20/09/2022
No offense sa mga mag aaral ng makabagong henerasyon.
Ito ay kwento lamang natin. Hahahahaha ππ
Mas masaya ang pag aaral noon.
80's, 90's and early 2000's student
(Mga estudyante noon)
Class suspension - Walang announcement sa tv o radyo..papasok ka kahit bumabagyo tapos malalaman mo lang suspended pag nandon kana at basang basa sa ulan π
Research - kailangan kabisado mo ang decimal arrangement ng books sa library.. at sanggang dikit mo ang librarian para makahiram ka lagi ng books..
bihira ang computer.. at pag meron wala naman yung internet..gugol oras dahil di tulad ngayon na autoclick na makikita mo agad ang mga topic.. noon magbabasa ka talaga ng books.
Report- kailangan may handa kang manila paper at pentelpen.. dapat gandahan mo den ang sulat para maintindihan ng kaklase mo.. at dapat malakas ang boses mo para marinig ka sa likuran.
Books- pag sa public ka nagaaral, hiraman sa books.. swerte na may apat na books ka.. kaya dapat marunong kang makisama para makahiram ka sa iba..kundi nganga π
Exam- tatlong araw na half day.. review to the max ka..dapat kumpleto ang notes .. tapos may buraot kang kaklase na di magrereview pag di mo pinakopya galit na kayo non ..after exam kayo kayo den ang magcheck ng test paper.. tapos sasabihin ni mam yung grades mo sa klase .. proud syempre pag mataas exam score mo.. pag mababa pagtatawanan ka may kasama pang sermon ni mam π
Secretary ng classroom - isususmpa mo pag ikaw ang classroom secretary dahil ipapasulat sayo ni mam sa blackboard yung mga nakalagay sa libro..ang ending pagod kana nga, nalanghap mo pa lahat ng chalk.. tapos ikaw ang makikikopya sa iba kasi wala kang notes π€£
Subject Notes- kailangan mabilis kang magsulat.. dahil kailangang burahin agad yung nasa blackboard para makapag sulat ulit yung secretary..
Kasama sa grades ang notes kaya dapat kumpleto ka.. dahil mas maraming pages ang notes mo more chances of mataas na grades π
Lunch break- tiyak puno ang canteen or di kaya e di masarap ang luto.. kaya lalabas ka ng school para maghanap ng mura na pagkain na pasok sa budget mo..ang layo non e parang umuwi kana sa bahay mo π
Free time- kung hindi nagchichinese garter ang mga babae, yung mga lalake ay nagsisipa. O kung ano ang usong laro ..Lahat ng ilalim ng puno may tao.. mga naguusap usap.. o nagkakantahan.. sikat ka pag magaling ka maggitara plus point pag pogi kapa.
Famous- famous ka pag may game boy ka.. sikat ka non kasi rich kid lang nakakabili ng ganun, pwede din yung brick game.pero sa kin game and watch...π
Christmas party- pagandahan ng damit.. tapos may tig 50 pesos para sa exchange gift.. na kadalasan ay panyo ang makukuha mo..malas ko palagi kasi baso nakukuha ko.. sarap ipukol π masaya den yung mga palaro sa loob ng room .. asahan mo na gagala kayo pagtapos ng mga program sa room nyo..tiyak yan e sa bahay ng kaklase mo.. dahil wala pa namang mall noon malapit sa inyo..
Sarap lang balikan ng alaala noon.. π walang gadgets pero mas masaya..
SIDENOTE:
Dahil sa mga experiences na ito, mas nabuibuild ang strong foundation of good character & values.
CTTO - I miss the old days π₯Ί