13/11/2024
Good evening po sa ating lahat! Mabilisang weather update po tayo.
Ayon po sa 8:00 PM report ng DOST PAGASA ngayong gabi (13 Nov 2024), isa pa rin po ang Bayan ng Angadanan sa mga nakapasa-ilalim sa TCWS Signal No. 1 sa lalawigan ng Isabela.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 37, AWTOMATIKONG WALANG PASOK ANG PRESCHOOL HANGGANG SENIOR SCHOOL BUKAS (14 Nov 2024).
Para naman po sa kolehiyo, susundin po natin ang Memorandum No. 229, s. 2024 mula sa inyong University President sa ISU.
Ibig sabihin, WALA PONG PASOK MULA ANTAS (Preschool hanggang College) BUKAS (14 Nov. 2024).
Sa mga nagtatanong po kung kailan magkakaroon ng kuryente, kasalukuyan pa din pong ginagawa ng ISELCO I ang mga poste na natumba sa ating bayan. Inaasahan po na hanggang Biyernes ay maibabalik po ang kuryente sa atin.
Tuluy-tuloy po ang mga updates natin tungkol kay Bagyong Ofel. Ingat po tayong lahat!
Local Government Unit of Angadanan