30/01/2024
GOLD BUYERS TIP!
Basahin para alam nyo na agad madam.
Sa mga future buyer na gusto ng investment, huwag kayo bibili ng madaming bato at makulay na design. Walang value sa sanglaan/pawnshop yan. Kapag investment ang habol nyo mag purong solid gold kayo. Kasi ang iba gusto maganda sa paningin tapos kapag nabili na at isasanla malalaman mababa value. Okay lang naman bumili ng mga makulay at mabato kung pang fashion at collection ang purpose pero of course masasanla din.
Diamond, piyao at mga pampaswerte. Sa sanglaan, hindi tinatanggap ang bracelet na may piyao or 24k lucky charm. Kelangan mo yan mismo tanggalin sa para maisangla. Pero badluck daw sabi nila. At mga diamonds naman, gramo lang ginto ang titimbangin nila dyan, wala value sa kanila ang bato na diamond. Pero makikita mo kapag nag auction sale sila, sobrang mahal benta nila. Dyan kasi sila kumikita.
Sa mga lightweight naman like 1g below. Kaya nga po tinawag na lightweight kasi magaan na, mura pa. Huwag po magrereklamo sa mga nabilhan nyo na "ang pangit ng quality, manipis, madali maputol". Huwag po ganun kasi unang una, choice nyo po yan. Yan ang kaya ng budget nyo, yan ang hinanap nyo kaya ang binili at binigay sa inyo. Kung gusto nyo po ng matibay at pang harabas, invest tayo sa mataas na grams. Pero yang mga lightweight na yan, hindi ibig sabihin sira agad. Nasa sa atin yan kung panu natin gagamitin. Isa pa kahit lightweight yan may value yan kase GINTO yan.
Lastly, magkaiba ang presyo sa seller at sanggalaan. Hindi po talaga same ang presyo nyan kasi kung ipapantay ni pawnshop ang per gram nila sa mga seller, eh di hindi na sila kikita. At laging may bawas sa timbang ng mababang mababa lang.
Kahit anu pa man ang dahilan ng pagbili mo at kahit anung design, kapag may gold ka, in the long run hindi ka pa rin lugi dahil tumataas ang value nyan. At talagang subok na yan in case of emergency. Kaya kung may budget, invest tayo kahit pakonti konti. 😊😉
👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇
MADALAS NA TANONG NI BUYER IN BUYING JEWELRIES (GOLD)
⚫️BAKIT PO GANUN NAMAMAGNET AYAW TANGGAPIN SA CEBUANA ?
🌸GET YOUR SECOND OPINION SA IBANG PAWNSHOP, HINDI LANG CEBUANA ANG PAWNSHOP. SADYANG MASELAN PO SI CEBUANA LALO’T TUMATAAS ANG PRESYO NG GOLD NAGIGING MAHIGPIT SILA SA PAG KUHA NG MGA ITEMS.☺️
⚫️BAKIT PO GANUN 1.04 PO BINILI KO BAKIT 1.0 NA LANG PO SA PAWNSHOP ?
(Good question po)😉
🌸KASI PO 3 DIGITS SCALE ANG GINAGAMIT SA MGA GOLD STORE WHILE SA PAWNSHOP 2 DIGITS LANG, SO POSIBLE TLAGA NA HINDI MASAMA YUNG MGA POINT NA YAN☺️
⚫️BAKIT KULANG NG .1GRAM ?
3.6GRAMS YUNG BINAYARAN KO,
SA PAWNSHOP 3.5GRAMS ACTUAL NA TIMBANG🤔
🌸DIYAN PO KASI KUMIKITA SI PAWNSHOP,
HINDI PO PAREHAS ANG TIMBANGAN NG PAWNSHOP AT SUPPLIER.☺️
⚫️ANO PO YUNG ?
•SPL (SPECIAL)
•VSPL (VERY SPECIAL)
•VVSPL/XLITE (VERY VERY SPECIAL)
🌸SPL meaning➡️ DESIGNS NYA IS COMMON LANG WALANG MGA CURVES AT PLAIN YELLOW GOLD LANG☺️
🌸VSPL meaning➡️VERY SPECIAL MAY KONTING MGA CURVES AT DESIGNS MAS MATAAS NG CI SA SPL☺️
🌸VVSPL meaning➡️ VERY VERY SPECIAL
MAS COMPLICATED ANG MGA DESIGNS AT CURVES AT MAS MATAAS PA DIN SA SPL AT VSPL☺️
⚠️BAKIT PO IBA IBA YUNG PRESYO AT MAY ADDITIONAL PA SA GRAMS☺️
⚠️DEPENDE KASI SA STORE YAN,
MY STORE NA GALING PA SA ABROAD UNG ALAHAS NILA KAYA MAS MATAAS TALAGA, THEN YUNG IBA PO LOCALLY MADE LANG.☺️
⚠️SAUDI GOLD PO BA YAN?
⚠️GALING SAUDI PO?
💯YES PO SAUDI GOLD🥰
PERO IT DOESN'T MEAN PO NA GALING SAUDI, LOCALLY MADE PERO YUNG GINTO WAS CAME FROM KSA☺️ KAYA TINAWAG NA SAUDI GOLD.🥰
⚠️ANO PONG DIFFERENCE NG SAUDI GOLD at JAPAN GOLD😉
⚠️HONESTLY PO IN TERMS OF SOLIDITY MAS SOLID ANG JAPAN GOLD.. MAS PRICEY NGA LANG KESA 18K SAUDI GOLD, BUT GUARANTEED PO NA MAGANDA ANG QUALITY NETO🥰MARAMI ANG DI NAKAKA APPRECIATE NG JAPAN GOLD KASI AKALA NILA MAS OK ANG SAUDI GOLD.. PERO PAG ALAHERA KA.. MAS MAAPPRECIATE MO ANG KILATIS NG JAPAN GOLD.☺️
SIMPLE KNOWLEDGE PO SA MGA MAHIHILIG SA GOLD.