07/02/2022
POSTPARTUM DEPRESSION 🥺
Hanggang 7 years old na ang anak nyo maari ka pa ring dumanas nito! According sa Psychiatrists.
POSTPARTUM IS REAL HINDI ITO ISANG PAG-IINARTE LANG
• Kung madali ka magalit or madaling mairita kahit sa isang maliit na bagay na hindi mo gusto at feeling mo hindi ka naiintindihan ng ibang tao, THAT'S POSTPARTUM
• Kung hindi ka makakatulog the whole day kahit wala kang ginagawa at buong araw ka nang nakahiga, THAT'S POSTPARTUM
• Kung may iniisip ka na matagal pa mangyayari pero excited ka nang gawin ito at marami ka nang naiisip na output nito, THAT'S POSTPARTUM
• OVERTHINKING, INSECURITIES, JEALOUSY, FEAR, HOPELESS, THATS POSTPARTUM
• Pinaka hate mo sa bahay ay si Mister, especially kung hindi ka pakikinggan, ayaw sumunod, sa mga decision na conflict na gusto mo at hindi ka na iimik, nagdadabog ka na, ayaw mo nang makinig nang sasabihin nang asawa mo, dahil yung brain at body mo raw ay ayaw magcommunicate, dahil nung manganak ka lahat nang nutrients mo ay down (Para Kang nag shutdown) and THAT'S POSTPARTUM
• Overworked sa bahay, kahit ano na lang maiisip, dahil feeling mo na bored ka na, feeling mo ang dumi ng bahay kahit hndi naman, THAT'S POSTPARTUM
• PANIC ATTACK, kahit napakaliit ng problema at kayang kayang solosyonan nagpapanic ka, THAT'S POSTPARTUM
• Feeling mo wala kang kwenta, dahil hindi ka na nakakatrabaho or nagkakaincome tulad nung dalaga ka pa, si Mister lang ang nagkaka-income kaya parang feeling mo pabigat ka, feeling mo wala kang nagagawa para sa pamilya, pero hindi totoo yan dahil hindi biro ang magbuntis at mairaos ng walang komplikasyon ang pagnanganak.
• Simula nang manganak ka, 1 year ang recovery, pero possible na always syang nasayo kung di mo kayang irelax sarili mo, swerte ka kung hindi sakit ng ulo asawa mo, dahil sya ang papalit sa responsibilities mo.
”UNDERSTANDING” ang pinaka the best na meron ang hubby mo dahil sa panahon na di mo kayang mag-adjust siya ang gagawa nito, dahil hindi Ito natatakasan.
Hindi madaling manganak, wag bibigyan ang bagong panganak ng mga bagay na hindi nya gusto dahil kahit gusto nyang intindihin yun, yung pusot isip nya hindi magkasundo.
Dear Mister, sanay maging maunawaing asawa sa lahat ng oras at bagay, sana maappreciate ninyo ang pagsasakripisyo naming mga babae mula pagbubuntis hanggang sa ngayon sa pag-aasikaso sa bahay at mga bata, sana wag ninyo iparamdam sa amin na wala kaming kwenta porket pagod kayo maghapon sa trabaho, pagod din kami sa pag-aasikaso sa bahay maghapon, parehas lang napapagod sanay 'wag ng magsumbatan, pasensya na kung hindi pa kami makatrabaho dahil sa pag-aalaga sa bata, kapag lumaki naman ang bata makakabwelo rin at makakagawa ng paraan para magkaroon ng additional income.
Mag-unawaan, magdamayan, palaging pag-usapan ang problema, laging itaas sa Panginoon ang mga bagay bagay, dahil ang tunay na pagmamahalan ay sinusubok ng panahon at sitwasyon. ❤️