Kawit Daily

Kawit Daily Fact-based, truth-driven, first in everything.

Ayon sa Bloomberg Billionaires Index, ang net worth ng Tech Mogul na si Elon Musk ay umabot na sa humigit-kumulang na $4...
12/12/2024

Ayon sa Bloomberg Billionaires Index, ang net worth ng Tech Mogul na si Elon Musk ay umabot na sa humigit-kumulang na $400 bilyong dolyar, o katumbas ng P23.4 trilyon sa Philippine peso.

Ang paglagong ito ay dahil sa pagtaas ng halaga ng shares ng Tesla, ang kompanya sa likod ng sikat na electric vehicle na kanyang pagmamay-ari. Si Musk ay kilala rin sa kanyang mga ambisyon sa space exploration sa pamamagitan ng kanyang kompanya na SpaceX.

Ang paglago ng yaman ni Musk ay itinuturing na makasaysayan dahil siya ang kauna-unahang tao sa modernong panahon na nakaabot ng yamang $400 bilyong dolyar.

11/12/2024

PANOORIN: Ang natatagong yaman na mangrove forest ng Kawit, Cavite.

jennuuuuhhh/TikTok

TIGNAN: Kaninang alas-12 ay naghatid ng tanghalian ang mga kawani ng Kawit MSWD, sa direktiba ni Mayor Angelo G. Aguinal...
11/12/2024

TIGNAN: Kaninang alas-12 ay naghatid ng tanghalian ang mga kawani ng Kawit MSWD, sa direktiba ni Mayor Angelo G. Aguinaldo, sa UCCP Binakayan upang may makain ang mga nasunugan.

Ayon sa datos, mahigit 200 katao ang kasalukuyang nananatili sa simbahan ng UCCP na naging biktima ng sunog sa Barangay Aplaya kahapon, Disyembre 10.

📸: Grace Gaudite Sabado

BABALA: SENSITIBONG LARAWANIsang malagim na aksidente ang naganap sa Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite kahapon, 8:30 ng ...
11/12/2024

BABALA: SENSITIBONG LARAWAN

Isang malagim na aksidente ang naganap sa Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite kahapon, 8:30 ng umaga, kung saan naputulan ng kamay ang isang lalaking siklista matapos maipit sa banggaan ng limang sasakyan.

Kinilala ang biktima na si Gerard Giron, 25 anyos. Samantala, ang driver ng baby bus na sangkot sa aksidente ay si Felizardo Zabal Ibiaz Jr., 61 anyos.

Batay sa ulat ng pulisya, patungo sana sa kanyang trabaho mula Rosario si Giron nang maganap ang insidente. Nabangga ng isang baby bus ang isang pampasaherong bus, na nauwi sa pagkaipit ng bisikleta ni Giron. Matapos nito, sumalpok din ang baby bus sa dalawang nakaparadang tricycle. Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang baby bus, dahilan ng sunud-sunod na disgrasya.

Kaagad na isinugod si Giron sa Saint Martin Hospital sa Noveleta para mabigyan ng paunang lunas at inilipat sa Orthopedic Hospital para sa mas masusing gamutan. Maliban sa kanya, tatlo pang tao ang nasugatan sa insidente, sina Nicolas Baja Jr., 62 anyos, tricycle driver; Ronnie Regino, 35 anyos, tricycle driver; at Roy Ibañez, 52 anyos.

Nahaharap ang driver ng baby bus sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injury and Multiple Damage to Property.

Naglunsad ng donation drive ang mga estudyante ng Emiliano Tria Tirona MNIHS - Barkada Kontra Droga Plus upang tumulong ...
11/12/2024

Naglunsad ng donation drive ang mga estudyante ng Emiliano Tria Tirona MNIHS - Barkada Kontra Droga Plus upang tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Aplaya kahapon, Disyembre 10. Layunin ng kanilang proyekto na makalikom ng mga damit at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga biktima ng sunog.

Ayon sa grupo, tumatanggap sila ng donasyon tulad ng maayos pang mga damit, inuming tubig, hygiene products, at bukas din sila sa pagtanggap ng pinansyal na tulong para sa pangunahing pangangailangan, tulad ng mga medical supplies. Hinimok nila ang mga Kawiteño na magbahagi, kahit maliit man, dahil malaking tulong ito para sa muling pagbangon ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

Para sa QR Code ng money transfer at iba pang impormasyon ng kanilang donation drive, i-click ang link ng kanilang Facebook post: https://www.facebook.com/bkdplusettmnihs/posts/pfbid02yyJGXt6c1ypVUUoq3kNhLX5meAZZtr6jYFfacTFGNvAohEZvkFS5x9zA8f8Efza5l

Agad na rumesponde si Kapitan Noriel Gonzaga ng Barangay Pulvorista sa sunog na naganap sa Barangay Aplaya noong Disyemb...
11/12/2024

Agad na rumesponde si Kapitan Noriel Gonzaga ng Barangay Pulvorista sa sunog na naganap sa Barangay Aplaya noong Disyembre 10. Kasama ang mga tauhan ng BFP Kawit, tumulong siya sa pag-apula ng apoy upang maiwasan ang pagkalat ng apoy sa mga kabahayan.

Ang naging aksyon ng kapitan ay pinuri ng mga residente, hindi lamang ng Barangay Aplaya kundi pati na rin ng mga residente ng ibang barangay. Patuloy namang nananawagan ng tulong ang mga biktima ng sunog para makabangon mula sa nangyaring sakuna.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang BFP Kawit sa naging sanhi ng sunog. Patuloy naman nagbibigay ng suporta ang Kawit LGU sa pangunguna ni Mayor Angelo G. Aguinaldo kasama ang pamunuan ng Aplaya para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan.

TIGNAN: Kagabi, Disyembre 10, nagpaabot si Councilor Armie Aguinaldo ng Jollibee meal sa UCCP Binakayan bilang hapunan p...
10/12/2024

TIGNAN: Kagabi, Disyembre 10, nagpaabot si Councilor Armie Aguinaldo ng Jollibee meal sa UCCP Binakayan bilang hapunan para sa mga nasunugan sa Barangay Aplaya.

Ang simbahan ng UCCP ang nagsisilbing evacuation site ng mga residenteng nasunugan sa naturang barangay.

Walang naisalbang gamit ang pamilya ni Irish Andaya matapos matupok ang kanilang tahanan sa nangyaring sunog sa Barangay...
10/12/2024

Walang naisalbang gamit ang pamilya ni Irish Andaya matapos matupok ang kanilang tahanan sa nangyaring sunog sa Barangay Aplaya kahapon, Disyembre 10.

Sa isang Facebook post, nanawagan naman ang kaniyang nobyo na si Nicke David ng tulong upang makabangon at makapagsimula muli ang pamilya ng kaniyang kasintahan.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaari i-message ang Facebook account ni Irish Andaya: https://www.facebook.com/ayreshhhhhh

📸: Nicke David

TIGNAN: Sitwasyon ngayong gabi sa UCCP Binakayan, Barangay Aplaya, kung saan ang simbahan ay ginawang evacuation center ...
10/12/2024

TIGNAN: Sitwasyon ngayong gabi sa UCCP Binakayan, Barangay Aplaya, kung saan ang simbahan ay ginawang evacuation center para sa mga nasunugan na residente ng Barangay Aplaya.

Nasa evacuation site na rin ang mga kawani ng Kawit MSWD, staff ni Mayor Angelo G. Aguinaldo, at staff ng opisina ni Konsehal Armie Aguinaldo upang magbigay ng pangunahing pangangailangan sa mga biktima ng nangyaring sunog.

Samantala, abala din ang pamunuan ng barangay sa pamumuno ni Kapitan Romel Valenton upang tutukan ang sitwasyon ng kanilang mga nasasakupan.

Naglabas ng opisyal na pahayag si Mayor Angelo G. Aguinaldo kaugnay ng sunog na naganap sa Barangay Aplaya. Humingi siya...
10/12/2024

Naglabas ng opisyal na pahayag si Mayor Angelo G. Aguinaldo kaugnay ng sunog na naganap sa Barangay Aplaya. Humingi siya ng pang-unawa sa publiko, lalo na sa mga dumaraan sa Zeus Intersection, dahil sa mabigat na daloy ng trapiko na dulot ng operasyon ng BFP at mga volunteer firefighters.

Ayon sa BFP Kawit, under control na ang sunog, ngunit nanawagan ang alkalde ng pag-unawa at suporta ng mga Kawiteño para sa kapakanan ng mga naapektuhan ng insidente.

"Maraming salamat po at ingat sa biyahe," ani Mayor Aguinaldo.

10/12/2024

PANOORIN: Kita sa video ang malaking apoy mula sa sunog na naganap sa Barangay Aplaya. Ang kuha ay mula kay Gio Jamir, na kinuha sa kahabaan ng Realica St., Barangay Kanluran.

🎥: Gio Jamir

Namataan din sa Barangay Aplaya sina Councilor Armie Aguinaldo, Councilor Jerry Jarin, at Councilor Alvin Bunag upang al...
10/12/2024

Namataan din sa Barangay Aplaya sina Councilor Armie Aguinaldo, Councilor Jerry Jarin, at Councilor Alvin Bunag upang alamin ang sitwasyon ng mga nasunugan.

Inabisuhan na din ni Councilor Aguinaldo ang kaniyang opisina na magpahatid ng agarang tulong sa mga nasunugan bilang Committee Chair ng Social Welfare Services.

TIGNAN: Hilera ng mga trak ng bumbero mula sa mga karatig bayan at siyudad ang nasa kahabaan ng Covelandia Road ngayong ...
10/12/2024

TIGNAN: Hilera ng mga trak ng bumbero mula sa mga karatig bayan at siyudad ang nasa kahabaan ng Covelandia Road ngayong hapon matapos na rumesponde sa nangyayaring sunog sa Barangay Aplaya.

Bayanihan ang ipinapakita ngayon ng mga residente ng Barangay Aplaya dahil sa nangyayaring sunog sa kanilang lugar. Pasa...
10/12/2024

Bayanihan ang ipinapakita ngayon ng mga residente ng Barangay Aplaya dahil sa nangyayaring sunog sa kanilang lugar. Pasa-pasahan ng mga balde ng tubig ang ginagawa ng mga tao upang mapabilis ang pag-apula ng apoy.

Isa sa mga namataan sa fire site ay si ABC President Kapitan Rossell Arellano ng Gahak, na isang volunteer firefighter ng Gahak Pumper PMFV.

As of 5:00 ng hapon, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Covelandia Road dahil sa nangyayaring sunog sa Barangay A...
10/12/2024

As of 5:00 ng hapon, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Covelandia Road dahil sa nangyayaring sunog sa Barangay Aplaya.

Ang mga motorista ay pinapayuhang iwasan ang naturang kalye at pansamantalang tahakin ang kahabaan ng Binakayan.

TIGNAN: Kasalukuyang nasusunog ang Barangay Aplaya ngayong hapon. Ayon sa BFP Kawit, itinaas na sa 2nd Alarm ang sitwasy...
10/12/2024

TIGNAN: Kasalukuyang nasusunog ang Barangay Aplaya ngayong hapon. Ayon sa BFP Kawit, itinaas na sa 2nd Alarm ang sitwasyon. Patuloy ang pag-apula sa apoy habang tuloy-tuloy ang pagdating ng mga trak ng bumbero upang tumulong sa operasyon.

BREAKING NEWS: BARANGAY APLAYA, KASALUKUYANG NASUSUNOG
10/12/2024

BREAKING NEWS: BARANGAY APLAYA, KASALUKUYANG NASUSUNOG

Itinulak ng bagong kasal na si PBA party-list Rep. Margarita Nograles-Almario at Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almar...
09/12/2024

Itinulak ng bagong kasal na si PBA party-list Rep. Margarita Nograles-Almario at Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario ang panukala na naglalayong gawing krimen ang troll farms at disinformation campaigns kaugnay ng halalan.

Layunin umano ng panukalang Anti-Troll Farm and Election Disinformation Act (House Bill 11178) na maproteksyunan ang eleksyon at mapanagot ang mga nasa likod ng paninira sa demokratikong prosesong ito.

Napapaloob sa panukala na patawan ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong at multang mula P500,000 hanggang P10 milyon ang mga nasa likod ng troll farms na nagpapakalat ng maling impormasyon. Ang mga kandidato na gumagamit ng mga troll farms ay maaaring madiskuwalipika at maaari ring papanagutin ang mga online platform na mabibigong alisin ang mga disinformation materials.

Ang Comelec, katuwang ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, ay inaatasan na bantayan at imbestigahan ang mga troll farms.

Samantala, ang Department of Education, Commission on Higher Education, at Department of Information and Communications Technology ay inaatasan na magsagawa ng educational campaign upang maturuan ang mga botante at hindi mapaniwala ng mga maling impormasyon.

Ipinunto ng lady solon na hindi lamang ang integridad ng eleksyon ang apektado sa pagpapakalat ng maling impormasyon ng mga trolls kundi maging ang reputasyon ng bansa.

Address

Kawit
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kawit Daily posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other News & Media Websites in Kawit

Show All