BigNews Ngayon Pilipinas National

BigNews Ngayon Pilipinas National Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BigNews Ngayon Pilipinas National, Media/News Company, Lipa City.

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS
INTERTAINMENT& MUSIC
SPORTS,SHOWBIZ
PERSONALITY
EVENT ORGANIZER,
TOURISM
BUSINESS SECTOR
FOODS INDUSTRY
TRAVEL DESTINATION

Member PMOI Pilipinas Media Organization Inc,

𝗣𝗑𝗣, π—‘π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—šπ—”π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—₯π—”π—šπ——π—”π—‘π—š 𝟯,𝟬𝟬𝟬 π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π— π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—§π—˜π—— π—©π—œπ—’π—Ÿπ—˜π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯𝗠𝗠Nanawagan ang Philip...
19/02/2025

𝗣𝗑𝗣, π—‘π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—šπ—”π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—₯π—”π—šπ——π—”π—‘π—š 𝟯,𝟬𝟬𝟬 π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π— π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—§π—˜π—— π—©π—œπ—’π—Ÿπ—˜π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯𝗠𝗠

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa BARMM regional government para sa deployment ng karagdagang 3,000 na mga pulis dahil sa lumalalang election related violence sa rehiyon.

Ayon sa regional office of the Philippine National Police, tinatayang hindi baba sa 87 cases ng gun attacks ang naitala mula January hanggang mid-February ngayong taon habang 143 areas naman ang heightened concern dahil sa nalalapit na election. Sa kabila ng election gun ban ay patuloy pa rin ang election related violence sa BARMM.

Hinimok naman ng PNP BARMM ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na bigyan ng malawak na authority ang law enforcement para magsagawa ng searches at checkpopints kabilang na ang mga sasakyan ng mga kilalang tao at pulitiko.

Via||| Liza Tomaquin

Look: 52nd Founding Anniversary Naging Matagumpay na Idinaos sa Barangay Making Parang Maguindanao Del Norte Naging Mata...
18/02/2025

Look: 52nd Founding Anniversary Naging Matagumpay na Idinaos sa Barangay Making Parang Maguindanao Del Norte

Naging Matagumpay ang Isinagawang 52nd Founding Anniversary ng Barangay Making sa Bayan ng Parang Maguindanao Del Norte

Ang Aktibidad ay Pinangunahan ni Barangay Chairman Hon. Alan Joe "Andot" Barreto Kasama ang mga Barangay Officials

Dumalo Naman Si Hon. Mayor Cahar P. Ibay at
Aspirant Vice Mayoralty Candidate Hon. Mahal Ali kung Saan Ang Nasabing okasyon ay Personal na Tinungo ni Aspirant Governor Hon. Datu Tucao Ong Mastura at Para ibigay ang Buong Suporta sa Bayan ng Parang

Samantala Nagbigay Naman ng Kasiyahan si Parang Mayor Cahar P. Ibay at Aspirant Governor Datu Tucao Ong Mastura Sa Mga Residente ng Barangay Making masayang Masaya Naman ang mga Residente sa Lugar at nag Papasalamat ang mga ito Kay Hon. Mayor Cahar P. Ibay sa Pagmamahal at sa Walang Sawang Sumusuporta sa Mga Residente ng Barangay Making

Via||| Jossie Mae Vitudio/ Bert Lao

Big News Ngayon Batangas
BIG News Pilipinas Central Mindanao
Bignews Ngayon Palawan
Abn 89.5 FM News Channel
ABN National online radio pilipinas

News Updates!ligtas na ang nasabing babae Employee Ng Gadgets sa Mall na hostage kanina sa Sm lipa at hawak na ng mga ka...
18/02/2025

News Updates!
ligtas na ang nasabing babae Employee Ng Gadgets sa Mall na hostage kanina sa Sm lipa at hawak na ng mga kapulisan Lipa Pulis Ang suspect,

Photo ctto

Breaking News: Hanggang yong Gabi patuloy parin ang negosasyon sa pagitan ng Isang lalaki nag hostage-taker  nagaganap h...
18/02/2025

Breaking News:
Hanggang yong Gabi patuloy parin ang negosasyon sa pagitan ng Isang lalaki nag hostage-taker nagaganap hostage-taking sa SM Lipa City Batangas

Hawak ng laking suspek ang Isang babae na biktima na empleyado sa isang gadget store sa sm lipa

AYON sa ulat ng Lipa City PNP, pasado alas tres nang hapon kanina nang itawag ng pamunuan ng mall sa pulisya ang nasabing hostage-taking. Lagpas na sa tatlong oras na ngayong hawak ng lalaki ang kanyang biktima na babae,

Photo ctto.

Abangan ang update!

Sasakyan nasunog sa isang kalye sa Cotabato CityIsang kulay grey na Starex Van ang biglang lumiyab at natupok sa isang b...
18/02/2025

Sasakyan nasunog sa isang kalye sa Cotabato City

Isang kulay grey na Starex Van ang biglang lumiyab at natupok sa isang bahagi ng Attorney Willie Bueno Street sa Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City nitong hapon ng Lunes, February 17, 2025.

Mabilis namang nakalabas ang mga sakay ng naturang sasakyan bago ito tuluyang natupok ayon Naman sa mga kasapi ng Bureau of Fire Protection-Cotabato City ay napinsala ang Nasabing Sasakyan at hindi na maayos pa.

May mga sakay na school children ang van na ihahatid sana sa isang paaralan ng ito ay nasunog. Agad namang napalabas ng nagmamaneho nito ang kanyang mga pasahero bago ito tuluyang natupok.

Via||| Liza Tomaquin

Kasabay ng Araw ng Mga Puso nahuli ni Mister ang kanyang Misis at Kalaguyo nito sa Isang Inn sa Lungsod ng Cotabato Kasi...
14/02/2025

Kasabay ng Araw ng Mga Puso nahuli ni Mister ang kanyang Misis at Kalaguyo nito sa Isang Inn sa Lungsod ng Cotabato

Kasiyahan sanang pagkikita sa isang inn kasabay ng Araw ng mga Puso kanina ay kulungan ang bagsak ng isang Misis at Kabit nito nang mabulaga dahil sumugod ang asawa ng babae at nahuli mismo silang may Kababalaghan

umano ay nagkasundo ang binatilyong si alyas "Jun" 18-anyos na Residente ng South Upi Maguindanao Del Sur at ang 22-anyos na si alyas 'Lyn' Residente Naman ng Cotabato City

Sa report mula Police Station 2, kasama pa ng babae ang anak nito na pinatulog muna habang siya at ang kaniyang kalaguyo ay may ginagawa na palang Hindi maganda sa Luob ng Inn

Naaktuhan mismo ni mister ang kaniyang misis kasama ang kanyang kalaguyo na wala nang saplot ang kanilang mga katawan at hindi na natuloy ang kanilang pag sanib Pwersa

binugbog naman ng mister ang kalaguyo ng kaniyang asawa Dahil sa subrang Galit at dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya at Magsasampa ang Mister ng kasong adultery laban sa kanyang Asawa at Kalaguyo nito

Hemas Rehas Ngayon ang Misis at Kalaguyo nito at sa Rehas na bakal nalang nila itutuloy ang kanilang pag mamahalan at doon narin nila ipagdiwang ang Araw ng mga Puso

Via: Bert Lao

BigNews Ngayon Pilipinas National
BigNews Ngayon Bicol
Big News Ngayon Batangas
ABN National online radio pilipinas
Abn 89.5 FM News Channel

13/02/2025
ISA PATAY, HABANG ISA SUGATAN SA PANIBANGONG KASO NG PAMAMARIL SA COTABATO CITY!PATAY sa pamamaril ang isang lalaki na d...
13/02/2025

ISA PATAY, HABANG ISA SUGATAN SA PANIBANGONG KASO NG PAMAMARIL SA COTABATO CITY!

PATAY sa pamamaril ang isang lalaki na driver ng payong-payong habang sugatan naman ang kasama nitong babae sa bahagi ng Purok Poblacion 1, Tamontaka 4, Cotabato City alas-12:40 ng hapon nitong araw ng Huwebes Pebrero 13, 2025.

Kinilala ang nasawing biktima nasi Maula Isla Gadzali habang ang kasama nitong babae ay si Normina Kuyo Matar.

Ayon sa ulat sakay ng payong-payong ang mga biktima ng pagdating sa lugar ay bigla nalang silang nilapitan ng riding in tandem suspek saka pinagbabaril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang driver dahilan ng kanyang agarang pagkasawi habang maswerting di napuruhan ang kasama nitong babae na ginagamot na sa bahay pagamutan.

Sa ngayon, ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at malaman ang kung ano ang motibo sa pamamaril.

via || Jomar Abdul
BigNews Ngayon Mindanao

πŸ“Έccto

Paghihigante, posibleng motibo sa Cotabato ambush sa Kabacan North Cotabato Inaalam na ng pulisya kung ang pagkakapatay ...
13/02/2025

Paghihigante, posibleng motibo sa Cotabato ambush sa Kabacan North Cotabato

Inaalam na ng pulisya kung ang pagkakapatay sa Kabacan, Cotabato ng manager ng isang bus company at kanyang kabiyak ay konektado sa kanyang pagsibak ng ilang mga tauhan na kumukupit diumano ng kanilang mga koleksyong pasahe.

Sakay ng isang Toyota Fortuner si Armando Yap Lu at ang misis niyang si Marilyn ng tambangan ng mga armadong mga kalalakihan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Kayaga sa Kabacan nitong Lunes na nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Kinumpirma nitong Miyerkules ng mga opisyal ng Kabacan Municipal Police Station at ni Col. Gilbert Tuzon, Cotabato provincial police director, na may mga impormanteng nagpaabot sa kanila ng impormasyon na posibleng may kinalaman sa naturang pananambang ang mga bus conductors at ticket inspectors na tinanggal ni Lu sa kumpanya dahil sa mga iregularidad sa paghawak ng mga kita ng kanilang mga units.

Nag-alok na ng cash incentive si Cotabato Gov. Emmylou TaliΓ±o-Mendoza sa sinumang makakatulong sa mga imbestigador ng Kabacan municipal police sa pagkilala kung sino ang mga responsable sa pag-ambush sa dalawang mga biktimang nadeklarang dead on arrival ng mga doctor sa isang hospital kung saan sila dinala ng mga emergency responders para malapatan sana ng lunas.

Via: Bert Lao

BigNews Ngayon Pilipinas National
BigNews Ngayon Bicol
Big News Ngayon Batangas
ABN National online radio pilipinas
Abn 89.5 FM News Channel

Breaking News: Isang Barangay Chairman at Treasurer nito Pinag Babaril sa Abdullah Sangki Maguindanao Del Sur mga Bektim...
13/02/2025

Breaking News: Isang Barangay Chairman at Treasurer nito Pinag Babaril sa Abdullah Sangki Maguindanao Del Sur mga Bektima Nakaligtas sa Pananambang

Sugatan ang isang barangay kapitan sa Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao del Sur at ang kanyang treasurer sanhi ng pananambang nitong umaga ng Huwebes sa naturang bayan.
Ayon sa Ulat Nakaligtas Umano ang Kapitan Kasama ang Treasurer nito sa Pananambang sa mga Bektima

Sa tala ng Police Provincial Office Bangsamoro Autonomous Region, ng Maguindanao del Sur ang may pinakamaraming mga insidente ng pamamaril mula ng ipatupad ng Commission on Elections ang nationwide gun ban kaugnay ng nakatakdang May 2025 elections.

Inaantabayanan pa ang ulat ng Datu Abdullah Sangki Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office hinggil sa madugong insidenteng naganap sa Bayan ng Abdullah Sangki Maguindanao Del Sur

Via: Bert Lao

BigNews Ngayon Pilipinas National
BigNews Ngayon Bicol
Big News Ngayon Batangas
ABN National online radio pilipinas
Abn 89.5 FM News Channel

Address

Lipa City
4217

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BigNews Ngayon Pilipinas National posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share