11/11/2023
SPVIHS ballers nabigong sungkitin ang kampeonato
Sa isang matindi at mahirap na tunggalian sa larong Basketball, nagpamalas ng magandang laro ang koponan ng Saint Paul Vocational Industrial High School laban sa San Pablo National High School. Naganap ito sa Community Park ng Bungad, San Pablo nitong ika-11 ng Nobyembre.
Una, ang dalawang pangkat ay sariwa sa umpisa ng laro, binabasa at ikinakalkula ang isa't isa. Unang laro pa lamang ay nagpakitang-gilas na si Baloloy na naka 3 points shot koponan ng SPNHS, napasigaw naman ang kanyang mga tagahanga sa kanyang ipinamalas.
Gayunpaman, naging alisto ang koponan ng SPVIHS kaya naman sila ay agad ng bumawi ng dalawang (2) pintos.
Sa kalagitnaan ng kwarter, tuloy ang kanilang mainit na tunggalian, nangibabaw ang iskor ng koponan ng SPNHS dahil sa bilis ng pag depensa at pag puntos nito. Naging kampante nag koponan ng SPNHS sa natirang minuto para sa unang kwarter kaya naman napabayaan nila ang kanilang depensa at naging dahilan kung kaya't nakahabol ng puntos ang koponan ng SPVIHS. Natapos ang unang kwarter sa 22-18 na pinangunahan ng SPNHS.
Sa ikalawang kwarter, nagpakitang-gikas naman si Turaray koponan ng SPVIHS na kanyang mala-bakulaw bilis at agresibong laro na kinagulat ng kanyang kalaban na sanhi din ng ilang beses na foul nila kay Turaray. Nang dahil sa mga free throw ng koponan ng SPVIHS, nagbigay ito ng malaking tulong upang mahabol ang puntos ng kalaban. Binigay din ng mga kasama niya ang kanilang makakaya upang masabayan ang kabilang pangkat. Natapos ang ikalawang kwarter sa 42-37 na pinangunahan parin ng SPNHS.
Pangatlong kwarter, dahil sa matindi at mabigat na pag-depensa ng dalawang pangkat sa nakaraan na kwarter, labis na pagod ang naramdaman ng mga manlalaro dahilan ng ilang beses na substitution ang naganap.
Sa kalagitnaan ng laro, nakatatlong puntos ang isa sa magaling na manlalaro ng SPVIHS na si Quebalayan, pagkatapos makuha ang puntos ay pilay ang kanyang isang paa sanhi nang hindi na siya makasali sa buong laro. Ang pagpapalit-palit ng manlalaro ay nagpanatili sa agwat ng kanilang puntos laban sa katunggali nito . Natapos ang ikatlong kwarter sa 64-58, limang puntos ang limang walang pinagkaiba kanina. Pinangunahan parin ng SPNHS.
Huling kwarter, muling pumasok o bumalik na ang mga napagod na manlalaro dahil nakakuha na sila ng sapat na lakas. Nag simula na ang sinasabing "die hard" na laro, ang mga dalawang komponan binigay ang kanilang huling lakas sa pag-depensa at pag-puntos.
Sunod-sunod ang dalawang puntos na binigay ni Babao, Mamauag at Villaverde na kinagulat ng pangkat ng SPNHS na naging dahilan kung kaya't napatawag sila ng Time - out. Sa natirang minuto Ng laro, na out of focus na ang koponan ng SPVIHS at napagod na rin. Gayunpaman , hinde parin sila sumuko at pinagpatuloy nila ang paglalaro. Sa huli, nanalo ang komponan ng SPNHS na 90-83.