09/12/2024
MAGALING MAKISAMA SA IBA PERO SA ASAWA MO HINDI‼️
May mga lalaki o babae na pagdating sa pakikitungo sa iba eh ang galing galing pero pagdating sa asawa nila,
kung ituring eh mas malamig pa sa yelo.
Laging mainitin ang ulo,
kapag kinausap mo pasigaw agad ang sagot.
Pero kapag sa iba akala mo maamong tupa,
baitbaitan.
kung mabait ka sa ibang tao, dapat mas mabait ka sa asawa o partner mo.
Kung generous ka sa ibang tao, dapat mas generous ka sa partner mo.
Kung nice ka sa ibang tao, dapat mas nice ka sa partner mo.
Kung mapag pasensya ka sa iba, dapat mas mapag pasensya ka rin sa asawa o partner mo.
Hindi pwedeng mabait ka sa ibang tao pero sa partner mo lagi kang galit, lagi ka nakataas ng boses, iritable ka.
TANDAAN: ‼️
SA LAHAT NG TAO, SA ASAWA NATIN TAYO DAPAT MAS NAKIKISAMA NG MAAYOS KASI KASAMA NATIN SILA SA BUHAY