19/01/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐
๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ช๐ท๐ป. ๐ซ๐๐
๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐
โ๐ง๐ข ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง!
Please ๐๐๐๐๐๐ the link form to ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐ฅ (๐น๐ฌ๐ญ๐น๐ฌ๐บ๐ฏ for additional ๐๐๐๐๐) and ๐ฆ๐๐๐ฅ๐! https://forms.gle/QsFeB3LDuThExwbo9
๐๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐๐๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐ญ ๐๐จ๐ซ๐๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐
Kami, bilang mga miyembro ng Filipino Guerilla Forces (FGF), retiradong sundalo ng AFP, retiradong pulis ng PNP, mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF), at mga ibang sektor ng lipunan na kumakatawan sa mamamayang Pilipino, ay sumusuporta sa ipinaglalaban ni Capt. Dado Enrique upang labanan ang katiwalian, kurapsyon at abusong nagyayari ngayon sa ating pamahalaan.
Ayon sa Seksyon 1, Artikulo II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas: โAng soberanya ay nananahan sa taumbayan at ang lahat ng kapangyarihang pampamahalaan ay nagmumula sa kanila.โ Malinaw din ang Seksyon 4, Artikulo III (Bill of Rights) na nagsasabing: โHindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.โ
Ngunit tila ang mga prinsipyong ito ay patuloy na binabalewala sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Ang katiwalian, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagsupil sa kalayaan, at kapabayaan sa kapakanan ng mamamayan ay nagiging mas talamak. Ang mga balitang nagpapakita ng malawakang korapsyon, pagpapayaman ng mga nasa kapangyarihan, at pagsikil sa boses ng taongbayan ay patunay ng bulok na sistemang umiiral sa ating pamahalaan.
Ang kasong โInciting to Seditionโ na isinampa ni PBGen Nicolas Torre III laban kay Capt. Dado Enrique ay isa lamang sa maraming halimbawa ng panunupil sa mga Pilipinong naninindigan laban sa katiwalian. Sa halip na harapin ng gobyerno ang mga kritisismo sa patas at transparent na paraan, mas pinipili nitong patahimikin ang mga kritiko. Ito ay malinaw na paglabag sa Seksyon 4, Artikulo III (Bill of Rights) ng Saligang Batas, na nagtitiyak sa kalayaan ng mamamayan na magsalita, magpahayag, at magtipon para magpetisyon laban sa mapang-abuso at kurap na pamahalaan.
Sa bisa ng kapangyarihan ng mamamayan ayon sa Seksyon 1, Artikulo II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, aming winawakasan ang termino ni PBGen Nicolas Torre III bilang tagasilbi at protektor ng mamamayan dahil sa tahasang pang-aabso sa kanyang kapangyarihan.
Ang laban ba ni Capt Dado na nagbigay daan upang marinig ang hinaing at sigaw ng taongbayan ay kasalanan na dapat kasuhan?
Mga Problema sa Katiwalian, Korapsyon, at Kawalan ng Hustisya na Isinisigaw ng mga Pilipino:
1. Ang Palihim na Pagplano sa Pondo ng Gobyerno - Ang kasalukuyang sistema ng โBicameral Conference Committee on Appropriationsโ ay nagaganap nang palihim, na taliwas sa prinsipyo ng transparency at accountability. Ang pagpaplano ng pondo ng gobyerno ay dapat isapubliko at buksan sa kritisismo ng mamamayan upang masiguro ang wastong paggamit nito.
2. P117 Bilyong Pondo ng PDIC - Ang โฑ117 bilyong pondo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), na dapat ay nagpoprotekta sa mga depositors, ay inilipat sa National Treasury ng Department of Finance nang walang malinaw na paliwanag.
3. Ang P75B Pondo ng LBP at DBP upang Pondohan ang Maharlika Investment Fund (MIF) - Ang International Monetary Fund (IMF) ay nagwarning na dapat ibalik ng gobyerno ang P75B sa LBP at DBP para sa kanilang โcapital restoration.โ
4. P250 Bilyon ng Maharlika Fund - Hanggang ngayon, walang malinaw na paliwanag kung saan napunta ang โฑ250 bilyong pondo ng Maharlika Fund, na itinulak ng administrasyong Marcos Jr. Dapat itong ipaliwanag sa publiko, dahil ang pondong ito ay mula sa buwis ng mamamayan at hindi maaaring paglaruan ng gobyerno.
5. Paglipat ng P60 Bilyong Pondo ng PhilHealth sa National Treasury - Ang pagkawala o paglipat ng โฑ60 bilyon mula sa pondo ng PhilHealth ay isang malinaw na halimbawa ng kawalan ng transparency sa pamahalaan. Kung hindi dahil sa reklamo ng mamamayan at desisyon ng Korte Suprema, ang natitirang โฑ28.9 bilyon ay maaaring tuluyan nang inilipat sa National Treasury..
6. Mahigit P500B Pondo para sa Flood Control Projects - Taun-taon, bilyon-bilyong pondo ang inilalagay sa flood control projects, ngunit walang nakikitang resulta. Ang patuloy na pagbaha sa ibaโt ibang bahagi ng bansa ay nagpapakita ng kawalang saysay ng mga proyektong ito. Ang pondong ito baโy napupunta lang sa komisyon ng mga tiwaling politiko at opisyal?
7. Ang kawalan ng transparency sa pagbebenta ng 24.9 toneladang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay nananatiling isang malaking isyu.
8. Pagtaas ng Utang ng Bansa - Mula sa P11.7 Trilyon noong 2022, ang utang ng Pilipinas ay tinatayang aabot na sa โฑ16.06 trilyon sa pagtatapos ng 2024. Habang nadaragdagan ang utang, ang mamamayan ay patuloy na naghihirap.
9. Kakulangan ng Trabaho at Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bilihin - Ang gobyerno ay patuloy na bigo sa pagbibigay ng sapat na trabaho sa mga Pilipino. Habang tumataas ang presyo ng pagkain, langis, at iba pang pangunahing bilihin, tila walang kongkretong solusyon ang administrasyon upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan.
Sabi ni Speaker Martin Romualdez sa kanyang privilege speech sa pagbubukas ng ikatlong sesyon ng 19th Congress:
โAccountability is not optional. Transparency is not negotiable. Those entrusted with public funds must be prepared to explain when it was disbursed and how these resources were utilized.โ
Ngunit ang tanong ng sambayanan: Lip service lang ba ito?
Kung talagang seryoso si Speaker Romualdez at ang Kongreso sa prinsipyo ng transparency at accountability, hamon namin sa kanya at sa buong kongreso na:
1. Buksan ang kanilang โbook of accountsโ pati na rin ang listahan ng mga nakatanggap ng ayuda gaya ng AKAP, AICS at TUPAD โ Ang publiko ay may karapatang malaman kung paano ginagastos ang pondo ng Kongreso.
2. Ipawalang-bisa ang Concurrent Resolution No. 10, na nagpapahintulot sa mga mambabatas na gumamit ng sertipikasyon lamang upang palabasing legal ang kanilang gastusin. Ang ganitong sistema ay direktang paglabag sa โgovernment accounting rules and regulations.โ
Mga Panawagan para sa Pagbabago:
1. Pagbubukas ng Pondo ng Gobyerno sa Publiko - Ang lahat ng pondo, kabilang ang pondo ng Kongreso, ay dapat gawing bukas para sa pagsusuri ng taumbayan. Ang transparency ay hindi dapat maging opsyonal.
2. Komprehensibong Audit ng COA - Hinihiling namin sa Commission on Audit (COA) na paigtingin ang Citizen Participatory Audit initiative upang magkaroon ng komprehensibo at independiyenteng pag-audit sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, kabilang na ang Kongreso.
Ang partisipasyon ng mga piling mamamayan ay mahalaga upang matiyak ang patas at maayos na proseso.
3. Pagbuwag sa Concurrent Resolution No. 10 - Dapat ipawalang-bisa ng Kongreso ang Concurrent Resolution No. 10 na nagpapahintulot sa mga mambabatas na gumamit ng sertipikasyon lamang upang ma-liquidate ang kanilang gastusin. Ang ganitong sistema ay bukas sa abuso at taliwas sa batas.
4. Pagbabago sa Sistema ng Pagbabalangkas ng Budget - Ang proseso ng pagbalangkas ng budget ay dapat gawing mas transparent at isapubliko. Ang kasalukuyang sistema ng Bicameral Conference Committee ay dapat maging transparent upang masigurong hindi ito nagagamit sa katiwalian.
Ang Kontrobersyal na โฑ6.326 Trilyong 2025 National Budget:
Ang โฑ6.326 trilyong budget na inaprubahan ng Pangulo para sa 2025 ay tinawag ng mga kritiko bilang "pinaka-corrupt na budget" sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito rin ay binansagang โpro-politiko at anti-peopleโ dahil sa bilyong bilyong pork barrel funds o โinsertionsโ na nakapaloob sa DPWH at iba pang departamento ng gobyerno, at mga programang pang ayuda na kontrolado ng mga politiko, gaya ng AKAP, TUPAD, AICS, kung saan ang pangunahing nakikinabang ay ang mga tiwaling politiko at opisyal ng pamahalaan imbis sa kapakanan ng taongbayan.
Sa 2025 budget, bilyon-bilyon ang ibinawas mula sa panukalang budget ng ibaโt ibang departamento at institusyon tulad ng Deped ( P12B ), Philhealth (zero budget dahil sa pagbawas ng government subsidy na P72B), DND at AFP (18B Modernization Fund) at marami pang iba upang dagdagan ang budget ng Kongreso at pondohan ang mga programa at proyekto ng mga kongresista at senador. Sa halip na gamitin ang budget para sa tunay na kapakanan ng mamamayan, tulad ng pagpapabuti sa sistema ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, o tulong sa mga magsasaka, senior citizens, at mga naghihirap itoโy nagiging instrumento ng pagbibigay ng pabor sa iilang nasa kapangyarihan. Ang ganitong uri ng paglustay ng yaman ng bayan ay malinaw na pagsasamantala sa kaban ng bayan.
Huling Panawagan at Sigaw ng Mamamayan:
Ang sigaw namin sa pamahalaan ni Pangulong Marcos Jr. at sa liderato ng Kongreso at Hudikatra ay malinaw: RESOLBAHIN ANG MGA PROBLEMANG ITO! Dahil kung hindi, ang taongbayan ang kikilos upang baguhin ang kasalukuyang bulok na sistema ng pamahalaan.
Hinihikayat namin ang lahatโmula sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, PNP, ibaโt ibang ahensya ng gobyerno, religious groups, magsasaka, manggagawa, kabataan, katutubo, mangingisda, transport groups, negosyante, at ang buong sambayananโna magkaisa sa layunin ng pagbabagong tunay na makadiyos, makatao, at makabayan.
Sa gabay ng ating Mahal na Panginoon, sama-sama naming inilagay ang aming mga pangalan kalakip ang manipestong ito bilang suporta kay CPT. Dado at upang iwaksi ang katiwalian at pang-aabuso ng mga politiko at opisyales ng pamahalaan.
Ibalik natin ang kapangyarihan sa bayan! Kitilin ang bulok na sistema! Palitan ito ng sistemang makatarungan at tunay na naglilingkod sa sambayanan!
Nasa kamay ng taumbayan ang tunay na pagbabago!
Mabuhay ang Pilipino!