad ako ulit ng dahan dahan papuntang classroom namin sinilip ko ang loob baka kasi nagkla klase na sila pero pag tingin ko wala namang teacher na nag didiscuss kaya nakahinga ako ng maluwag
"hay buti nalang hindi pa" ani ko sa isip
Pumasok na ako sa loob nakita ko ang mga kaklase ko na nagkakalat kalat at nagtalk talk isinawalang bahala ko nalang sila
Pumunta nako sa desk ko tas umupo at nilagay ang bag sa upuan tas umupo na rin ako napansin ko ang katabi ko tulog hays
"Oi pree" pagising ko sa kanya nagising naman ito
"oh bakit ba? Natutulog ang tao e " antok na antok niyang response tas umayos ng upo"
Ako : Hays ano ba tulog ka ng tulog jan mamaya baka dumating na si maam,wait wala pa ba talagang pumasok na teacher dito simula kanina?
Sya: Hmph wala pa nga e sana nga wala talagang pumasok na teacher haha (natatawa nyang response)
Ako: Haha gagi anong oras na pala?
Sya: hindi mo alam? Mga 9:00 am na kaya
Ako: Hala tol bat dimo sinabi! Late na nga ako
Sya: e ngayon kalang nagtanong e,tsaka okay lang yan wala namang pumasok na teacher e simula kanina (Ani nya habang tinatapik ang likod ko)
Hays—
"Oi guys may teacher na mukhang papunta dito sa classroom natin" saad ng bida bida naming kaklase na nakatayo sa pinto ng classroom habang sumisilip sa labas
Dahil dun biglang nataranta ang mga kaklase ko(haha na shake rattle and roll) at napatigil kami sa pag uusap ng katabi ko
"waaaaa ano?!"
"luh guys balik na tayo sa mga proper seats natin"
"hay naman bat may pumasok pa"
"what the heaall"
Samutsaring ani nila habang nag mamadaling bumalik sa kani kanilang proper seats
Yung tipong halos lahat sila nagsitayuan hahaha
•••••••••••••
Nasa harapan na ng pintuan yung teacher tahimik lang kaming nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang pumasok
"Good morning class"
"Good morning maam"sabay sabay naming bati
Hanggang sa nag discuss na si maam btw filipino teacher sya at babae sya syempre maam nga e gagi haha
"Hay amboring" bulong na ani ng katabi ko at mukhang naantok na naman sya napailing nalang ako sa sinabi ng katabi ko at napatangin sa teacher grabe kanina pa sya nag didiscuss dito wala pa rin akong maintindihan tsaka bat di nya haluan ng jokes ang discussions nya para naman magkaroon ng buhay jk
Binaling ko naman ang atensyon ko sa mga kaklase ko luh at mukhang naaantok din sila ang iba nagsisimula ng matulog yung iba tinabunan na ang mukha ng panyo o kaya kamay nila hanggang sa sumunod na din yung iba na matulog sa upuan haynako
Nakita sila ni maam pero parang isinawalang bahala nalang niya yun haha may duda ako na baka naniniwala si maam sa kasabihan na "KUNG AYAW MAKINIG EDE DONT" haha
Palihim akong natawa sa mga pinag iisip ko amboring ng teacher na to pero mabait naman
Di nagtagal natapos din ang klase ni maam tas lumabas sya nagpaalam na kami sa kanya(only yung mga gising lang na katulad ko ang nakapag paalam kay maam ,yunng iba hindi manlang napansin na nakaalis na si maam kasi tulog pa)
"Hoy guys gising na kayo umalis na si maam!"
"haha tulog pa more"
"guys umaga na hahaha"
"toktolaokkkk"(gagi may pa manok version pa haha)
_______________________________
FILIPINO ANG NAKAKAANTOK NA SUBJECT SA AMIN O IKAW NA NAGBABASA ANONG SAY MO?haha
(Credits to the owner of the pic)
Btw join kayo sa group: @ [537137714158196:0]
https://facebook.com/groups/537137714158196/