04/05/2022
LUHANG MAPANAKIT
Pinag mamasdan ang kalawakan sa gitna ng dilim
Di maalinag ang tunay na kulay ng kapaligiran
Hinahanap ang liwanag sa aking dako
Subalit itim at kulay abong kalawakan lamang ang namasid
Sa gitna ng kadiliman ng kapaligiran
Isang adhikain sa aking agam agam ang lumitaw
Na nag pasikip ng aking dibdib
Nag banta sa akin ng hinagpis
Sa kabila ng taimtim na gabi
Umagos Ang luha ng di inaasahan
Nang sumagi sa aking isipan ang katagang
" What are you expecting to say?"
Oo nga naman, sa Dami ng ekspektasyon ko
Wala aKong maabot ni isa
Pati man lang sa taong ,akala ko syA na
Indi pala, o baka nag kamali lang talaga ako
Sinubukan Kong pigilan Ang aKong mga luha
Pero di ko kinaya
Mga kirot sa aking dibdib ,di' mapukaw
Tinik sa aking dibdib, ayaw lumisan
Madilim Kong gabi
Sinabayan ng ulan
Aking pag hihinagpis
Mas lalo Kong di napigilan
Gumawa ako ng sarili Kong Mundo
Kung saan ,makikita ko Ang sarili ko sa kasiyahan
Kung saan, pwede Kong matakbuhan Ang reyalidad
Kung saan , makakahanap ako ng katuwang
Subalit lahat ng 'yon ay unti unti nang nag lalaho
Masakit ,sobrang sakit
Nag kamali ako sa Pag gawa ng sarili Kong mundo
Napasobrahan ko atah.
Habang lumalalim Ang gabi
Pag agos ng mga luha'y tuloy tuloy padin
Di mapigilang tanawin ang kahapon g kaysa
Ang kahapong Wala pang mga luha.
Oh aking luha!!!
Nais kong tumahan
Mas lalo lang aKong nasasaktan
Tumigil ka na.
Kahapon ay kahapon
Kàya pwede ba,
Burahin mo na sa'king alaala
Ang mga yaon ??
Dahil sa bawat patak ng luha
Alaalang Kay tamis ay nababalikan
Mas sumisidhi lamang ang damdaming nalugmok
Sumisikip lang lalo Ang dibdib.
Pinipilit Kong tumahan
Sinabi sa sarili
"Nawa'y bukas malimutan ko na Ang kahapon"
"Mawaglit na Ang aking mga alaala sa mga daan"
Luha ko'y tunay ngang mapanakit
Nagiging dahilan ng pagsikip ng dibdib
Pag pukaw ng diwa sa kahapong kày saya
Na nag dudulot ng paghihinagpis sa kasalukuyan.