13/11/2025
๐๐๐๐ฆ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ด๐โ๐๐ ๐๐ก ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐, ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ท๐๐๐น 2025
Binuksan ang Division Science and Technology Fair (DSTF) 2025 sa pangunguna ni Schools Division Superintendent, Benedicta B. Gamatero, kasama ang mga tagapangasiwa ng Agham at Matematika na sina Gng. Cresencia M. Na-oy, G. Emmanuel C. Ubuan, sa Tabuk City National High School (TCNHS) covered court, Nob. 13.
Lumahok sa nasabing patimpalak ang Tabuk City National High School(TCNHS) at Kalinga National High School (KNHS), kung saan tampok ang ibaโt ibang kategorya tulad ng Science Investigatory Project, Science Innovation Expo, Robotics, Mathematical Computational Sciences, at Mathematical Investigatory Project.
Ang DSTF ay isang kaganapan kung saan ipinapakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga proyektong pang-agham at inobasyon, na madalas na nakikipagkumpetensya sa mga kategorya tulad ng pisika, kimika, biyolohiya, at agham pangkompyuter.
Ayon kay Gamatero, โgusto natin laging mag-innovate at lagi nating gustong patunayan na kung ano ang iniisip natin, tulad ng mga konsepto at iba pang theorya, ay dapat nating patunayanโ,
Dagdag niya ,โBinabati ko kayong mga mananaliksik. kayo ang laman at dugo ng mga mananaliksik sa dibisyon ng paaralan ng Tabuk City.โ
Naghatid naman si G. Joselito B. Cabello, punongg**o ng TCNHS, ng motibasyon para sa mga kalahok na ipagpatuloy nila ang pag-aabot ng kanilang mga pangarap.
Ipinakilala ang mga hurado sa nasabing kompetisyon na sina Mark Joby T. Aguilar at Arjay B. Bedaรฑa , IT mula sa Kalinga State University, at si Gemmaline C. Bumanglag, Public School District Supervisor (PSDS).
Umikot ang nasabing programa sa temang โHarnessing the Unknown: Powering the Future through Science and Innovationโ.
๐๏ธ๐ฏ๐๐พ๐๐ฝ๐ถ โ๐ถ๐๐ถ๐น
๐๐๐น๐โฏ๐ ๐ฌ๐๐พ๐๐พโด
๐ธ๐๐ฎ๐ช๐ท ๐๐ช๐ธ-๐ฒ๐ญ๐ช๐ท๐ฐ ๐ช๐ฝ ๐๐ฒ๐ช๐ท ๐๐ช๐ฐ๐ธ๐ฑ๐ธ๐