20/09/2023
1. Para sa mga mag eexam this September 2023 β£οΈ Read this π€
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=573975098215407&id=100068087650228&mibextid=ZbWKwL
2. Novena Prayer to St. Jude Thaddeaus π
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=574611954818388&id=100068087650228&mibextid=ZbWKwL
3. Paano Makita ang Rating sa Exam β£οΈ
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=574732734806310&id=100068087650228&mibextid=ZbWKwL
4. Para sa mga Board Passers. Paano mag oath taking. β£οΈ
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=578155234464060&id=100068087650228&mibextid=ZbWKwL
5. Paano gumawa ng leris/prc account? PM ME DIRECTLY PO β£οΈπ€ Happy to assist you β£οΈ
6. . PAPASA KA NA AGAD HAHA. Claim it πππ€
* If you have questions ask me po.
Goodluck, Godbless and CONGRATULATIONS ππβ£οΈ
Sa Mga Mag Boboard Exam:
(Based on my experience lang ha)
https://online.prc.gov.ph/ Dito nga pala kayo gagawa prc account at magpapa-appointment πβ£οΈ PWEDE NA GUMAWA NG ACCOUNT π
Paano magbayad sa prc, through GCash or through bank. Need valid ID, since ala pa kami nun kumuha kami TIN ID, need din TOR, 2 pcs documentary stamp. 2 pcs Passport size. PSA. If may problema or malabo PSA nyo dalin nyo yung sa Municipal Registrar nyo yung Birth Cert nyo dun.
2 copy ng complete files ang ipoprovude nyo, pero yung xerox lang namn ang kinukuha nila.
What to bring:
β’ NOA *2 Pcs Brown envelope long *2pcs plastic envelope long * 2-3 pcs ballpen BAWAL ANG SIGN PEN much better kung normal pens lang. * 2-3 pcs na lapis monggol 2 tingnan nyo kung may tatak na GENUINE yung lapis, kung wala bili kayo bago, mas maganda kung sa national bookstore na kayo bumili para sure π tasahan nyo na lahat. * Sa suot, maraming hindi sumunod, pero disiplinado tayo kaya matuto tayong sumunod (Lucky hana white polo shirt, tsaka black na pants, slack or pantalon basta black) pwede rubber shoes or dollshoes wag lang colored tapos super tingkad pa. bawal din may reflector yung shoes. *Dala din pala kayo salonpas at mga de rub na ointment like white flower or eficascent oil. (Alcohol, extra face mask) Hygiene kit nyo. Kami before lahat ng gamit nakasupot na clear hahaha. GUYS PWEDE DIN MAGDALA CELLPHONE. BASTA I TURN OFF OR SILENT. ilalagay namn lahat ng gamit sa harap eh , sa board. Sobrang effective. Sa food namn dapat clear tupperware, bawal fastfood pwede kung asa tupperware clear.
β’ Pwede namn umihi during exam sasamahan ng proctor π
( iready nyo pa din yung mga annex a,b,c health declaration ata yun hehe) niready lang namin pero hndi nagamit., in case lang namn
1. Walang mawawala kung maniniwala ka sa mga kasabihan. Mag p**a ka ng panty, brief o bra. GO.
2. Mag enroll ka sa review center or not nasa sayo yan. Ang pinaka-importante disiplina sa sarili.
3. Kung inaantok ka during review days, kung pagod ka, kung tinatamad ka, kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Wag mong piliting magreview kung walang gana.
4. Magsimba, magdasal, MAGDASAL NG MAGDASAL. PRAYER REALLY WORKS.
5. Wag kang nega!
6. MAGTIWALA TAYO SA MGA REVIEW CENTERS NATEN. Kung wala namang review center, mayroong mga libre sa facebook. Tiyagain lang manood dahil napakalaking tulong nila β£οΈ
7. Huwag kang magpapakapuyat. Kahit pahinto hinto sa isang araw magreview ka. Hindi rin pwedeng abusuhin yung utak.
8. Kumain ng marami, wag kape ng kape HAHAHA. NAKAKANERBYOS.
9. MAGTIWALA KA SA SARILI MO NA KAYA MO, AT KAKAYANIN MO DAHIL YAN ANG SUSI SA PAGKAPASA MO.
ANO ANG EXPERIENCES KO BEFORE,DURING AND AFTER:
1. Legit ang kaba dahil madalas absent sa review center, pag pasok manonood pa sa review center habang may nagdidiscuss. Pero nakikinig ako hahaha multi-tasking lang.
2. Pag tinatamad ako magreview hindi talaga ako nagrereview. Natutulog, kumakain, nanonood ako.
3. Ang sabi nila pag daw pumasok ka ng exam room kumatok ka muna sa pinto ng room. Right ang unang paa na ipasok mo para puro tama ang sagot mo and left namn pag tapos ka na pag lalabas ka na ng room para iwanan na lahat ng hirap mo sa exam room. Sipain ang upuan after mo magsagot at katukin ang black board to top the board exam. Lahat yan ginawa ko. Wala namang mawawala.
4. Sabi nila pag nalaglag yung lapis hindi daw papasa dahil masamang pangitain. 4 times ko nalaglag ang lapis ko dahil sa antok sa PROF ED. Nakikita ko pa yung proctor namin na natatawa sakin dahil payuko yuko yung ulo ko at nalalaglag na sa antok. Pero THANKS GOD naitaguyod ko.
5. Hindi ako gumamit ng manila paper. Hindi ako nagdikit sa kwarto. Basahin mo ng paulit ulit yung reviewer mo at intindihin. Ubos oras kasi magsulat sa manila paper. Ang ginawa ko yung nasa reviewer ni rewrite ko sa ibang notebook. Mas naintindihan at mas naalala ko π
6. Akala ko talaga hndi ako papasa kase tandang tanda ko 5 beses ako nagbura ng sagot. Ang ginawa ko kasi nagshade na ko ng mga sagot pero manipis lang para kako incase pag binasa ko ulit mabura ko pa.
7. Makinig ka mabuti sa proctor.
8. Nung exam day. Hindi ako nagkape. Gatas ang ininom ko. Hahaha. Agahan mong gumayak. Sabi nila day before dapat rest na lang. Hindi po ganon nangyari sakin. Alas dose na madaling araw nag rush read pa ko sa reviewer. Kase hndi ko rin namn maitulog. Para sakin lang ha, hndi ka talaga makakatulog sa kaba hahaha. WAG DAW LILINGON SA SCHOOL PAG YARI MO HAHAHA. Kaya ako non pagyari ko lumabas agad akong school dinonate ko ma lahat ng lapis, ballpen ko sa labas ng school nakatalikod ako habang hinihintay ko mga kasama ko Hahaha.
9. During exam, nung breaktime hndi rin ako nakakain. Magbaon kayo ng maraming candy, (Frutos na tamarind hahaha) tsaka mga locally made chocolates like cloud 9, beng beng ganern.
10. Dasal, dasal , dasal. Nag novena kami 9 days before the day ng exam π
Additional:
* Guys sa Gen-Ed much better nood kayo ng mga drills sa facebook. Maraming free. Practice kayo ng practice malaking tulong yun.
*Sa PROF ED namn wag kayo mag overthink. Twice nyo basahin. Actually paidlip idlip ako sa prof ed ,nakikita ko medyo nangingiti pa proctor namin sakin. PAG MAY INSTINCT NA KAYO NA YUN NA SAGOT TRUST ME. WAG NA KAYO MAGPALIT.
* Wag agad kayo mag shade, PWEDENG PWEDE SULATAN ANG TEST BOOKLET. hahaha actually ang dugyot ng test booklet ko, anyways ganito ginawa ko. After ko mag answer ng 50 items basahin ko ulit 1 by 1 then shade. Baka kase answer ng answer eh kulangin time sa pag shade. PER 50 ITEMS ang ginawa ko.
*Kung d kayo sure sa sagot magsagot pa din lagyan mo asteris* sa number sa booklet then shade mo manipis. NAGBURA AKO ALAM KO NASA 6 TIMES AKO NAGBURA π€£
Thank you Lucban Elementary School, Baguio π
Para sa mga hindi pinalad. Isang malaking yakap. Hindi biro ang pinagdaanan nating lahat. Wag susuko, hndi pa siguro ito yung time. Next season kayo naman. Napakahirap, nakaka stress sobra. Pero pasasaan pa at lahat ng pagod at hirap natin masusuklian din. PADAYON MGA MA'AM AT SIR. π
Thank you Lord. LPT NA π
Follow this page. Will be posting drills soon π₯°