Tinta at Tula

Tinta at Tula tambayan ng mahilig magbasa❤


ACCEPTING REQUEST.

20/03/2024

OPEN FOR REQUEST PO ;

GUMAGAWA PO AKO NG TULA OR KAHIT KANTA(lovesong) ANYTHING PO BASTA PAGDATING SA PAGSULAT PO.

20/03/2024

NAPIPILITAN KALANG BA
(kwentong magkakaibigan)

Maaari bang sayo'y magtanong,
sagutin mo sana't wag ibulong,
ibulong sa iba pagkat alam kona,
gusto kolang marinig sayo kung gusto moba kaming kasama.

Tanda kopa nung unang tayo'y mag kross ng landas,
mag-isa ka't walang nagdadahas,
kausapin ka't kaibiganin,
kaya't kaming magbabarkada'y lumapit upang ika'y kausapin.

Sa pagtagal ng araw ika'y tuluyan ng sinali sa pagkakaibigan,
tinuring kang kapatid tulad ng aking ibang kaibigan,
naging takbuhan mo kami kapag ika'y nangangailangan,
kami naman itong nandito lagi at ikay sinusuportahan.

Subalit ang masaya nating samahan,
hindi rin nagtagal pagkat dimo pinahalagahan,
gusto mo parin ang dati mong kaibigan,
sa lugar kung san ka dating nag-aral.

Napipilitan kalang bang sumama sa amin,
napipilitan kalang ba dahil,
dahil kami lang ang kilala mo o dahil wala kang ibang makasama,
huwag ng magsinungaling ramdam ka namin.

Ikaw ay sobrang nakakatampo,
ito kaming nandito kasama mo,
ngunit dimo napapahalagahan parang dimo nakikita kahit anino,
sobra sobra kung baliwalain mo.

Malaya kang kumalas kung 'yon ang iyong gusto,
di kami nagkulang bilang kaibigan mo,
ngunit malaya ka ring kung kami'y lalapitan mo,
pagkat ika'y kaibigan parin ang turing namin sayo.

REQUEST: Renz Macalalay Bautista💛

20/03/2024

KAHIT MALAYO KA

Alam mo ba ang kahulugan ng tunay na pag-ibig,
hahamakin ang lahat para sa iniibig,
di nagpapatinag sa kahit na anong balakid,
handang maghintay at handang magtiis .

Aking mahal na nasa malayo,
mahal kita kahit pa malayo ka,
maghintay sa pagbabalik mo 'y ako'y handa,
ang saktan ka'y diko magagawa.

Kahit na libo libong metro ang ating distansya,
maraming dagat bundok ang pagitan nating dalawa,
handa akong hintayin ka,
di magpapatukso sa iba.

Ang umibig sa iba'y diko magagawa,
pagkat tapat ako sa ating pangako sa isa't isa,
nandito lang ako hinihintay ka,
ganyan aking pag-ibig hihintayin kita kahit umabot ng taon pagkat mahal ka.

Araw-araw hinihiling sa maykapal,
na sana'y dumating na ang araw,
ang araw na ika'y muling masisilayan mahahagkan at makakamtan,
nang muli tayong pumasyal sa lugar kung san tayo nagsumpaan sa lugar ng ating tagpuan.

REQUEST:Jamaica Y Pisical 💛

20/03/2024

HANGGANG DITO NALANG BA

Kamusta ka aking sinta?
masaya kaba sino na ba ang iyong kasama,
sino na ba ang dahilang ng iyong pagligaya,
hindi monaba ako na aalala.

Nais kolang sanang matanong,
bakit iniwan mo ko sa ganitong sitwasyon,
diko matanggap tila ba ako'y nasa imahinasyon,
pagkat di man lang nakatanggap sayo ng sapat na eksplanasyon.

Iniwan mo ng biglaan,
aaminin ko ito'y aking hindi inaasahan,
sinubukang suyuin ka tawagan ka kausapin ka,
ngunit ako'y parang wala lang dinaanan lang parang dimo na kilala.

Hanggang dito nalang ba,
mayroon nabang iba,
maraming beses ng sinubukang kausapin ka,
ngunit ganon karami rin ang natanggap kong pambabaliwala.

Maari bang kahit sa huling sandali'y makausap ka,
pakiusap ng ako'y tuluyang makawala na,
pagkat aaminin ko ako'y naririto parin hinihintay ka,
sabihin mo sakin kung talagang wala ng sa gayo'y sa ating nabuong samahan pagmamahalan ay makawala na.

REQUEST: Rome Pacheco

20/03/2024

PAGHIHIRAP

Kahirapan isa sa problema ng karamihan,
mahirap lutasin at hindi lang,
hindi makompleto ang pangangailangan,
kaya't maswerte ang tawag sa ibang taong di rito nabibilang.

Ako'y isa nakararanas ng kahirapan,
ngunit diko kinakahiya bagkus ito'y nagiging aking sandigan,
upang maturuang mabuti ang sariling lumaban sa lahat ng hamon sa buhay,
upang piliing magpursigi't umahon sa kahirapan.

Diko kinakahiyang ako'y mahirap lamang,
pagkat para sa akin ako ang pinakaswerte sa magulang,
silang nandyan upang itaguyod ako kahit nahihirapan,
silang nandyan na upang lumakas ang puso kong napanghihinaan.

Mababa ang sahod
minsan kinakapos,
ngunit aking ama'y madiskarte upang kami'y mairaos,
pagmamahal ng aking ama'y sibrang lubos,
kaya't pinapangako kong ako'y magtatapos.

Huwag kang mag alala ama,
mahirap sa ngayon at ikaw muna,
pag sa pag-aarala ako'y nakatapos,
kahirapan nati'y matatapos masasabi konaring ako na ama ito na ang oras para ika'y magpahinga't magsaya.

REQUEST: Ruchell Ann💛

20/03/2024

BAKIT DI AKO

Maaari bang magtanong?
kahit saglit pansamantala o kahit ngayon,
dahil tila dala ko parin ang sakit ng noon,
di mo manlang sinabi kung bakit ka nagkaganon.

Akala koba mahal mo rin ako,
diba't sinabi moyan nung umamin ako,
ngunit bakit tila ika'y nagbago,
dika na tulad dati iniwasan monako.

Kung dati madalas ako ang kasama mo,
ako ang takbuhan mo,
ngunit ngayon biglang nagbago,
pakiramdam ko'y nasa ere't iniwan mo.

Bakit hindi ako,
hindi ako piniling tama kung itrato,
hindi ako piniling mahalin pabalik gaya ng pagmamahal ko,
hindi ako napagbigyan ng pagkakataong ipakita iparamdam ang kahulugan ng mahal kitang sinabi ko.

Bakit kung kailan inamin na sa isa't isang mahal mo ko at mahal kita,
saka ka pa biglang lumayo nawala,
Ayokong isiping hanggang kaibigan mo lang ako,
pagkat tumatak na sakin ang sinabi mong mahal mo ako.

Request: Zcharina Aesha thankyouuu💛

20/03/2024

PANGALAWANG MAGULANG

Sinasabing ang g**o'y ating pangalawang magulang,
tunay kung sila'y magmahal,
magtuturo satin at gagabay,
ituturo satin mga bagay na dipa natin alam.

Ako ay may nais lang ipaalam,
sa aking g**o na sya'ng,
pinaka aking mamahal,
at syang pinakamatibay na aking hinahangaan.

Aking g**o,
isa sa nagpapatawa sa tulad kong problemado,
isa sa nagpapakalma sa puso kong tuliro,
isa sa nagmamahal sakin na tila naiiwan ng mundo.

Sa iyong pananatili tila may nagbago sakin,
naging masiyahin ang dating malungkutin,
nakakalimot sa problema kapag ika'y kapiling,
mga mata'y tumatahan sa munti mong awitin.

Ako'y humahanga sayo,
aking pinakamamahal na g**o,
pagkat isa ka sa naririto,
para makinig, awitan,pasayahin,at damayan akoo.

REQUEST:Rose Marie E. Andes thankyouuu💛

19/03/2024

LOVING YOU FROM AFAR MY STARS

Nang unang masilayan ang iyong ngiti,
sya ring di maiwasang pag ngiti ng aking labi,
mata mong nakakatunaw kung tumitig,
puso ko'y nag-uunahang pumintig.

Handang tumungo kung saan ka naro'n,
nang makita ang saya't sigla sayo ng panahon,
ang makita ka'y diko kayang huminahon,
sa sobrang saya humihiyaw sumisigaw na parang alon.

Ako'y isang tagahanga mo sa malayo,
malayo ang agwat ng ating buhay at malabo,
malabong mapansin sa dami namin,
ngunit ako'y tagahanga mo parin di manghihinayang kung lahat ng oras sayo'y ubusin.

Ako'y tagahanga mo sa malayo,
mahal ka mula sa malayo,
pasimple ang tingin sayo mahal ko,
at kung sakaling mapansin mo daig kopa ang nanalo.

Kahit napakataas mo aking bituin,
pasimple akong mamahalin kaparin,
ang iyong maamong mukha parin,
kahit nasa malayo'y hahangaan kaparin.

REQUEST:Niel Allyza Dado thankyouu💛

19/03/2024

OPENING FOR REQUEST PO💛

17/11/2023

S'YA PARIN BA

Mahal, maaari mo ba akong tignan sa mukha,
Maaari bang titigan ang iyong mata,
Sapagkat maaaring do'n ko makuha,
Ang sagot kung sya parin ba.

Ilang araw,ilang buwan, ilang taon,
Na pinaubaya ka sakin ng panahon,
At ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon,
Ngunit bakit tila sya parin hanggang ngayon.

Hindi ba't sinabi mong yon ang huling pag uusap niyo na,
Ngunit bakit tila hindi mo kaya,
Hindi ba't sinabi mong Hindi muna uulitin pa,
Ngunit bakit hanggang ngayon kausap mo parin sya

Maaari bang linawin muna,
Pagkat puso't isip ko'y sasabog na,
Makakatulog ng dahil pagod sa pagluha,
At gigising ng namumugto ang mga Mata.

Ayoko isipin na opsyon molang ako,
Ayoko isipin na kailangan molang ako,
Ayoko isipin na ako ang kasama mo pero sya ang mahal mo
Subalit lahat ng yan ang nararamdaman ko.

Ang sakit sakit na, ang hirap hirap na
Maaari bang sabihin mo aminin mo kung sya parin ba,
Dahil sa bawat tanong kung kaya kopa ba,
Ang laging sagot ay kakayanin dahil mahal kita.

SALAMATT SA NAG REQUEST.

12/11/2023

BUWAN AT BITUIN

Gaya ng sa buwan at bituin
ang mga nangyari sa atin
buwan na lumisan gaya mo
alaala nating gaya ng bituin libo-libo

ika'y tulad ng buwan
kay ganda pagmasdan
mapang akit kung minsan
nagbibigay ng liwanag sa madilim kong daan

gaya ng buwan
ika'y agad ding lumisan pagdating ng araw
na kahit san hanapin
di matagpuan

mga alaala natin
gaya ng bituin
di mabilang bilang
sa karamihan

may isa akong napagtanto
kahit gaano karami pang alaala
darating at darating ang araw na
ito'y mababaliwala na.

gaya ng buwan at bituin
darating at darating ang oras na ika'y mawawala rin sa akin
gaya ng buwan at bituin
ikaw at alaala natin sabay din akong lilisanin.

12/11/2023

HINDI KO KAYANG IWAN KA

Mahal,
tanda mo pa ba kung pano tayo nagsimula.
kung gaano tayo kasaya,
kung paano mo ko ni-trato nung una.

Ganito na ba talaga,
iiwan mona ba talaga akong mag-isa.
Akala koba sabay tayong lalaban,
magkasama tayo magpakailanman.

Hindi ba't sabay tayong nangarap,
magkasamang umahon kahit gaano kahirap.
Bakit tila lahat bumaliktad,
iiwan mo ko ng agad-agad.

Akala ko ba lahat kakayanin mo,
basta't magkasama lang tayo.
Subalit bakit isang pagsubok lang,
sumuko kana agad.

Mahal,
handa akong gawin lahat.
handa akong mamarkahan ng sugat,
kahit masabihan pa ng hindi ako sapat.

Pwede bang wag kang umalis,
wag mong daanin sa paraan mong napakabilis.
pwede bang wag ka muna lumihis,
mag isip ka muna saglit.

Hindi ko kayang maiwan mag-isa,
handa akong lumaban mag-isa.
wala mang kasiguraduhan,
kung kakapit kapa ba.

Hindi ko kayang wala ka,
Hindi ko kayang maiwan mag isa,
Hindi ko kayang iwan ka,
Hindi ko kaya.

Maaari bang hayaan mo kong mahalin ka,
hayaan mo kong yakapin ka,
pagkat mula nung dumating ka,
ikaw ang aking naging pahinga.

request: YEN JEN💛

11/11/2023

KALUNGKUTAN

Umagang puno ng kasiyahan,
gabing puno ng kalungkutan.
Maghapong magpapanggap na nakangiti,
sa pagsapit ng dilim ilalabas ang sakit at hapdi.

umagang masaya kunwari,
gabing kalungkutan ang namumutawi.
ngiting abot tenga kung kaharap sila,
luhang nag uunahan sa pagpatak sa twing mag isa.

Kung kaya't dinadala lagi ng sariling paa,
sa dalampasigan at umupo ng mag isa.
Pinagmamasdan ang bawat hampas ng alon,
upang kahit papano nagiging mahinahon.

At sa paglubog ng araw,
pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan.
ang pasang pasang kalungkutan,
kahit papano nababawasan gumagaan.

Uuwi ng may ngiti,
ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
ngiti ay agad ding napapawi,
nasasaktang muli.

Naging masaya sandali,
ngunit agad ding napapawi.
naging masaya sandali,
kapalit ay muling paghikbi.

Mag isang lumalaban,
tikom ang bibig sa karamihan.
kinakayang mag isa,
kung sa gayon walang masabi ang iba.

__j-queen.

Address

LONGOS
Kalayaan

Telephone

+639207995505

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tinta at Tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share


Other Digital creator in Kalayaan

Show All