17/07/2023
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ๐โ ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ-๐ฟ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐
LUNGSOD NG PASIG, Hulyo 17, 2023 โ Sa hangaring muling suriin, i-realign, at muling ituon ang mga learner-related initiatives upang mas makatugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, magsasagawa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng Learners' Convergence (LearnCon) PH 2023 mula Hulyo 29 hanggang Agosto 3 sa lungsod ng Marikina.
Magsisilbing lunsaran ang anim na araw na summit para sa mga serbisyong ibinibigay ng Operations strand ng DepEd, alinsunod sa MATATAG Agenda ng Kagawaran, partikular na ang pangako nitong pangalagaang mabuti ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kapakanan ng mga ito, inklusibong edukasyon, at isang positibong kapaligiran sa pag-aaral.
Sa temang "SaMakabata: Sentro ng Karunungan, Huwaran ng Kagalingan," magsisilbing daan ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa pag-uusap, pagbabahagi, at pagtutulungan ng mga ideya, insight, aral na natutunan, at best practices sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga pampublikong gawain at sibiko.
Sa Convergence, isasagawa ang thematic learning sessions upang mag-alok ng makabuluhang oportunidad para matutunan ng mga mag-aaral ang kanilang papel sa nation-building at magbigay ng isang ligtas na espasyo para sa pagbuo ng isang network ng mga indibidwal na interesado rin sa pamumuno, pamamahala, at pakikipag-ugnayan sa sibiko; kalusugan at kabutihan; kasarian at panlipunang pagsasama; climate action, pangangalaga sa kapaligiran, at agrikultura; inobasyon, entrepreneurship, at kahandaan sa hinaharap; at kultura, sining, at kapayapaan, bukod sa iba pa.
Bukod dito, pangungunahan ang mga simultaneous session ng concerned offices ng DepEd Central Office upang pag-usapan ang capacity building program para sa mga mag-aaral, disaster preparedness, advocacy campaigns para sa kalusugan, ang pagbuo ng action plan sa pagsulong ng sports club sa mga pampublikong paaralan, at ang Learners' Right Congress.
Dadaluhan ang kumperensiya, na gaganapin kasabay ng 2023 Palarong Pambansa, ng mga piling high school learners, youth leaders at formators, at education stakeholders mula sa 228 schools division offices (SDO) mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Magsisilbi ring mga manonood at tagasuporta ng kani-kanilang rehiyon sa grand opening ng Palarong Pambansa ang mga kalahok ng LearnCon.
Para sa iba pang impormasyon ukol sa LearnCon PH 2023, basahin ang DepEd Memorandum No. 033, s. 2023 sa bit.ly/DM33S2023.