23/08/2022
Pinaniniwalaang bangkay ni Jovelyn itinuro ng suspek
Matapos ang dalawang linggong na missing at trending sa social media si Jovelyn Galleno sa Puerto Princesa, Palawan ay itinuro na ng isa sa mga suspek ang umanoy kinalalagyan ng bangkay nito at kalansay na itong inabutan ng otoridad.
Sa Purok Pulang, Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa na natagpuan ang katawan at kahit hindi na makilala ang bangkay ay may nakitang mga dokumento kagaya ng ID ng dalaga.
Ayon sa Police Station 2 ng Puerto Princesa na kinumperma umano ng ina ng biktima na mga gamit ni Jovelyn ang natagpuan hindi kalayuan kong saan nakita ang kalansay.
Gusto naman ipa DNA test ng pamilya ang kalansay sa kaliba ng kanilang pagluluksa.
Ang dalawang suspek ay nasa kamay na ngayon ng otoridad at umanin umano ang isa sa kanila na pinagsamantalahan ang biktima.
Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya at itinuturing na umanong case closed na ang kaso ni Jovelyn.
Naghihintay pa naman ang otoridad at pamilya ng dalaga sa resulta ng DNA test.