Chiklet's Kidney Transplant Journey

Chiklet's Kidney Transplant Journey This page is all about my dialysis ventures πŸ’‰, transplant progress 🫘, and other ganaps under the 🌞

Musta po kayong lahat??? Ako po eto ok naman.. waiting padin matawagan sa HOPE, and once in a while nagpupuntang NKTI pa...
12/06/2024

Musta po kayong lahat??? Ako po eto ok naman.. waiting padin matawagan sa HOPE, and once in a while nagpupuntang NKTI para sa gamot at laboratories..

Sa ngayon po nagrereseller ako ng RyxSkin Sincerity Inc. products kaya bili na kayo sakin para makadagdag sa pambili ng gamot at iba pang gastusin ☺️ compare nyo naman yung kulay ko sa mga tao sa likod, ryx lang yan! πŸ₯°

23/05/2024

Happy 4th birthday on dialysis πŸ₯°

13/02/2024

Alam kong naghihintay kayo ng update.. kaya eto na! πŸ₯°

13/02/2024

Magandang balita!

29/01/2024

Saka na po muna ko mag-uupdate pag talagang maayos na ang lahat.. feeling ko nauusog kasi e.. πŸ₯Ί

May we all be healed! Welcome 2024! πŸ₯³πŸ₯³πŸ₯³
01/01/2024

May we all be healed! Welcome 2024! πŸ₯³πŸ₯³πŸ₯³

I've received 500 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰
20/12/2023

I've received 500 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

‼️kalma lang po kayo‼️Story time muna πŸ“–Hello kidneybees 🫘 pakita ko lang sa inyo ang braso ko kung san ako nilagyan ng f...
11/12/2023

‼️kalma lang po kayo‼️

Story time muna πŸ“–

Hello kidneybees 🫘 pakita ko lang sa inyo ang braso ko kung san ako nilagyan ng fistula. 3 yrs ago nagstart na ko tusukan sa braso para sa access ko. Unti unti napapansin ko lumalaki sya, which is normal lang naman. Pinatingnan namin sa surgeon ko at ok naman daw ang ugat ko, maganda nga daw at malaki. Natatakot na sina mama noon at gusto na nila palipat ng kabilang braso dahil baka pumutok, pero ako ayoko πŸ˜… ayoko kasi parehas braso ko ang lagyan, ok nako jan at di naman ako bothered masyado kahit malaki.

Until last July mas lumaki pa sya jan sa nakikita nyo. Bigla din sya kumirot. Biglaan yun as in one day after dialysis sumakit na sya. Don ako nagdecide na gusto ko na ipatanggal at mag permcath na. Lumuwas kaming Pasig para sa operation. Sabay ako kinabitan ng permcath at pinatayan ng fistula. Don namin nalaman na may pseudoaneurysm ako, it generally results from repeated puncturing of the vein at the same site, leading to a bulging anatomical defect in the vein area. So ayun na nga po, kaya sya lumobo at sumakit.

After more than 4 months, ooperahan nako uli para alisin ang mga bukol sa braso ko. Ngayon lang natuloy kasi mababa hemoglobin ko dati, ngayon lang tumaas.

Excited nako πŸ₯° excited nako maalis to at maging maayos uli ang braso ko πŸ˜‡ malapit na ang operation at hihiling sana uli ako sa inyo na sana po ay isama nyo sa inyong mga dasal na maging successful ang aking operasyon πŸ™πŸ»

Maraming salamat po sa inyong oras at panalangin. Sa mga nais po uli magpaabot ng kanilang tulong, anumang halaga ay malugod po naming ipagpapasalamat pandagdag sa aming magagastos. πŸ™πŸ» Salamat po!

Gcash: 09662068121

10/12/2023

I want to give a huge shout-out to my top Stars senders. Thank you for all the support!

🌟 Alvin Mangoma 🌟

AT SA WAKAS!!Salamat sa Diyos! πŸ™πŸ» Hawak ko na ang nagpatagal pa sa matagal ko pang work-up, ang aking gastro clearance! ...
05/12/2023

AT SA WAKAS!!

Salamat sa Diyos! πŸ™πŸ» Hawak ko na ang nagpatagal pa sa matagal ko pang work-up, ang aking gastro clearance! Di ko inasahang maliit na papel at sulat kamay lang pala to. Pero gayunpaman, sobrang pagpapasalamat ko sa Diyos at nabigyan nako ng huling clearance na kailangan ko. πŸ˜‡ 6 na buwan ko to bago makuha, sobrang daming pagpabalik-balik sa opd ang nagawa ko, at sobrang daming pagkabigo ang nakuha ko. Salamat sa aking pamilya sa suporta na kanilang ibinibigay sa akin. Kay mama at kay Adrian na palagi akong sinasamahan sa ospital, kay papa at kay Ivy. At makakalimutan ko ba ang mga taong nagpaabot ng kanilang tulong malaki man o maliit na halaga, at mga nagdasal para sa magandang resulta at kaligtasan ko, maraming salamat sa inyo! πŸ™πŸ»

Ipapasa ko na lahat ng laboratories at procedure sa aking nephro, naghihintay lang ako ng ibibigay na schedule ng ospital. Kung anong sasabihin at ipapagawa ng nephro ay hindi ko pa po alam pero umaasa ako na madali nalang ang mga susunod na gagawin.

Kasabay nito ang nalalapit kong operasyon sa braso, dahil mataas na ang hemoglobin ko, pwede nadin ako operahan uli. Aalisin na ang bukol ng fistula sa braso ko. Ito man ay may kamahalan na naman pero naniniwala akong makakaya uli namin to. Maraming salamat po uli sa mga nais tumulong. πŸ™πŸ» Malaking halaga na naman ang kinakailangan. Pagpalain po kayo ng Diyos. Hindi ko man po maibalik ang mga halagang itinutulong nyo sa ngayon, pero kasama po kayo sa pinagdarasal ko palagi.

Yun lamang po sa ngayon. Maraming salamat po! πŸ˜‡

05/12/2023

Magandang araw! Eto nga po pala ang ganap ko pag dialysis 😷

Enjoy watching! Follow for more. ☺️

I've just reached 600 followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each and every one...
04/12/2023

I've just reached 600 followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each and every one of you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

Big shout out to my newest rising fans! Roberson Perfinan
03/12/2023

Big shout out to my newest rising fans! Roberson Perfinan

I've received 300 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰
03/12/2023

I've received 300 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

🌟🌲🌟
02/12/2023

🌟🌲🌟

Hello Kidneybees 🫘 tapos na po ang endoscopy ko πŸ˜‡ hay buti nalang tapos na. Bale may nakita pong konting ulcer at kontin...
29/11/2023

Hello Kidneybees 🫘 tapos na po ang endoscopy ko πŸ˜‡ hay buti nalang tapos na. Bale may nakita pong konting ulcer at konting almuranas sakin, niresetahan ako ng gamot at sabi naman ng dr ko mukang mabibigyan naman daw po ako ng clearance sa nkti dahil wala namang nakitang cancer. Magpapasched po ako sa nkti para humingi ng clearance sa gastro, tapos next naman sa nephro-in-charge sakin, and hopefully tapos na.

Once ok na, ipapaapprove na sa CTA yung papers ko then mapapalista nako. Then start na ng waiting game. Hindi pa po ako mattransplant, mahaba pa pong proseso, intay intay lang tayo at wag masyado excited baka maudlot πŸ˜…

Maraming salamat sa lahat po ng nagpaabot ng tulong nila, pati nadin sa mga nagdasal. Success po ang procedure. God bless po! πŸ™πŸ»

28/11/2023

Hi kidneybees 🫘 bukas na po ang aking procedure. Nag level up na po πŸ™ˆ aside sa colonoscopy e gagawin nadin po ang gastroscopy or upper endoscopy. Dalawa na po. Kaya nagmahal din ang gastos.

Sana wala pong makitang kakaiba at sana normal ang lahat para ma-clearance nako. Pagpray nyo po ako thank you! πŸ˜‡

I've received 200 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰
25/11/2023

I've received 200 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

Address

Kawit

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chiklet's Kidney Transplant Journey posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Chiklet's Kidney Transplant Journey:

Videos

Share