WATCH:
ISA PATAY DALAWA SUGATAN SA NAGANAP NA PAMAMARIL SA COTABATO CITY NGAYONG HAPON.
Nakilala ang nasawing biktima na si Ahmad Kanapia Utto, 20 anyos, driver, residente ng Barurao, Sultan Sa Barungis, Maguindanao del Sur sugatan naman ang kasama nitong si Marato Angkangat Felmin at isang by stander na isang senior citizen nasi Tahir Sam, 61 years old residente ng lungsod.
Ayon sa ulat galing ang mga biktima sa BARMM Government compound at pauwi na bandang alas 2:05 ng hapon lulan ng Toyota hilux color gray namay plate number LGB155 namay limang pasahero sa loob at lima sa labas ng bigla silang pagbabarili ng nag-iisang ssuspect gamit ng 45 caliber pistol.
Rido naman ang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa krimen matapos nakilala ng mga biktima ang suspek, gayunpaman patuloy pa ang malalim na imbestigasyon.
Ctto:
Tiwala si Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na magiging maayos at mabilis ang “midterm election” sa darating na May 12, 2025.
Itoy matapos nasubukan ang paggamit ng bagong Automated Counting Machine na gagamitin sa darating na halalan.
Kanina opisyal nang ipinakilala ng Commission on Election (COMELEC) sa idinaos na “Orientation of New Counting Machine” sa provincial capitol ng Cotabato Province ang ACM na gagamitin ng mga botante sa “voting polls.”
Pakay ng naturang aktibidad na bahagi ng “Automated Counting Machine Roadshow Kick-off Nationwide” na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na maunawaan ang kakayahan ng makina partikular na ang bagong “features, functions and operations” nito.
Ayon pa kay Kidapawan City Election Officer Atty. Noor Hafizullah M. Abdullah, ang ACM na gawa ng Korean company na Miru Systems ay may mataas na kakayahan upang basahin ang mga boto sa kabila ng hindi maayos na pisikal na estado ng papel o balota, “mapunit man, mabasa, may unnecessary marks at crumpled” ay kaya nitong bilangin, pati na ang “overvote at undervote,”.
Pinayuhan naman ni Gov. Mendoza ang lahat na “be careful,” maging mapagmatyag, at makiisa sa eleksyon.
Sa pahintulot ng COMELEC, personal namang sinubukan ng butihing gobernadora ang pagpasok ng balota sa “counting machine” na sinundan naman ng mga opisyales sa lalawigan pati na ang iba pang media personalities.
Nasa nabanggit na kaganapan sina board members Jonathan M. Tabara at Sittie Eljorie Antao-Balisi kasama sina Provincial Advisory Council (PAC) member at PGO-Managing Consultant Rene P. Villarico, PGO-Executive Assistant Jessie Enid, Kabacan Municipal Mayor Evangeline P. Guzman at ilang COMELEC employee.
tower clock na walang clock ng Kidapawan City huling masilayan ngayong gabi dahil titibagin na ito mamaya at papalitan ng traffic light
Watch: tatlong miyembro ng pamilyang Arif na taga Purok 5 Pob. Pres. Roxas Cotabato ang sugatan matapos nakabangga ang isang pampasaherong tricycle sa national highway ng Brgy. Lanao Kidapawan City ngayong hapon.
Bali ang kanang paa ng ama samantalang sugat din sa paa ang tinamo ng anak at asawa nito.
Ayon kay ginoong Arif, pauwi na sila mula nagpalaboratory test sa anak namay sakit sa Kidapawan Doctors Hospital ng biglang lumabas sa national highway ang tricycle galing sa isang eskinita.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga umikot ang tricycle at natumba naman ang motorcycle na sinasakyan ng pamilyang Arif.
LOOK: FANTASY FOOD PARK SA KABACAN COTABATO BUKAS NA.
Pinangunahan Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang pagbubukas ng ng Fantasy Food Park sa Quirino st. ng bayan
Sa kanyang mensahe binigyang diin ng alkalde mahalaga para sa kanya ang maging Masaya ang bawat pamilya Lalo na ngayong panahon.
WATCH : SUV bumangga sa poste ng COTELCO at isang bahay sa tabi ng National Hiway ng Barangay Kalaisan Kidapawan City ngayong hapon.
Wala namang may nasaktan sa pamilyang Sequiña sa Purok Caimito, Lower Kalaisan.
Subalit nagdulot ito ng pinsala sa bahay at pagkawala ng supply ng kuryente makaraang natumba ang poste.
Ligtas din ang driver ng SUV subalit nagdulot din ito ng matinding pinsala sa sasakyan.
🎥iko donna
@followers
Maswerteng minor injury lang ang tinamo ng biktima matapos nabundol ang aso
Watch: Aso ang dahilan kung bakit sumemplang ang isang motorista kaninang umaga sa Purok 2 Sto. Nino Kidapawan City.
Maswerte namang minor injury lang ang tinamo ng biktima
LOOK: Matapos ang pagluha, Hirap at pagod nakalikom ng pundong halos kalahating bilyong peso ang tanggapan ni Cotabato 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos para maisakatuparan ang halos dalawang dekadang pangarap na Central Mindanao Airport sa bayan ng M’lang, Cotabato.
Sa ginawang ground breaking ceremony para sa asphalt overlay ng runway kasama ang runway strip grade correction kanina inihayag ni Cong. Santos sa tulong nina Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza at House Speaker Martin Romualdez maisasakatuparan ang nasabing pangarap.
Kabilang sa popunduhan ang site acquisition; site development at construction ng open canal; rehabilitation ng passenger terminal building, construction of power house, construction ng vehicular parking area at construction of transformer yard.
Mula sa P150M na pundo naglaanan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P90M sa construction ng control tower building, P15M; construction ng fire station building, P20M construction ng administration building, P15M; para sa power supply system, at water supply system na P10M.
Sisimulan narin ang asphalt overlay of runway including runway strip grade correction na pinondohan ng abot sa P290M na bahagi ng P450M pondong inilaan ng pamahalaang nasyonal ngayong taon.
Limang taon mula ngayon inaasahang magiging operational na ang 104 ektaryang paliparan ayon kay Department of Transportation (DoTr) sa pangunguna ni Project Management Aviation and Airports Sector Head Eduardo Mangalili.
Biningyaan diin ni Cong. Santos, na tinatrabago na ngayon ang pagbabayad sa lupa mula sa mga private owner at ang pagproseso sa mga papeles dahil marami umanong nakapirma na hindi naman tunay na may-ari ng lupa.
LOOK!
Civilian na nakahuli sa umano’y carnapper sa kalye putol barangay Poblacion Kidapawan City tatanggap umano ng Php. 75,000 plus brand new motorcycle mula sa pamahalaang lungsod bilang reward money.
Ang suspek na isang menor de edad ay sumailalim na sa counseling ng City Social Welfare office.
Pero ayon sa City PNP sasampahan nila ito ng kaukulang kaso bukas.
Bago naiturn-over sa mga awtoridad ang suspek ay kinuyog ito ng mga mamamayan nakahuli sa kanya.
CTTO
Nakaranas ngayon ng high turbidity ang saguing Surface na isa sa source ng Metro Kidapawan Water District
Level ng tubig baha sa New bulatukan Bridge sa Makilala Cotabato nagsimula ng tumaas dahil sa bagyong Kristine