04/04/2023
Tanong ( Halal at Haram na hayop )
1.Tanong : Kumakalat po kasi na bawal daw ang Tamban o Tuyong isda, totoo ba ito?
Sagot : Hindi totoo, at ang nagsasabi lang niyan ay ang taong nagsawa na sa ulam na yan o kaya ay may galit sa isda na yan.
2.Tanong: Sabi nila bawal din daw ang Pusit?
Sagot : Hindi po bawal yan, dahil walang katibayan na nagbabawal dyan
3.Sabi nila bawal din daw ang alimango?
Sagot : Hindi rin bawal yan, dahil walang katibayan na nagbabawal dyan.
4.Tanong : Mayroon po bang katibayan na hindi bawal ang Tamban o Tuyong isda, alimango at pusit?
Sagot : Lahat ng lamang dagat at lawa ay pinahihintulutang kainin hanggat sa walang patunay na ito ay nakakala*on o hindi maganda sa kalusugan.
Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم
" الحِلُّ مَيتتُه"
"Lahat ng lamang dagat pati ang namatay dito ay Halal".
At kasama na dito ang laman ng lawa o batis.
Kabilang sa lamang dagat at lawa ay ang pusit, isda, alimango at ibapa.
Sinabi rin ng Allah :
قوله تعالى: أُحِلَّ لَكُمْ صَيْدُ الْبَحْرِ وَطَعَامُهُ مَتَاعًا لَكُمْ وَلِلسَّيَّارَةِ [المائدة: 96].
" Pinahintulutan sa inyo ang panghuhuli ng isda sa karagatan at pagkain mula sa mga anumang namatay mula rito..."
At Nagkaisa ang lahat ng mga Ulama na lahat ng lamang dagat ay halal maliban sa mga laman nito na naihahalintulad sa lamang lupa.
قال ابن حجر: (لا خلافَ بين العُلَماءِ في حِلِّ السَّمك على اختلافِ أنواعه، وإنَّما اختُلف فيما كان على صورة حيوان البرِّ كالآدميِّ والكَلب والخِنزيرِ والثُّعبان). ((فتح الباري)) (9/619).
Sinabi ni Ibn Hajar Rahimahullah : " Nagkaisa ang lahat ng Ulama na halal kainin ang anumang uri ng isda sa karagatan, maliban sa laman nito na kahalintulad ng lamang lupa gaya ng tao, a*o, baboy at ahas" ( Fathul Bariy)
5.Tanong : Bawal din daw kainin ang balot?
Sagot : Opo haram yan
6.Tanong : Bakit po haram eh itlog lang naman yan?
Sagot : Kung itlog lang sana ng manok o itik o pato ay halal ka*o may sisiw sa loob nito na hindi nakatay.
Sinabi ng Allah :
"حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ"
"Ipinagbawal sa inyo na kainin ang mga patay na hayop na hindi nakatay" Qur'an 5:3
7.Tanong : Bakit may nagsasabi na hindi daw haram ang balot?
Sagot : Huwag sundin ang kanyang sinasabi bagkus ang sundin ay ang sinabi ng Allah Allah.
8.Tanong : Ang itlog na Pinoy halal po ba o haram?
Sagot : Halal dahil wala naman sisiw sa loob nito.
9.Tanong : Nagbibigay daw kasi ng lakas at nagpapalakas ng tuhod, kaya pinanggagamot nalang, puwede po ba yun?
Sagot : Ang pagpapagamot ay pinahihintulutan basta hindi ito haram, at hindi naman kailangan ang balot para lumakas o lumakas ang tuhod, marami naman paraan o pagkain maliban dyan na hindi haram.
قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : ( فَتَدَاوَوْا وَلاَ تَدَاوَوْا بِحَرَامٍ ) رواه ابو داود
" sinabi ng Propeta Muhammad Sallallah Alayhi wasallam : At magpagamot kayo ngunit huwag kayong magpagamot sa pamamagitan ng haram o ipinagbabawal" Hadith Abu Daud
10.Tanong : Paano ko po malalaman na ang isang hayop ay haram o halal?
Sagot : Lahat ng lamang dagat at lawa ay halal hanggat walang patunay na ito ay nakakala*on o nakakasira ng kalusugan.
11.Tanong : Paano naman po ang lamang lupa, paano ko po malalaman na halal?
Sagot : Lahat ng hayop na apat ang paa ay halal maliban sa may mga pangil na ginagamit ang pangil nito sa paghuli niya ng mga hayop ay haram katulad ng lion, tiger,pusa, unggoy, a*o at ibapa.
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه، عَنِ النَّبِيِّ ﷺ قَالَ: كُلُّ ذِي نَابٍ مِنَ السِّبَاعِ فَأَكْلُهُ حَرَامٌ. رَوَاهُ مُسْلِمٌ
Naisalaysay ni AbuHurayrah Radiyallahu Anhu na ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay nagsabi : " Lahat ng hayop na may pangil na ginagamit nito sa paghuli niya ng hayop ay bawal kainin" Hadith Muslim
Maliban sa hayop na tinatawag na Hyenas dahil ito ay pinahintulotan ng Propeta صلى الله عليه وسلم
عَنْ ابْنِ أَبِي عَمَّارٍ قَالَ: قُلْتُ لِجَابِرٍ: الضَّبُعُ أَصَيْدٌ هِيَ؟ قَالَ: نَعَمْ. قُلْتُ: آكُلُهَا؟ قَالَ: نَعَمْ. قَالَ قُلْتُ: أَقَالَهُ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؟ قَالَ: نَعَمْ. رواه الترمذي وقال: هذا حديث حسن صحيح
Naisalaysay ni Ibn Abi Ammar kanyang sinabi : sinabi ko kay Jaber : Hinuhuli ba ang Hyenas? Sinabi niya : Oo, sinabi ko : Kakainin ko ba? Sabi niya : Oo, sinabi ko : sinabi ba ito ng propeta صلى الله عليه وسلم? Sinabi niya : Oo Hadith Attirmidhi
12.Lahat ba ng walang pangil na apat ang paa ay puwedeng kainin?
Sagot : Oo maliban sa Baboy dahil ipinagbawal ito sa Qur'an at ang alagang A**o o donkey ay haram din dahil ipinagbawal ito ng propeta صلى الله عليه وسلم at kanyang sinabi
"نهى عن لحوم الحمر الأهلية"
" Ipinagbawal ng Propeta صلى الله عليه وسلم ang pagkain ng alagang a**o"
13.Ibig ang hindi alaga ng mga tao na Donkey o A**o ay halal kainin?
Sagot : Opo halal kainin katulad ng Zebra o katulad pa nito na maiilap na donkey.
14.Paano naman po ang kabayo?
Sagot : Halal kainin ang kabayo ayun sa karamihan ng Ulama
وعن أسماء بنت أبي بكر رضي الله عنهما قالت : ( نحَرْنا على عهد النبي صلى الله عليه وسلم فرساً فأكلناه ) رواه البخاري (5191) ومسلم (1942) .
Naisalaysay ni Asmaa bint Abi Bak'r Radiyallahu Anha kanyang sinabi : Kumatay kami sa panahon ng Propet Sallallahu Alayhi Wasallam ng Kabayo at amin itong kinain"
Hadith Albukhari (5191) at Muslim ( 1942)
15. Paano kung ang isang kabayo ay mula sa anak ng donkey, halimbawa ang ama ay donkey at ang ina ay kabayo, o ang ama ay kabayo at ang ina naman ay Donkey, halal o haram po ba ang kanilang anak?
Sagot : Ang tawag sa kanilang anak ay بغل o Mula, ito po ay haram kainin.
16.Paano naman po ang buwaya?
Sagot : Ang karamihan sa Ulama ay nagsabi na ito ay Haram maliban sa mga iskolar ng Malikiyyah at ilang pananaw ng Hanabilah dahil ito daw ay halal.
Walang matibay na katibayan na nagbabawal dahil ang buwaya ay saklaw lamang ng hayop na nakatira sa tubig o dagat kung saan ipinahintulot ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasalam.
- Ganun pa man kung kaya mong kainin ay halal, nakadepende pa rin sayo kung kaya mong kainin.
16.Tanong : Paano naman ang palaka?
Sagot : Ang palaka at bawal kainin dahil ipinagbawal ng propeta sallallahu alayhi wasallam na ito ay patayin at gawing gamot.
: (أَنَّ طَبِيبًا سَأَلَ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ ضِفْدَعٍ يَجْعَلُهَا فِي دَوَاءٍ فَنَهَاهُ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ قَتْلِهَا) رواه أبو داود ( 3871 ) ، وصححه الألباني في " صحيح أبي داود " .
" Isang doktor ang nagtanong sa Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wasallam kaugnay sa palaka kung maaari ba itong gawing gamot, ngunit ipinagbawal ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam na ito ay patayin"
Hadith Abu Daud at Sahih Albaniy
- ibig sabihin kung bawal patayin ay bawal din kainin, ngunit kung kailangan patayin para pag-aralan sa medisina ay walang problema.
17.Paano naman ang pagong?
Sagot : Halal dahil pa*ok din ito sa mga hayop na nakatira sa dagat o tubig kung saan ipinahintulot ng Allah at Kanyang sugo na kainin.
18.Tanong : Paano naman po sa ibon?
Sagot : Lahat ng ibon ay halal maliban sa mga ibon na may mahahabang kuko na ginagamit sa panghuhuli ng hayop gaya ng agila at ibapa.
Dahil ipinagbawal ito ng Propeta صلى الله عليه وسلم
" وَكُلُّ ذِي مِخْلَبٍ مِنَ الطَّيْرِ "
" Ipinagbawal ng propeta صلى الله عليه وسلم ang pagkain ng lahat ng ibon na may mahahabang kuko na ginagamit sa paghuli ng hayop"
19.Tanong : Paano yung manok, pato, itik at kagaya nila na may mahabang kuko rin?
Sagot : halal dahil hindi naman nila ito ginagamit sa paghuli ng mga hayop.
20.Tanong : Mayroon bang ibon na maliban sa katangiang nabanggit na bawal kainin?
Sagot : Opo meron, yung ibon na inutos ng Propeta صلى الله عليه وسلم na patayin katulad ng tinatawag sa arabic na Heda-ah ( حدأة) o Kite sa english at uwak
Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم
"خمسٌ من الفواسق يُقتلن في الحلِّ والحرم: الغُراب، والحدأة......"
" Limang mapaminsalang mga hayop na dapat patayin maging sa Haram o Labas nito : Uwak at Heda-ah ( kite)...... .
21.Tanong : Paano naman yung ahas haram po ba?
Sagot : Lahat ng uri ng ahas ay haram dahil ipinag-utos ito ng Propeta صلى الله عليه وسلم na patayin ganun din ang daga dahil ipinag-utos niya rin na patayin.
Bagkus kabilang sa bawal kainin ay ang mga hayop na ipinagbawal ng Propeta صلى الله وسلم na patayin gaya ng ibon na Hoopoes,Ibon na Shrike, langgam, honey bees at palaka.
22.Ang mga insekto halal po ba katulad ng uod, ipis, butiki, daga, scorpion at ibapa?
Sagot : ipinagbawal ang pagkain ng mga insekto dahil sa ito ay marurumi at nakakadiri
Sinabi ng Allah
"ويحرم عليهم الخبائث"
" At ipinagbawal sa kanila ang mga marurumi"
Surah Al-a'araf 157
-Maliban sa tipaklong dahil ipinahintulot ito ng propeta صلى الله عليه وسلم na kainin.
عن ابْن أَبِي أَوْفَى رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: "غَزَوْنَا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ سَبْعَ غَزَوَاتٍ أَوْ سِتًّا، كُنَّا نَأْكُلُ مَعَهُ الجَرَادَ " رواه البخاري (5495) ، ومسلم (1952)، واللفظ للبخاري.
Naisalaysay ni Ibn Abi Awfaa Radiyallahu Anhuma,kanyang sinabi : Nakapaglaban kami ang Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam ng pito o anim na labanan, at kininakain namin noon kasama siya ang Tipaklong" Hadith Albukhari At Muslim
23.Tanong : Paano naman ang mga halal na hayop gaya ng manok, itik, pato at ibapa na ang ipinapakain sa kanila ay haram o bawal gaya ng karne ng baboy at iba pang maruruming mga bagay?
Sagot : Ang tawag dyan ay Jallalah o hayop na ipinapakain o kinakain ay haram o maruruming pagkain.
Ipinagbawal ito ng Propeta صلى الله عليه وسلم
"نهَى رسولُ الله صلَّى اللهُ عليه وسلَّم يومَ خيبرَ عَن لُحومِ الحُمُرِ الأهليَّة، وعن الجلَّالةِ "
" ipinagbawal ng Propeta sallallahu alayhi wasallam ang pagkain ng alagang a**o sa araw ng labanan sa. Khaybar at hayop na kumakain ng haram o maruruming bagay"
24.Wala na bang paraan na maging halal itong Jallalah?
Sagot : Pakainin mo lang ng mga halal o malilinis na pagkain at pagkatapos ay magiging halal na.
Paalala : Haram din kainin ang lahat ng hayop na inalay sa mga diyus-diyusan at mga hayop Na hindi nakatay at mga hayop na kinatay ng ibang Relihiyon maliban sa kinatay ng kristyano at hudyo, dahil ang hayop na kinatay ng kristyano at hudyo ay halal sa atin.
Sinabi ng Allah
" وَطَعَامُ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حِلٌّ لَّكُمْ وَطَعَامُكُمْ حِلٌّ لَّهُمْ"
" Ang mga kinatay na hayop ng mga Kristyani at Hudyo ay Pinahintulutan sa inyo at ang inyong mga kinatay na hayop ay pinahintulutan din aa kanila"
Surah Almaedah ayah 5
Wallahu A'alam
✍🏼 Ustadh Abdulrashid Angeles