Byaheng Puerto Galera, Oriental Mindoro
Byahe muna tayo mga Kasama ng Kalikasan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
KASAMA NG KALIKASAN YEAR END REPORT 2024
Inilabas noong araw ng sabado Enero 4, 2025
Parang kelan lang mga Kasama ng Kalikasan, hindi natin namalayan ang mabilis na namang paglipas ng mga araw, mga araw, mga lingo at buwan na punong puno ng mga usaping Pambansa, pulitikal at maging ng mga isyung pangkalikasan.
Halos lahat ng mga ito ay ating natampok sa segment nating Sagip Kapaligiran, unang una na ang usapin sa West Phil Sea, mula buwan ng Enero hanggang sa ikatlong quarter ng 2024 ay nagtampok tayo ng mga istorya ng panghihimasok sa ating teritoryo at panghaharass ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na umabot pa nga sa pambabangga at
nagreresulta na ng mga injuries sa mga lulan nito.
Naging estorya din sa tuwing sabado Knk sa Sagip Kapaligiran segment ang mga problema ng illegal logging illegal fishing at ang illegal quarrying sa lalalwigan ng Quezon.
Enero pa Lamang ay ginulat na tayo ng mga armadong illegal fishers ang na encounter ng mga Bantay Dagat sa Lamon bay na nadokumento ng Kasama ng Kalikasan o KNK na naging malaking dahilan upang ma expose ito sa national media tulad ng Philippine Daily Inquirer at sa programang Kabayan sa Teleradyo 630. Kung saan agad naman ipinadala ng DA-BFAR ang Barko nitong BRP Francisco Dagohoy kontra sa mga armadong mga buli-buli sa Lamon bay noong buwan ng Marso.
Marso rin naman ng ating maitampok ang Illegal Logging sa Cagsiay 3, Mauban, Quezon dito ay mismong ang ating kasamang si Jay Lim ang nakadiskubre at nakapagdukumento ng mga bagong kapuputol palamang na puno sa lugar.
Sa buwan naman ng Abril nang ating masimulan ang istorya ng illegal quarrying sa sariaya.
Sa KnK nadukumento rin ng programa ang mga Illegal Quarrying Operations sa laylayan ng Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape, Sariaya,Quezon.
Napukaw nito ang atensyon ng local na pamahalaan ng Sariaya unang una na ang sangguniang pangpambayan kung saan agad
Nagsisimula na ang pagpisa ng mga itlog ng mga pawikan sa Tayabas bay
Disyembre 1, 2024, nagsimula ng pumisa ang mga hatchlings ng marine turtles sa Tayabas bay sa baybay dagat ng Brgy. Bignay 2, Sariaya, Quezon. Kahit malakas ang ulan ay matiyagang inalalayan at binantayan ng mga Bantay Dagat na makarating sa dalampasigan at makalangoy ng matiwasay sa dagat ang 64 hatchlings ng pawikan.
TINGNAN: Illegal Fishing sa municipal waters ng Sariaya sa Tayabas bay mas tumitindi kapag amihanin ay malakas ang panahon.
TINGNAN: Illegal Fishing na gumagamit ng buli-buli o modified fishing gear at mga blast or dynamite fishers sa municipal waters ng Sariaya sa Tayabas bay mas tumitindi kapag amihanin at malakas ang panahon.
Ayon kay Arnold Carandang tatlong bangka na nagbubuli-buli na walang mga markings at mga hindi rehistrado na lahat ay kulay puti at may rebeteng kulay asul na kamukha ng nahuling buli-buli sa municipal waters bayan ng Agdangan ang natanaw nila sa tapat ng Brgy. Talaan Aplaya na kinilang sinubukang hulihin pero mabilis na nakatakbo. Dalawa (2) sa tatlong (3) bangka na nagputol ng tali ng kanilang buli-buli at tumakas. Sa halip na habulin pa ay neretrieved na lang ng grupo ang pinutol na buli-buli ng mga salarin.
Samantala ayon naman kay Sherwin Rosales lubhang perwisyo at pahirap na sa mga maliliit at legal na mangingisda ang mga Lucenahing mga illegal fishers. Kailangan ng mawakasan ang problemang ito kaya napagkasunduan nilang gumawa na ng petisyon na pinapipermahan at iniikot na nila sa kanilang mga kapwa mangingisda. Sa mga susunod na araw ay dadalhin na nila ito sa tanggapan ng Sangguniang Panglungsod ng Lucena at sa tanggapan ni Mayor Mark Alacala upang ipakiusap na magawan ng paraang masawaya na ang mga illegal na mangingingisdang naghihimpil ay sa Lucena.
Ang mga naretrived n mga buli-buli gear ay agad namang nao turn-over na nila sa Municipal Agriculture office bayan ng Tayabas.
π₯Arnold Carandang/Sherwin Rosales
Malamig ang simoy ng hanginβ¦
Tara na nga Kasama ng Kalikasan!
SAMA-SAMA TAYONG MAG LAKAD-DASAL PARA SA KALIKASAN, KALIGTASAN KATOTOHANAN, AT KATARUNGAN SA NOVEMBER 8, 2024 SA ST. FERDINAND CATHEDRAL ANG TAGPUAN IKA-6 NG UMAGA. MAGSUOT NG PLAIN NA PUTING TSHIRT AT MAGDALA NG PAYONG, SAMBALILO AT ANUMANG MAAARING MAGING PANANGGA SA ULAN AT INIT! WAG DING KAKALIMUTAN ANG PAGDADALA NG SARILING TUBIG AT PAGKAIN.
--------------------------------------------
QUARRY DITO, MINA DOON, ANG ILLEGAL LOGGING PARANG BISYO, βDI MAPIGIL βDI PA RIN TAYO NAGKAKAISA AT NATUTUTO, KAHIT TAON-TAON LAGING PERWSIYO.
SAAN NGA BA TAYO PATUTUNGO?
SILA LANG ANG YUMAYAMAN HINDI TAYO!
SILA LANG ANG MASAYA DUSA TAYO KAHIT PASKO!
PANAHON NA UPANG MAGKAISA TAYO AT MAGING TINIG NG KINABUKASAN AT BOSES NG KALIKASAN!
MAGKAISA AT SAMA-SAMA KALIKASAN AY PANGALAGAAN PARA SA ATING KALIGTASAN!
BANAHAW AY PAG-ASA, HINDI DAPAT MAGDULOT SA MAMAMAYAN NG DISGRASYA AT DUSA!
ANG GUBAT, ILOG, DAGAT AT BUNDOK O KALIKASAN AY DAPAT IPAMANA, HINDI DAPAT SIRAIN AT IPA-QUARRY O IPAMINA!
PANOORIN: Hindi lang Quarry ang problema ngayon sa sakop ng Banahaw sa Sariaya at Candilaria. Talamak din ang illegal logging mga armado pa ang illegal loggers.
PANOORIN: Mga taga Brgy. Lalo sa Tayabas City ayaw sa quarry sa Alitao river.
Mayora Lovely Reynoso-Pontioso Nanindigan na laban sa Quarry sa Tayabas City
PANOORIN: Mayora Lovely Reynoso-Pontioso nanindigan laban sa Quarry sa Tayabas City.
PANOORIN: Magsasakang Sariayayahin labis ang pagaalala at pangamba sa kahihinatnan ngayon ng kanyang taniman at tahanan dahil sa walang tigil na ulan at hangin ng bagyong Kristine.
Nakapanayam ng Kasama ng Kalikasan si G. Alexander Javier ng Brgy. Concepcion 1, Sariaya Quezon. Labis siyang nangangba sa kahihinatnan ng kanyang mga tanim na halaman at prutas na taon-taon na lamang ay laging apektado ng pagbaha. Ang lahat ng nangyayari sa ngayon para sa kanya ay nagsimula ng magkameron ng mga quarry operation noon sa upstream o ilaya malapit sa Banahaw. Sa ngayon ay tila resort na ang aking halamanan at lugar tirahan malungkot na paglalarawan ni G. Javier.
Nanawagan si G. Javier sa kinauukulan na dapat ng patigil at seryosong ipa rehabilitate ng mga kumita ng malaki sa quarry na mga quarry operators ang kanilang mga sinirang ilog dahil sa kanilang quarry. Nanawagan don sya sa mga kapwa nya Sariayayahin na manindigan ng accountability sa mga nagbigay ng permiso at pahintulot tulad ng lokal na pamahalaan, PMRB at DENR dahil sa mga nangyayaring perwisyo na nararanasan nilang mga magsasaka ngayon.
πΈ Alexander Javier
TINGNAN: October 23, 2024- kahit signal#1 ang bagyong KristinePH tuloy ang Palihan hinggil sa pagsasagawa ng nagkakaisang petisyon ng mga taga Brgy. Lalo Tayabas, City hinggil sa pagtutol sa quarry sa Alitao river.
PANOORIN: Panayam ng KnK hinggil sa panawagan at reklamo ng magsasaka sa ginagawang TR4 sa Sariaya, Quezon.