08/10/2024
Pambansang Kolokoy, sinisi ang kanyang dating partner na si Miss Grace sa pagbagsak ng kanyang karera.
Hindi naitago ni Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy ang kanyang pagkadismaya sa naging resulta ng umano'y paninira raw sa kanya ng kanyang dating partner na si Grace Mondia a.k.a Marites o Miss Grace.
"Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo sa social media para bumagsak ako, then dare you goes, congratulations, bumagsak ang social media ko. Halos wala na akong kitain,"
"Kaya mas pinili ko nalang na mag-stay dito sa Pilipinas, atleast dito may raket ako. Para ma-sustentuhan ko 'yong mga anak ko sa'yo,"
Dagdag pa niya na hindi siya nagtaksil sa kanyang asawa.
"Bago pa kita iniwan, nag file ka na ng divorce. Kaso nung nalaman mong nakikipag-date na ako, may kinakausap na ako, kinansel mo yang divorce na yan. Yan ang katotohanan,"