ABN 89.5FM radio pilipinas

ABN 89.5FM radio pilipinas NEWS AND INTERTAINMENT, RADIO ADVERTISEMENT

Tayo na mga Bespren sa Bayan ng Nasugbo,Batangas  Halina't maki-saya sa kapistahang kay ganda! Fiesta de los Toros na!! ...
22/11/2023

Tayo na mga Bespren sa Bayan ng Nasugbo,Batangas
Halina't maki-saya sa kapistahang kay ganda!
Fiesta de los Toros na!!
't maki-saya sa kapistahang kay ganda!
Fiesta de los Toros na!!

20/11/2023
20/11/2023
20/11/2023
19/11/2023

Thirty-third Sunday in Ordinary Time

SUNDAY MASS | 5:30 P.M. | 19 November 2023 | Live from Our Lady of La Salette Quasi-Parish

Mass Presider:
Rev. Fr. Joseph Fidel A. Roura

RANK NO. 1 MOST WANTED PERSON SA BATANGAS CITY, HULITagumpay ang Batangas City Police Station na mahainan ng Warrant of ...
19/11/2023

RANK NO. 1 MOST WANTED PERSON SA BATANGAS CITY, HULI

Tagumpay ang Batangas City Police Station na mahainan ng Warrant of Arrest ang Isang babaeng tinuturing na No. 1 Most Wanted Person sa bayan ng Batangas nitong ika-18 ng Nobyembre, 2023 sa Brgy. Dumantay, sa naturang bayan.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, dakong 6:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang operatiba ng Batangas CPS kasama ang Provincial Intelligence Unit ng Batangas PPO, Batangas Provincial Mobile Force 1st Company at MARPSTA Batangas SOU3 para maghain ng Warrant of Arrest sa Brgy. Dumantay, Batangas City, Batangas na nagresulta sa pagkaaresto sa akusadong si Danica Arquillo y Bagon alias "Ycay", 26 taong gulang, walang asawa, call center agent at residente ng naturang barangay.

Inaresto si Arquillo sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 8, Batangas City para sa kasong Violation of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na may petsang ika-16 ng Nobyembre, 2023 at walang piyansang nakatalaga.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Batangas CPS si alias "Ycay" at kakaharapin ang kaso laban sa kanya.

“Naging matagumpay ang operasyon na ito dahil na din sa pakikipagtulungan ng komunidad. Patunay na higit pa sa lakas ng pulisya, ang lakas ng pakikiisa na siyang magdadala sa atin ng marami pang tagumpay sa bawat nating operasyon laban sa anumang uri ng iligal na gawain. ”– PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




ALAMIN: Mga sasakyang awtorisadong dumaan at gumamit ng EDSA Busway alinsunod sa Department of Transportation - Philippi...
18/11/2023

ALAMIN: Mga sasakyang awtorisadong dumaan at gumamit ng EDSA Busway alinsunod sa Department of Transportation - Philippines

Kabilang dito ang:
- mga pampasaherong bus na pinapayagang mag-operate sa EDSA Busway route
- mga ambulansya, fire trucks, mga sasakyan ng Philippine National Police
- service vehicles para sa EDSA Busway Project (construction, security, janitorial, maintenance services)

Para naman umasiste sa pagganap ng kanilang tungkulin, ang EDSA Busway ay puwede ring gamitin ng:

- Presidente
- Bise Presidente
- Senate President
- Speaker of the House of Representatives
- Supreme Court Chief Justice

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan at paggamit ng mga hindi awtorisadong sasakyan, kabilang ang mga government-marked vehicles at red plate vehicles, sa EDSA Busway.

Mahaharap sa mga sumusunod na multa ang mga lalabag:

First Offense – P5,000
Second Offense – P10,000 plus one month suspension of driver’s license, and required to undergo a road safety seminar
Third Offense – P20,000 plus one year suspension of driver’s license
Fourth Offense – P30,000 plus recommendation to Land Transportation Office for revocation of driver’s license

18/11/2023

TAGUMPAY SA KALUSUGAN (RISE COFFEE PROGRAM)
Mga impormasyong pangkalusugan, testimonya't pagpapatotoo ng ating mga kababayang pwedeng maging kasagutan sa matagal ng iniindang karamdaman sa pag gamit ng RISE COFFEE.

Programang layunin ay kayo ay gabayan at samahan upang mapagtagumpayan ang inyong karamdaman. Samahan si KUYA BOY sa programang TAGUMPAY SA KALUSUGAN tuwing 7:30pm-8:30pm Lunes hanggang Sabado
November 18, 2023

TANDEM NA NAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA, HULI NG BATANGAS PNP        Tandem pa rin sa bilangguan ang isang babae at isan...
18/11/2023

TANDEM NA NAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA, HULI NG BATANGAS PNP

Tandem pa rin sa bilangguan ang isang babae at isang lalaking nahuli sa isang Buy-Bust operation na ikinasa ng Batangas City Police Station nitong ika-16 ng Nobyembre, 2023 sa Brgy. Wawa, Batangas City, Batangas matapos maaktuhan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, dakong 10:52 ng gabi nang magsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Team ng Batangas City Police Station sa Brgy. Wawa, Batangas City, Batangas na nagresulta sa pagkaaresto kay alias Ejie, 34 taong gulang, walang asawa, pintor at alias Che Che, 18 taong gulang, walang asawa, walang trabaho at parehong residente ng naturang barangay. Nakuha sa mga suspek ang isang pirasong Php500.00 na nagsilbing buy-bust money at hinihinalang shabu na may timbang na 0.15 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,035.00.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Batangas CPS ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso naaayon sa kanilang paglabag sa batas.

“Hanggat hindi nauubos ang mga tulak ng droga at hindi nasusugpo ang mga pinagmumulan ng ipinagbabawal na gamot ay magpapatuloy ang ating mga pagkilos sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot. Nagpapasalamat kami sa patuloy na pakikiisa ng komunidad sa laban na ito. Binabati rin natin ang Batangas City Police Station sa isa nanamang matagumpay na operasyon . ”– PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




4th Quarter 2023 Regional Peace and Order Council Meeting, ConcludedMember agencies of the Regional Peace and Order Coun...
18/11/2023

4th Quarter 2023 Regional Peace and Order Council Meeting, Concluded

Member agencies of the Regional Peace and Order Council under the Department of Interior and Local Government Unit 4A gathered on November 17, 2023 at the Marriott Hotel Pasay City Metro Manila at about 12:00 in the afternoon for the aforesaid meeting.

Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte and Police Regional Office CALABARZON Deputy Regional Director for Operations, PCOL ROEL C RODOLFO, were present during the meeting together with the representatives from various government agencies, law enforcement, and local government units. This meeting is a true manifestation of RPOC’s commitment in maintaining peace and order throughout the CALABARZON region.

During the discussions all facets affecting peace and order were seen in different angles and through different perspectives allowing a broader approach in tackling issues that affect the security and well-being of the residents of the region.

The meeting revolved on strategic planning as the group deliberated on tactical approach and ingenuities to address existing challenges related to peace and order. Deliberations involved crime prevention, conflict resolution, disaster preparedness, and emergency response. Also emphasized were the collaborative partnerships, community engagement, capacity building, transparency, and accountability among the member agencies.
The Regional Peace and Order Council 4A chaired by the Quezon Governor, Honorable Angelina D.L Tan is relentless in its efforts to create and maintain a safe and secure environment for the CALABARZON people. Through oneness, collective efforts and combined expertise of the representatives of different concerned sectors, RPOC 4A truly exemplifies the confidence that they are well equipped to reach their goals.

Source: Batangas PNP Public Information Office




STRENGTHENING RESILIENCE. Noong Miyerkules, November 15, 2023, ang inyong lingkod kasama ang Team Jay Manalo Ilagan ay n...
17/11/2023

STRENGTHENING RESILIENCE. Noong Miyerkules, November 15, 2023, ang inyong lingkod kasama ang Team Jay Manalo Ilagan ay nagtawid dagat upang dumalo bilang Guest Speaker sa pagbubukas ng Sports and Athletic Meet sa bayan ng Tingloy. Bagama’t makulimlim at umaambon, ang aking puso ay labis labis ang ligaya dahil sa mainit na pagtanggap at pagyakap ng ating mga kababayan. Naging tunay na napakasaya at napakasigla ng partisipasyon ng bawat isa sa bawat bahagi ng programa.

Maraming maraming salamat bayan ng Tingloy sa inyong bumubuhos at umaapaw na pagmamahal at suporta. Asahan ninyong mas higit nating palalakasin at paiigtingin ang mga programang pang-sports dito sa ating mahal na lalawigan tungo sa isang World Class Batangas



17/11/2023

Tama kayo Senador Raffy Tulfo sa DOLE: Mga employer na hindi sumusunod sa minimum wage law, dapat makulong!

Mabuhay po kayo!

ctto

17/11/2023

Nov 17, 2023

Mga kababayan,

Nakababahala po ang malalakas na lindol na nangyari sa Mindanao kaninang 4:14 ng hapon. Ako man ay nakaranas din ng malalakas na lindol noong ako ay alkalde ng Davao at meron itong dala na trauma. Kinakailangan natin maging kalmado, at unahin ang pagcheck ng ating mga bahay at gusali para paghanda sa aftershocks. Nakuha na po natin ang report ng Office of Civil Defense at tayo ay bahagi ng meeting para sa NDRRMC response cluster. Lahat ng local disaster councils sa mga lugar na nilindol ay dapat meron ng report at nasimulan na ang kanilang pagresponde lalo na sa pagbalik ng kuryente sa apektadong lugar. Sa mga kalamidad na katulad nito, lumalabas po ang kahalagahan ng ating mga earthquake drills at iba pang pagsasanay para sa kahandaan. Manatili po tayong kalmado, matatag at nagkakaisa.

Shukran.

Nagawa din natin ngayong gabi ang meeting kasama ang ating Executive Secretary Bersamin para sa pagreview ng mga pagresponde ng iba't-ibang ahensiya ng gobyerno.

17/11/2023

TAGUMPAY SA KALUSUGAN (RISE COFFEE PROGRAM)
Mga impormasyong pangkalusugan, testimonya't pagpapatotoo ng ating mga kababayang pwedeng maging kasagutan sa matagal ng iniindang karamdaman sa pag gamit ng RISE COFFEE.

Programang layunin ay kayo ay gabayan at samahan upang mapagtagumpayan ang inyong karamdaman. Samahan si KUYA BOY sa programang TAGUMPAY SA KALUSUGAN tuwing 7:30pm-8:30pm Lunes hanggang Sabado
November 17, 2023

17/11/2023
17/11/2023
16/11/2023

PANOORIN | NARITO ang mensahe ng pasasalamat ni Hon. Latip M. Bilang Brgy. Chairman ng GT Biruar, Parang, MDN sa mga suportang natanggap nitong nakaraang BSKE 2023.

Patuloy ang ating serbisyong dekalidad para sa bawat kabaranggay ko!

Maraming Salamat po!


16/11/2023

TAGUMPAY SA KALUSUGAN (RISE COFFEE PROGRAM)
Mga impormasyong pangkalusugan, testimonya't pagpapatotoo ng ating mga kababayang pwedeng maging kasagutan sa matagal ng iniindang karamdaman sa pag gamit ng RISE COFFEE.

Programang layunin ay kayo ay gabayan at samahan upang mapagtagumpayan ang inyong karamdaman. Samahan si KUYA BOY sa programang TAGUMPAY SA KALUSUGAN tuwing 7:30pm-8:30pm Lunes hanggang Sabado
November 16, 2023

TULAK NG DROGA, BABAE NASAKOTE SA BATANGAS CITYNapasakamay ng mga awtoridad ang isang babaeng tulak ng droga  sa ikinasa...
16/11/2023

TULAK NG DROGA, BABAE NASAKOTE SA BATANGAS CITY

Napasakamay ng mga awtoridad ang isang babaeng tulak ng droga sa ikinasang buy-bust ng Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit kasama ang mga operatiba ng Batangas City Police Station noong 10:30 ng gabi ng Nobyembre 15, 2023 sa Barangay Alangilan, Batangas City.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang suspek bilang si alyas Lovely, residente ng Muntinlupa City.

Hinuli ang suspek matapos itong magbenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer. Nakumpiska mula kay alyas Lovely ang dalawang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 50 grams at may Standard Drug Price na P340,000.00. Nakuha rin kay alyas Lovely ang isang coin purse, cellphone, shoulder bag, at mga pera.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas Police Provincial Office ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Ayon naman kay PCol Belmonte na patuloy na lalabanan ng kanilang hanay ang salot na ilegal na droga sa ating lipunan. Dagdag pa nito na kaisa ng mamamayan ang Batangas Police Provincial Office sa adhikain na gawing drug-free ang Probinsya ng Batangas.

Source: Batangas PNP Public Information Office




15/11/2023

ESTABLISHING STRONG CENSORSHIP GUIDELINES THAT ARE ROOTED FROM FILIPINO VALUES

During the Senate plenary debate for the 2024 budget of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Senator Kuya Alan Peter Cayetano has urged the MTRCB to create strong censorship guidelines, especially in light of the diversity of our mass media.

According to him, the MTRCB should invest in research to identify contemporary Filipino values and determine what Filipinos want to consume in media.

15/11/2023

Col. B**g Nebrija ng MMDA Nagsorry sa Maling pag-akusa Kay Senador B**g Revilla sa Paglabag sa Edsa BUS lane Rule,
Ayon kay Senador hindi siya napadaan sa Edsa at lalong hindi siya ang sakay sa nasabing sasakyan dahil nasa cavite siya!

15/11/2023

TAGUMPAY SA KALUSUGAN (RISE COFFEE PROGRAM)
Mga impormasyong pangkalusugan, testimonya't pagpapatotoo ng ating mga kababayang pwedeng maging kasagutan sa matagal ng iniindang karamdaman sa pag gamit ng RISE COFFEE.

Programang layunin ay kayo ay gabayan at samahan upang mapagtagumpayan ang inyong karamdaman. Samahan si KUYA BOY sa programang TAGUMPAY SA KALUSUGAN tuwing 7:30pm-8:30pm Lunes hanggang Sabado
November 15, 2023

DROGA AT BARIL, KUMPISKADO SA PADRE GARCIA, BATANGASCamp Gen. Miguel C Malvar – Huli ang isang Street Level Individual n...
15/11/2023

DROGA AT BARIL, KUMPISKADO SA PADRE GARCIA, BATANGAS

Camp Gen. Miguel C Malvar – Huli ang isang Street Level Individual na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Municipal Drug Enforcement Team ng Padre Garcia Municipal Police Station noong 10:10 ng gabi ng Nobyembre 14, 2023 sa Barangay Cawongan, Padre Garcia, Batangas.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte ang suspek bilang si alyas Ariel, residente ng nasabing bayan. Nahuli ang suspek matapos itong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na heat sealed transparent sachet na naglalaman ng 3.96 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P27,324.00. Nakuha din sa suspek ang isang kalibre .38 na baril at limang piraso ng bala.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Padre Garcia MPS ang suspek at humaharap siya sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (Omnibus Election Code).

“Ang pagkakakumpiska ng ganitong armas ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan upang hindi na magamit pa sa mga ilegal na aktibidad. Patuloy din po ang ating paalala sa publiko na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang mga impormasyon hinggil sa bentahan ng ilegal na droga.” – PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




PMAJ SANGKOT SA PAGKAWALA NG BEAUTY QUEEN CANDIDATE NA SI CATHERINE CAMILONPageant candidate pinaniniwalaang binugbog um...
15/11/2023

PMAJ SANGKOT SA PAGKAWALA NG BEAUTY QUEEN CANDIDATE NA SI CATHERINE CAMILON

Pageant candidate pinaniniwalaang binugbog umano ng isang police major na nahaharap sa kasong kaugnay ng pagkawala nito.

Ayon kay Col. Jacinto Malinao, Criminal Investigation and Detection Group Calabarzon police director, ang mga screenshot ng palitan ng mensahe nina Maj. Allan de Castro at Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon na iprinisinta ng mga kaanak at kaibigan ng biktima.

Binanggit din ni Malinao ang pahayag ng kapatid ni Camilon na si Chin Chin na may mga pagkakataong umuuwi ito ng mga pasa na umano'y gawa ni De Castro.

Ayon sa ulat, nagalit umano si De Castro nang sabihin ni Camilon sa asawa nito na may karelasyon itong babae.

Sa isang panayam kay Malinao, aniya malaki ang posibilidad na ito ang dahilan sa pagkakawala ng biktima.

Batay sa nakalap na ilang ibendensya patungkol sa palitan ng mensahe sa cellphone, lumalabas na diumano na si Camilon ay girlfriend ni De Castro at magkikita sana sila nang mawala ito noong Oct. 12.

Matatandaang na naiulat na may nakakitang tistigo na may isang dugoang babae na inililipat sa pulang Honda CR-V mula sa isang pang sasakyan sa tulay ng barangay Manghinao, Bauan Batangas.

Sa pag usad ng imbistigasyon, natagpuan ang sinasabing pulang Honda CR-V na abandonado sa barangay Dumaclay, Batangas City na kung saan may nakuhang 17 hibla ng buhok at blood sample ang mga kapulisan.

Ayon sa PNP Spokeperson PCol. Jean Fajardo isinailalim na sa pagsusuri ang mga ito. Aniya kung sakaling makakakuha sila ng confirmation sa mga hair strands at blood sample ng DNA ay mag ma-match sa kaanak ng biktima, karagdagan ibidensya ito para mapapalakas pa ang pagsasampa ng karagdagang kaso sa mga suspek.

Sinampahan na ng kasong kidnapping at illegal detention sina De Castro, ang kanyang personal driver na si Jeffrey Magpantay at dalawang John Does sa Batangas provincial prosecutor's office nitong Lunes.
Isang kasong administratibo laban kay De Castro ang isinangguni sa Police Internal Affairs Office.

Kasalukuyang inactive duty at under restrictive custody ng PNP Calabarzon si De Castro na nananatili sa Regional Headquarters at hindi pinapahintulutang lumabas. Kasama ni De Castro ang kanyang asawa at dalawang anak.


MGA SUSPEK SA PAGTUTULAK NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT SA MABINI BATANGAS, HIMAS REHASHuli ang dalawang lalaking sangkot sa ...
14/11/2023

MGA SUSPEK SA PAGTUTULAK NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT SA MABINI BATANGAS, HIMAS REHAS

Huli ang dalawang lalaking sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga nitong ika-13 ng Nobyembre, 2023 sa Brgy. Mainaga, Mabini, Batangas matapos silang maaktuhan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isang buy-bust operation.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, dakong 10:05 ng gabi nang magsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang mga operatiba ng Mabini Drug Enforcement Team ng Mabini Municipal Police Station sa Brgy. Mainaga, Mabini, Batangas na nagresulta sa pagkaaresto kay alias Dokay, 42 taong gulang, walang asawa, estibador at alias Weweng, 37 taong gulang, walang asawa, laborer at parehong residente ng naturang barangay. Nakuha sa mga suspek ang isang pirasong Php500.00 na nagsilbing buy-bust money at hinihinalang shabu na may timbang na 0.16 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,104.00.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Mabini MPS ang dalawang kaso at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso ayon sa kanilang paglabag sa batas.

“Tuluy-tuloy ang laban kontra ilegal na droga dito sa lalawigan ng Batangas. Saludo ako sa kapulisang ng Mabini MPS sa matapang na pakikibaka laban sa salot na ilegal na droga. Makakaasa kayo sa gabay at suporta ng lahat ng mga nammuno at nanunungkulan sa Batangas PPO para sa iisa nating layunin, isang Drug-Free Batangas. ”– PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




2 TULAK NG ILIGAL NA DROGA, HIMAS REHASHimas rehas ang dalawang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ng masakote ng ...
14/11/2023

2 TULAK NG ILIGAL NA DROGA, HIMAS REHAS

Himas rehas ang dalawang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ng masakote ng kapulisan nitong ika-13 ng Nobyembre, 2023 sa Brgy. Ping-as, Alitagtag, Batangas. Ito'y nang maaktuhan ang mga ito sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, dakong 2:40 ng hapon nang magsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Team ng Alitagtag Municipal Police Station sa Brgy. Ping-as, Alitagtag, Batangas na nagresulta sa pagkaaresto kay alias Budoy, 18 taong gulang, walang asawa, walang hanapbuhay at isang Menor de Edad na si alias “Impoy” na parehong residente ng naturang barangay.
Nakuha sa mga suspek ang isang pirasong Php500.00 na nagsilbing buy-bust money at hinihinalang shabu na may timbang na 0.25 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,720.00.

Nakatakdang sampahan ng karampatang kaso ayon sa kanilang paglabag sa batas ang dalawang suspek at kasalukuyang nasa kustudiya ng Alitagtag MPS.

“Ipinagmamalaki natin ang bawat tagumpay ng ating kapulisan kontra sa ilegal na droga. Binabati ko ang Alitagtag MPS sa kanilang matagumpay na operasyon. Nawa ay maging babala ito sa iba pang nasasangkot sa ganitong gawain lalo’t higit ang mga kabataan na nasisira ang kinabukasan. Hindi pa huli ang lahat tungo sa pagbabago. ”– PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




WANTED SA KASONG QUALIFIED R**E, ARESTADOCamp Miguel C Malvar - Arestado ang lalaking wanted sa kasong Qualified R**e at...
14/11/2023

WANTED SA KASONG QUALIFIED R**E, ARESTADO

Camp Miguel C Malvar - Arestado ang lalaking wanted sa kasong Qualified R**e at Rank no 2 Municipal Level ng Malinao MPS sa Albay, bandang 11:30 ng umaga Nobyembre 14, 2023 sa Brgy. Olo Olo Lobo, Batangas.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang akusado na si Albert Herrera y Guerrero @ Bert, 40 anyos, may asawa, caretaker, tubong Malinao, Albay at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.

Naaresto si Herrera ng pinagsanib na pwersa ng Lobo Municipal Police Station, RIU 4A PIT Batangas, 1st Batangas PMFC 2nd Platoon, at MARPSTA Batangas SOU3 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Qualified R**e (3 counts) na inisyu ng RTC, 5th Judicial Region, Branch 16, Tabaco City, Albay na may petsang Setyembre 27, 2023. Walang piyansang inirekomenda sa akusado para sa pansamantalang kalayaan. Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lobo MPS.

“Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN’s) ng komunidad. Ang operasyong ito ay patunay ng magandang ugnayan ng komunidad at ng kapulisan at hindi tayo titigil sa pagsawata sa mga taong may pananagutan sa batas, at para mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima. ”– PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Don Jhonson Barrios, Marlon Gacote, Joel I. Katigbak
14/11/2023

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Don Jhonson Barrios, Marlon Gacote, Joel I. Katigbak

SUSPEK SA PANANAKSAK, ARESTADOCamp Gen. Miguel C Malvar – Ang maigting na law enforcement operation ng Batangas PPO ay n...
13/11/2023

SUSPEK SA PANANAKSAK, ARESTADO

Camp Gen. Miguel C Malvar – Ang maigting na law enforcement operation ng Batangas PPO ay nagresulta sa mabilis na pagkaka-aresto sa isang suspek sa insidente ng pananaksak sa Sto Tomas City sa Batangas noong Nobyembre 12, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas John (MNU), 19 anyos walang trabaho at nakatira sa Purok 3 Ilaya, Brgy., San Pedro, Sto Tomas City, Batangas

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Sto Tomas CPS, na nag-iinuman ang biktima na si Rodante Agustino y Aragon, 26 anyos, walang asawa at trabaho at nakatira sa nasabing bayan at ang suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa at na nauwi ito sa pananaksak.
Nagtamo ng saksak sa kanang bahagi ng tiyan ang biktima at agad na dinala sa nasabing ospital.

Samantala, ang suspek ay inaresto ng mga rumespondeng duty patroller ng Sto Tomas CPS at binsahan ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng saligang batas. At dinala sa hospital para sa physical examination at ibinalik sa nasabing himpilan ng pulisya para sa maayos na imbestigasyon habang inihanda ang kaukulang kaso laban dito.

“Pinupuri ko ang maagap na aksyon ng ating mga kapulisan sa insidenteng ito. Ito ay accomplishment na nagpapatunay na ang ating kapulisan ay ginagawa ang kanilang makakaya para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan 24/7 sa kanilang mga nasasakupan,” – PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




13/11/2023

TAGUMPAY SA KALUSUGAN (RISE COFFEE PROGRAM)
Mga impormasyong pangkalusugan, testimonya't pagpapatotoo ng ating mga kababayang pwedeng maging kasagutan sa matagal ng iniindang karamdaman sa pag gamit ng RISE COFFEE.

Programang layunin ay kayo ay gabayan at samahan upang mapagtagumpayan ang inyong karamdaman. Samahan si KUYA BOY sa programang TAGUMPAY SA KALUSUGAN tuwing 7:30pm-8:30pm Lunes hanggang Sabado
November 13, 2023

SUSPEK SA PAGNANAKAW, TIKLO NG BATANGAS CPSIsang magnanakaw ang nahuli ng kapulisan ng Batangas City Police Station noon...
12/11/2023

SUSPEK SA PAGNANAKAW, TIKLO NG BATANGAS CPS

Isang magnanakaw ang nahuli ng kapulisan ng Batangas City Police Station noong 3:50 ng madaling araw ng Nobyembre 12, 2023 sa Barangay Malitam, Batangas City matapos niyang looban ang bahay ng biktima na kinilala bilang si Eric John Holgado, isang pulis na nakadestino sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang suspek na si alyas “Dave”, residente ng Batangas City.

Batay sa imbestigasyon, bandang 3:30 AM ng kaparehas na petsa ay nilooban ni alyas Dave ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira ng padlock ng pintuan sa likuran ng bahay at nagnakaw ng 2 wrist watch. Naaktuhan naman ng biktimang pulis ang pangyayari kaya agad na tumakas ang suspek. Hindi rin nagtagal at nahuli ng pulis si alyas Dave at nabawi ang 2 relong ninakaw.

Kasalukuyang namang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

“Tayo pong lahat ay magdoble ingat dahil hindi natin alam kung anong oras sasalakay ang mga kawatan. Ngunit kahit ganoon pa man, makakaasa po kayo na mas paiigtingin pa ng kapulisan ang pagpapatrolya sa ating komunidad para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.”– PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP Public Information Office




12/11/2023

Thirty-Second Week in Ordinary Time

SUNDAY MASS | 5:30 P.M. | 12 November 2023 | Live from Our Lady of La Salette Quasi-Parish

Mass Presider:
Rev. Fr. Joseph Fidel A. Roura

Address

Unit D 2nd Flr. Woodheights Bldg Brgy. 4, C. M. Recto Avenue
Lipa City
4217

Telephone

+639286751072

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ABN 89.5FM radio pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ABN 89.5FM radio pilipinas:

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Lipa City

Show All