01/02/2023
Naranasan mo na bang mag-grocery tapos either nagpe-pray ka na hindi lumagpas ang bill sa dala mong budget or nag-instruct ka sa cashier na pag-umabot na sa ganitong price, paki-stop na po, haha!
One day, you’ll look back on those memories and silently laugh at it kasi tapos ka na sa kabanata na yun ng buhay mo.
Darating ang panahon na maeenjoy mo na ang pagdampot sa ano mang gusto mo na hindi ka dinadaga sa dibdib, o naiihi, o nasusuka.
Darating yan, pero aside sa paghihintay, kelangan mo pagsikapan at paghirapan.
Huwag kang titigil.
Huwag kang panghinaan ng loob.
Malayo ka pa, pero mejo malayo-layo ka na.✨