06/05/2022
Patungo na tayo sa nalalapit na pagtatapos ng eleksyon, kaya naman nais kong pasalamatan ang ating mga loyal supporters, ang at loyalists na hindi nagsawang magmahal, sumuporta, at magtiwala sa atin. Nakakatuwa na sa bawat kampanya, kahit mainit, o minsaāy ginagabi na, ay hindi ninyo kami iniwan. Bagamaāt marami man tayong pinagdaanan, may mga bagay mang hindi sumangayon sa ating kagustuhan, hindi po nanghina ang ating luob. Kayo po ang dahilan kung bakit tayo patuloy na lumalaban ngayon. This is a fight for good governance, and a fight for your future. Now, more than ever, I need your support. Wala man po tayong social media 22 years ago, kayo naman po ang saksi sa ating mga naipatayo para maging mas magaan ang pamumuhay ng bawat MabalaqueƱo. Wala man po tayong vlogs o slideshows gaya ng makabagong pangangampanya, ang mga boses po ninyo ang magsisilbing testimonial ng aking pagmamahal at pagmamalasakit. Wala man po tayong mga litratong naitabi, ang mga diploma ninyo ang magsisilbing patunay, na naisakatuparan ni Mayor Boking ang pangako, at ang pangarap nya na ang bawat MabalaqueƱo ay magkakaroon ng pagkaktaong makatapos ng libre, sa magandang eskwelahan. Kayo po ang nagsisilbing KATOTOHANAN SA AKING LEGASIYA.
Nananawagan po ako sa inyo, na bumoto ng ayon sa kagustuhan ng inyong puso. Bumoto ng walang halong pandirikta at hindi nababalutan ng takot. Ang pagboto po ninyo sa isang kandidato ay ang pagtaya sa kinabukasan ninyo, ng mga anak ninyo, kapatid, pamilya, at mahal sa buhay. Tumaya po tayo sa tama. Tumaya tayo sa alam natin kaya tayong ipaglaban, at panindigan. Tumaya tayo sa taong alam nating hindi natin pagsisisihang iluklok sa susunod na mga taon. Tumaya po tayo sa Mayor na mahal mo, at MAHAL KA RIN.
Panahon na upang manumbalik ang liwanag, saya, at higit sa lahat, pagmamahal sa ating b***n. Muli, ako po si Mayor Boking Morales, humihiling ng inyong suporta at tiwala, sa darating na Mayo 9. Marami pa po tayong balak gawin kung mabibigyan tayo ng pagkakataong mailuklok muli bilang alkalde ng Mabalacat. Sa bawat proyekto na ating isinusulong, hindi lamang isa o sampung pamilya ang makikinabang, kundi ang buong siyudad ng Mabalacat. Lalo pa natin itong paunlarin at pagsumikapang palaguin upang ang bawat MabalaqueƱo ay maging progresibo ang pamumuhay. Yan ang pangarap ko para sa bawat isa.
Kekayu pung cab***n ku, abe-abe taya pung pagtagumpayan ing laban a ini. Ing laban pung ayni para ya pu keng masanting a kinabukasan ning buong Mabalacat. Manibat pu keng kakung puso, kaluguran nakayu pu ning kekayung talasuyo, ing tune sinta ning b***n na i Mayor BOKING Morales. Dakal pung salamat!
ā«ļø 2 MORALES, BOKING
City Mayor