10/11/2024
๐๐๐ ๐ข ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐
๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐ | Ysabella Cano
Bukod sa pasko na inaabangan sa pagsapit ng ber months, sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Banquerohan (BNHS), isa pang kaganapan ang kinapapanabikang matunghayan. Maraming kaganapan ngunit ibang-iba rin ang pananabik ng mga mag-aaral at g**o sa tuwing magdiriwang ng ๐๐ง๐ข๐ญ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ.
Ang United Nations ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre subalit naudlot ito dahil sa masamang panahon dulot ng mga bagyo. Ipinagbubuklod nito ang mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa pagitan ng mga bansang kasama rito. Israel, Mexico, France, Germany, Africa, Venezuela, Argentina, South Korea, Canada, Japan, China, Philippines at Egypt ang ilan sa mga kabilang dito. Ito rin ang mga bansa na ibinida ng mga opisyal na kandidato para sa Ambassador and Ambassadress of Goodwill 2024.
Noong ika-28 ng Oktubre, opisyal na sinimulan ang pagdiriwang ng United Nations sa temang "One common future, One common agenda" sa pamamagitan ng pagtaas ng watawat ng mga bansang inirerepresenta ng mga kandidato at sumunod ang mga aktibidad na inihanda ng Araling Panlipunan (AP) Club. Samantala, ginanap ang '๐๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐จ๐ซ ๐๐ฆ๐๐๐ฌ๐ฌ๐๐๐จ๐ซ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐๐ฌ๐ฌ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐จ๐ ๐๐จ๐จ๐๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ 2024' noong ikaapat ng Nobyembre bilang panapos na programa.
Maiinit na hiyawan at malalakas na palakpakan ang isinalubong ng mga mag-aaral sa kanilang mga sinusuportahang kandidato sa unang paglantad nito sa intermission number kasama ang Firemyxx Dancers. Hindi nahinto ang sigawan nang isa-isang nagpakilala ang bawat kandidato ng kanilang sarili gamit ang mga pangmalakasang introduksiyon na kanilang inihanda.
Sumunod ang Preliminary Question and Answers na nagpakaba sa mga manonood ngunit napalitan ng saya nang narinig ang mga sagot ng kani-kanilang kandidato na nag-iwan din ng mga makabuluhang pahayag na nagpamangha sa mga manonood. Habang naghahanda ang mga kandidato sa kanilang susunod na presentasyon, pinarangalan muna ang mga nagwagi sa mga aktibidad na inihanda ng AP Club at pinaunlakan din si Gng. Guia P. Dela Cruz, OIC ng BNHS sa kaniyang mensahe.
Hindi naman mawawala sa ganitong mga kompetisyon ang mga kultural na kasuotan na ibibida ng bawat bansa. Walang hinto ang sigawan sa paglabas ng mga kandidato suot ang kanilang magagandang kasuotan na sumisimbolo sa bansang kanilang inirerepresenta.
Pinarangalan ang mga natatanging kandidato ng mga 'minor awards'. Ang Mr. and Ms. Congeniality ay sina G. Lenard Loquinario ng Japan at Bb. Kathrina Julia Bahilio ng Canada. Ang Best in Ramp ay sina G. Jeremy John Marcaida ng Venezuela at Ma. Monica Alejo ng France. Nasungkit naman nina G. Rowel Tadeo ng France at Bb. Gemmiah Dhaine Trilles ng Venezuela ang Mr. And Ms. Photogenic. Muli ring nakuha nina G. Jeremy John Marcayda at Bb. Marjorie Leron ang Peoples Choice Award. Best in Production Number naman sina G. Clarence Bautista ng South Africa at Bb. Jamiesha Kaethe Remondavia ng Pilipinas.
Itinanghal na Ambassador at Ambassadress ng Dolces de Marias food products sina G. Sherwin Alamo, China at Bb. Jamiesha Kaethe Remondavia, Pilipinas. Mr. and Ms. Highlands Eco Spring sina G. Mark Jude Maraรฑa, Pilipinas at Bb. Christine Joy Datur, South Africa.
At ito na... ang makapigil hiningang anunsyo, ang pasok sa top 4 at mag-uuwi ng korona. Nasungkit nina G. Sherwin Alamo na inirerepresenta ang China at Bb. Christine Datur na dala ang watawat ng South Africa ang ikatlong pwesto. Ang ikalawang pwesto naman ay nakuha nina G. John Pierre Hernandez ng South Korea at Bb. Kathrina Julia Bahilio ng Canada. Samantala, napasakamay nina G. Jory Ardales ng Israel at Bb. Franz Kate Louise Marigondon ng Germany ang unang pwesto.
Sa huli, naiuwi ang korona nina Jamiesha Kaethe Remondavia at Mark Jude Maraรฑa, representantes ng PILIPINAS, at itinanghal na bagong Ambassador and Ambassadress of Goodwill 2024. Sila rin ang nagwagi sa kultural na kasuotan. Hindi matatawaran ang saya na naramdaman ng mga nanalo maging ang mga manonood ay nagdiwang sa pagkapanalo ng dalawa.
"Sobrang saya kasi isa ito sa mga memorable na nangyari sa akin sa taong ito" sabi ni G. Maraรฑa, ang bagong Ambassador.
"Masaya pero hindi pa rin nawawala yung kaba kasi super unexpected" pahayag naman ni Bb. Remondavia, ang bagong Ambassadress.
Ayon sa kanilang panayam, maaasahan na magiging modelo sila sa mga Banquero na katulad din nilang minsan ay pinanghihina ng loob sa pagsasalita sa harap ng maraming tao na mas mapa-unlad pa ang kumpiyansa sa sarili.
Ang programang ito ay isang paraan lamang ng pagpapamalas ng pagkakaisa, panalo man o talo hinding-hindi mawawala ang mga puso na pinaglakip ng ating lahi. Sa likod ng programang ito ay ang matibay na samahan na nagkaisa upang mabuo ang pagdiriwang na ito. Tandaan na ang matagumpay na pagkakaisa ay nagsisimula sa sarili at wagi kung ito'y tunay.
๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ข:
Naediel Marie Arcilla, Patnugot sa Pagkuha ng Larawan
Mary Nathalie Arcilla, Tagakuha ng Larawan
๐๐๐ -๐๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข:
Julio Ceazar Loreto
Charmelle Jane Homo