Engkwentro News itv channel

Engkwentro News itv channel Online Broadcasting platform thru Social Media

11/07/2024
11/07/2024

Calinga ni Loria nasa Brgy. Sipi Daraga,Albay

Sobra ang pasasalamat ng mga residente ng brgy sipi daraga,albay matapos na binisita ng calinga ni loria para sa isang medical mission sa nasabing brgy.
May libreng check up at libre laboratory kagaya ng ultra sounds, xray, ecg, at iba pa.
Dahil dito nagpasalamat si brgy captain Glenn Bernardino jr sa grupo ng calinga ni Loria partikular na kay Caloy Loria dahil sa magandang programa nito kahit wala pa ito sa posisyon ay tumutulong na sa mga barangay.
Samantala sobra naman ang pasasalamat ng ilang individual sa nasabing brgy dahil nakalibre umano sila sa bayarin ng laboratory at libre gamot na ibinibigay ng Calinga ni Loria..





Engkwentro News itv channel
Engkwentro Tabloid

09/07/2024

Cayetano, tutok sa review ng New Senate Building sa kabila ng ethics complaint

Manila-- Mananatiling nakatutok si Senador Alan Peter Cayetano sa pagbuo ng isang makatotohanan at independent na pagsusuri sa New Senate Building (NSB) sa kabila ng ethics complaint na isinampa laban sa kanya ni Senadora Nancy Binay.

“Eyes on the ball tayong lahat. Ang ginagawa ni Senator Nancy Binay from the start, nililito tayong lahat, eh,” wika ni Cayetano sa isang panayam sa media nitong Lunes, July 8, 2024.

Ito’y matapos magsampa ng pormal na ethics complaint si Binay laban kay Cayetano dahil sa umano’y hindi nararapat na asal nito sa huling bahagi ng unang pagdinig sa isyu ng Committee on Accounts noong July 3, 2024.

Bilang tagapangulo ng komite, binigyang-diin ni Cayetano na handa siyang harapin ang reklamo ngunit mananatiling nakatuon sa mas mahalagang isyu ng tumataas na gastos ng proyekto ng gusali.

“Ang issue ay y’ung P23 billion. Ano ba ang mas importante sa tao: ang tingin niya sa akin at ano ang tingin ko sa kanya? Or kung ano talaga ang nangyayari diyan sa building?” wika niya.

Pinuna rin ni Cayetano si Binay dahil sa bilis nitong pagsasampa ng ethical complaint gayong hindi ito nagsagawa ng masusing pagsusuri sa proyekto noong siya namuno sa Accounts Committee ng Senado sa loob ng dalawang taon.

“For 15 months, hindi gumalaw sa mesa mo [ang mga dokumento]. Isang taon at tatlong buwan na [ang lumipas pero] hindi ninyo kayang tingnan kung magkano ang ginagastos na para sa building?” wika ni Cayetano.

Binigyang-diin niya ang kanyang tungkulin na tiyakin ang isang masusi at makatotohanang pagsusuri ng proyekto upang magawa ang “iconic at functional” na gusali sa mataas na kalidad at tamang halaga.

“Sa akin napunta [itong project], eh. Kaya ire-recommend ko talaga sa 24 senators na ayusin natin ang tamang pondo,” wika niya.

“Ako, gusto kong ilabas ang tamang pondo kasi kung hindi, we will not get to the conclusion kung magkano ba talaga,” dagdag niya.

Inihayag din niya ang kanyang alalahanin tungkol sa ibang bahagi ng proyekto na sa tingin niya ay sobra ang gastos. Aniya, mas mainam na ilaan ang pondo nito sa iba pang mga proyekto tulad ng mga silid-aralan.

“‘Yang facade na ‘yan na P1.6 billion, ‘yang broadcast at security systems na ‘pag pinagsama mo ay P2 billion, at ‘yang landscape na P663 million, hindi pwede sa akin ‘yan,” wika niya.

Nang tanungin kung paano maaaring ayusin ang hindi pagkakaunawaan nila ni Binay upang mapanatili ang pag-usad ng proyekto, iminungkahi ni Cayetano na manatali lang sila sa isyu at pag-usapan ito nang kalmado at makatotohanan.

“She can correct it anytime. Senator Nancy, linawin na lang natin itong lahat [nang] mahinahon, sa tama,” wika niya.

“Himayin natin ‘yang P23 billion na ‘yan o kung tingin niya P21.7 billion [lang] nang mahinahon at sundin natin ang tamang rules at ilabas natin ang tama, then mag-desisyon tayo [kung] paano matatapos ang building at kung ano ang tamang presyo nu’ng building,” dagdag niya.

06/02/2024

News & Public Affairs Program

01/02/2024

Live

DARAGA MPS MAY BAGO NG HEPE.. Pormal ng umupo bilang bagong Hepe na Daraga Municipal Police Station si PLtCol Edmundo Ce...
03/08/2023

DARAGA MPS MAY BAGO NG HEPE..

Pormal ng umupo bilang bagong Hepe na Daraga Municipal Police Station si PLtCol Edmundo Cerillo matapos itong magcourtesy call kay Alkalde Awin Baldo noong Hulyo 31, 2023.

Sa courtesy call sinupurtahan naman ni Mayor Baldo ang mga Programs, Activities and Projects (PAPs) na nais ipasunod ni COP Cerillo sa bayan ng Daraga , partikular ang pagpababa ng crime rate na nasabing bayan.

Nais ni Mayor Baldo na pakipagcoordinate sa Daraga Municipal Police Station (DMPS) sa pamumuno ni COP Cerillo para mapalakas pa ang partnership ng lokal na gobyerno at DMPS.

Samantala pinalitan ni COP Cerillo si dating Chief of Police PLtCol Carl Joseph Jaucian na naging hepe sa loob ng isang taon.

ARANGKADA BANWA Caravan o ABC PORMAL NG SISIMULAN NGAYONG AGUSTO NG LOKAL NA GOBYERNO NG DARAGA... Pormal ng uumpisahan ...
03/08/2023

ARANGKADA BANWA Caravan o ABC PORMAL NG SISIMULAN NGAYONG AGUSTO NG LOKAL NA GOBYERNO NG DARAGA...

Pormal ng uumpisahan ngayong buwan na Agusto ang isa pa sa mga programa ng LGU DARAGA sa pangunguna ni Mayor Carlwyn"Awin"Baldo ang ARANGKADA BANWA CARAVAN o ABC gagawin tuwing araw ng byernes.

Layunin nito na mailapit ang iba't ibang serbisyo sa local na gobyerno partikular sa mga barangay sa Daraga.

Ayon kay Mayor Awin Baldo ng nasabing bayan, nais niyang maramdaman ng mga Daragueños ang pantay pantay na serbisyo.

Sa initial na plano nito, para sa ABC dito E - identity ang mga serbisyong nais ipasunod ng iba't ibang departamento ng Munisipyo.

Ayon kay Baldo, ang ABC ay isa lang sa mga napakaraming programa na isasagawa ng kanyang administrasyon at ayon na rin sa kanyang priority development agenda na Advance Basic Services para sa bayan ng Daraga.

ALAGANG HAYOP KASAMA SA PLANONG EVACUATION NA ISASAGAWA NG LGU LEGAZPI CITY KUNG SAKALING ITAAS ANG ALERTO SA BULKANG MA...
25/07/2023

ALAGANG HAYOP KASAMA SA PLANONG EVACUATION NA ISASAGAWA NG LGU LEGAZPI CITY KUNG SAKALING ITAAS ANG ALERTO SA BULKANG MAYON...

Handang handang ang Legazpi City Veterinary Office na ilikas ang mga alagang hayop sakaling itaas ang aktibidad ng Mayon sa alert level 4 o kaya magkaroon ng malakas na pagsabog.

Ang mga hayop na pwedeng ilikas ang mga alagang baka, kalabaw, at kambing, kasama din sa gagawin paglikas ang mga pets tulad ng a*o at pusa.

Ayon kay Dr. Emmanuel Estipona, City Veterinarian, may mga target na silang mga pooling sites para sa mga alagang livestock ng mga magsasaka sa syudad.

Ang mga barangay na pwedeng magkaroon ng paglikas ng mga alagang hayop ay ang mga barangay ng Padang, Buyuan, B**ga, Pawa Cemetery at Taysan sa Legazpi.

Samantala, ang mga pets tulad ng a*o at pusa ay ililikas kasama ng kanilang mga kapamilya sa parehong evacuation area at magkakaroon umano ng pag iikot sa mga evacuation centers para suriin ang mga paglalagyan ng mga alagang a*o at pusa.

Dagdag pa ni Estipona magsasagawa din sila ng feeding program para sa mga alagang maiiwan sa 7KM permanent danger zone at nakahanda din ang kanilang opisina na magbigay ng mga kinakailangang gamot, bitamina, pagkain, lubid para sa livestocks at mga kagamitang panglinis para sa mga alagang hayop.


ULAT SA BAYAN NI MAYOR AWIN BALDOArangkada Banwa fkr A Better Daraga...
21/07/2023

ULAT SA BAYAN NI MAYOR AWIN BALDO
Arangkada Banwa fkr A Better Daraga...

Pansamantalang hindi muna papayagan ang mga magsasaka na puma*ok sa 6 kilometer permanent danger zone ayon kay Mayor Awi...
20/07/2023

Pansamantalang hindi muna papayagan ang mga magsasaka na puma*ok sa 6 kilometer permanent danger zone ayon kay Mayor Awin Baldo ng Daraga, Albay.

Ayon kay Mayor Awin Baldo para masiguro ang kanilang kaligtasan kung sakaling pumutok ang Bulkan Mayon.

Paliwanag pa ni Mayor Awin na sa ngayon ay pansamantalang hindi muna sila papayagan na makapag hanapbuhay sa delikadong lugar dahil patuloy naman umano ang ayuda nila na natatanggap mula sa gobyerno at mga pribadong grupo.

Ang nasabing kautusan ay ipapasunod hanggang sa maging sigurado ang kaligtasan na ipapalabas ng ahensya na may concern sa nasabing bagay.

18/07/2023
17/07/2023

512M NA DAGDAG UTANG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG ALBAY, KINUWESTYON NINA BOARD MEMBER ROLLY ROSAL AT VINCE BALTAZAR...

Kinuwestyon nina Board Member Rolly Rosal at Vince Baltazar ang 512 million pesos na uutangin ng Pamahalaang Panlalawigan para umano sa pagpapatuloy at pagsasaayos ng JBDAP sa Ligao City.

Matatandaang nauna nang umutang ang Pamahalaang Panlalawigan ng 700 million pesos para sa pagsasaayos ng nasabing hospital subalit hanggang sa ngayon ay umaabot pa lamang sa 85% ang natatapos at ang inabot ng sinasabing 700 million.

Ang 512 million pesos na gustong idagdag sa utang ng probinsiya ay sinasabing ipangtatapal umano sa kakulangan ng pondo para matapos na ang pagpapatayo ng nasabing hospital.

Agad naman itong kinuwestyon nina Board Member Rolly Rosal at Vince Baltazar, sinabi ng mga ito na hindi makatarungan ang nasabing utang dahil umano sa napakarami pa hanggang sa ngayon na binabayaran ng probinsiya.

Paliwanag pa ng dalawang Board Member na hanggang sa ngayon ay mataas umano ang interes na binabayaran ng probinsiya taon taon sa dati pa nitong pagkakautang na naiwan ng mga nakaraan pang administrasyon.

Engkwentro News iTV
Engkwentro News Tabloid

17/07/2023

PAMAMASLANG SA DALAWANG MYEMBRO NG OAS PNP, MARIING KINONDENA NI MAYOR DOMINGO ESCOTO JR.

Kinondena ng Lokal na Gobyerno ng Oas Albay sa pangunguna ni Mayor Domingo Escoto Jr. ang pamamaril patay sa dalawang myembro ng pulis na nakabase sa Oas Municipal Police Station na si PCMS Joseph Ostonal at PCL Jeffrey Referesa.

Ayon kay Mayor Escoto bilang siya ang ama ng nasabing Munisipyo, kinokondena niya ang ganitong uri ng pamamaslang sa mga myembros ng pulis na gumagawa lamang ng kanilang obligasyon.

Ipinanawagan pa ng Alkalde sa mga suspect na kaagad na sumuko na sa lalong madaling panahon lalo na ang mga kasamahan nitong dalawang suspect na kaagad nahuli matapos ang pamamaslang.

Nangako si Escoto na magbibigay ang Lokal na Gobyerno ng tulong lalo na sa mga naulilang pamilya ng mga ito.

Samantala, sinabi naman ni Chief of Police,
Police Major Carlos Dy na nasampahan na nila ng ka*o ang dalawang nahuling suspect.

Engkwentro News iTV
Engkwentro News Tabloid

KASAG O ALIMANGO SA BARANGAY POBLACION,CASTILLA,SORSOGON KONTI AT MALILIIT LAMANG UMANO AYON KAY MAYOR B**G MENDOZA. Nag...
17/07/2023

KASAG O ALIMANGO SA BARANGAY POBLACION,CASTILLA,SORSOGON KONTI AT MALILIIT LAMANG UMANO AYON KAY MAYOR B**G MENDOZA.

Naging matagumpay ang isinagawang Kasag Festival 2023 sa Brgy. Poblacion, Castilla,Sorsogon noong nakaraang buwan. Layunin ng bumubuo ng aktibidad na ito sa pangunguna ni Kap. Alex Sotto na maipakilala sa madla na sa kanilang barangay nagmumula ang karamihan sa Kasag o Alimango sa Sorsogon.

Ngunit sinabi ni Mayor B**g Mendoza ng Castilla na wala umanong sapat na produksyon na alimango sa nasabi ng barangay para masabi na doon ang may mas marami nito. Sinabi pa nito na sa barangay Macalaya at Buenavista ang may mas malalaki at maraming kasag kaysa sa Barangay Poblacion.

Dagdag pa ni Mendoza na sa Bayan ng Castilla ay ipinagdiriwang nila ang Unod Festival na isa sa nagpapatunay umano na kahit saang barangay ka pumunta sa bayan ay may tanim gaya ng kamoteng kahoy at iba pa.

Ngunit ang Kasag Festival ay magpapatuloy umano taon-taon ayon kay Kap. Sotto lalong-lalo na sa pagbabalik normal nang sitwasyon ngayong pawala ang pandemya.

Engkwentro News ITV.
Engkwentro Tabloid.

Just Now:Operation Tuli 2023 sa Bayan ng Castilla, Sorsogon isinasagawa ngayong araw. Inumpisahan ito kaninang alas 8 ng...
17/07/2023

Just Now:

Operation Tuli 2023 sa Bayan ng Castilla, Sorsogon isinasagawa ngayong araw. Inumpisahan ito kaninang alas 8 ng umaga at tatagal hanggang mamayang alas 4 ng hapon.

Engkwentro News Itv.
Engkwentro Tabloid.

LIBRENG TULI AARANGKADA NA BUKAS SA BAYAN NG CASTILLA, SORSOGON. Isa sa pinaka hihintay ng mga nagbibinata na hindi pa n...
16/07/2023

LIBRENG TULI AARANGKADA NA BUKAS SA BAYAN NG CASTILLA, SORSOGON.

Isa sa pinaka hihintay ng mga nagbibinata na hindi pa nabibinyagan o hindi pa natutuli sa bayan ng castilla sa sorsogon ay ang libreng tuli.Isa ito sa mga programa ni Mayor Isagani B**g Mendoza at ng Lgu Castilla na pang apat na taon ng isinasagawa dito.

Bukod sa certification na matatanggap ng nagpatuli isa sa pinahihintay ng mga may edad na.Ang unang 30 anyos magpatuli ay makakatanggap ng tumataginting na 30,000 pesos bilang pakonswelo dito.Libre ang gamot at anestisya na gagamitin sa nasabi ng operasyon.

Ang "Operation Tuli"ng LGU Castilla ay mula July 17 hanggang July 21 sa taong kasalukuyan.

Follow, Like & Share

Engkwentro News Itv.
Engkwentro Tabloid.

16/07/2023

NAGTATAKA LANG AKO SA MGA NATIONAL TELEVISION... ANG DAMING MALALAKING ISSUE DITO SA PROBINSYA NG ALBAY,TULAD NA LANG NG KASO NI GOV. NOEL ROSAL BAKIT HINDI NILA MAI BALITA.. ANO PO ANG NANGYAYARI?

16/07/2023

MAYOR CENON VOLANTE KAN MALILIPOT,ALBAY PINASALAMATAN AN MGA NAGTATABANG SA MGA EVACUEES NA APEKTADO KAN PAG ALBUROTO KAN BULKAN MAYON.

Sa padagos pag alburoto kan Bulkang Mayon digdi sa probinsya nin albay,taos puso ang pasasalamat ni Mayor Cenon Volante sa mga tabang hali sa national government, mga senador na nagpapaabot nin tabang na naka ebakwar sa evacuation center sa Malilipot,Albay sa daing sawang pagtabang hali sa manlain-lain na lugar sa pilipinas.

Pinasalamatan man kaini an Regional Director kan DSWD na padagos na nag momonitor kan mga kakulungan sa mga evacuation center.Sa ngunyan dae man so boot nagkukulang an mga ayuda sa mga residentes dahilan sa padagos na nagaabot an tabang hali sa gobyerno asin maging sa pribadong kompanya na nagpapaabot nin tabang.

Mientrastanto kan nakaaging domingo hulyo 9 ipignagsilibrar kan alkalde an saiyang kompleanyo sa mga evacuation center sa malilipot.Ini tanganing pakidumamay niya sa mga residente na apektado sa padagos na pag alburoto kan Bulkang Mayon.

Engkwentro News ITV.
Engkwentro Tabloid.

Pagpapatayo ng 5 school sites, posibleng simulan na ngayong 3rd quarter ng taon – DPWH 1st district ng Albay.. Sisimulan...
16/07/2023

Pagpapatayo ng 5 school sites, posibleng simulan na ngayong 3rd quarter ng taon – DPWH 1st district ng Albay..

Sisimulan na ngayong 3rd quarter ng taong ito ang konstruksyon ng limang school sites sa unang distrito ng Albay ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District.

Sinabi ni Allan Imperial, Human Resource and Administrative Section ng 1st District Engineering Office ng nasabing ahensiya, sa ilalim ng basic education facilities fund na nagkakahalagang P62M ay maaari nang masimulan ang konstruskyon ng mga paaralan sa nasabing distrito.

Ang mga konstruksyon ng mga ito ay ang 2 storey-6 classrooms sa Estanza Elementary School sa Malinao; 2 storey-4 classrooms sa Baybay Elementary School sa Tiwi; 1 storey-3 classroom sa Sugod Elementary School sa kaparehong bayan; 1 storey-3 classrooms sa Rawis Elementary School ng Tabaco at 4 storey-12 classrooms sa Tabaco National High School.

Ang mga konstruksyon ng paaralan ay matagal nang napagplanuhan, ngunit ngayon lamang masisimulan dahil ibinalik na sa DPWH ang konstruskyon.

Binigyang diin ni Imperial na nitong taon lamang nababaan ng pondo ang tanggapan para sa konstruskyon ng mga paaralan sa nasabing lalawigan.

Engkwentro News iTV...

16/07/2023

Sarong kontraktor na konsehal sa banwaan nin Daraga na igwang proyekto sa Bagumbayan,Daraga dae nag utob sa urulay.Mga street light na nadanyaran kan saidang pa trabaho dae binalik,alagad may pirmahan sinda sa barangay na ibabalik ini pakatapos kan saiyang proyekto o patrabaho.
Clue dae ini nahihiling sa munisipyo asin sa session pirmi ini naka zoom.

15/07/2023

HAPPY SUNDAY MGA KA ENKWENTRO!😇🙏

07/04/2023

Courtesy:The Catholic Faith PH

Address

Purok 4 Bgy. 21 Binanuahan West, Legazpi City
Legazpi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Engkwentro News itv channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Engkwentro News itv channel:

Videos

Share

Nearby media companies