Ai Ka

Ai Ka When the time is right, I, THE LORD, will make it happen. Isaiah 60:22
🌷✨🎀

06/11/2024

゚viral

29/10/2024

Happy ang bebelabs 💖
゚viral

27/10/2024

Cleaning... cleaning... 🧹🧴🧽
゚viral

🇯​​🇦​​🇵​​🇦​​🇳​ ⛩️🇯🇵🏯👘🗼Ang tanka ay isang tula sa Japan na may limang taludtod lamang. Ang karaniwang sukat ng mga taludt...
02/10/2024

🇯​​🇦​​🇵​​🇦​​🇳​ ⛩️🇯🇵🏯👘🗼

Ang tanka ay isang tula sa Japan na may limang taludtod lamang. Ang karaniwang sukat ng mga taludtod nito ay 5-7-5-7-7, at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, pagbabago, at pag-iisa.

Ang haiku naman ay isa ring tula sa Japan na mas maikli pa kaysa tanka. Ito ay binubuo ng tatlong linya at ang karaniwang sukat ng mga taludtod ay 5-7-5. Karaniwang paksa ay tungkol sa pag-ibig at kalikasan.

📸:ctto

TIYO SIMON ni N.P.S. ToribioAng gintong aral na makukuha at matututunan sa dulang Tiyo Simon ay pagkakaroon natin ng mat...
02/10/2024

TIYO SIMON ni N.P.S. Toribio
Ang gintong aral na makukuha at matututunan sa dulang Tiyo Simon ay pagkakaroon natin ng matibay na tiwala sa Panginoon, sapagkat may mga bagay na hindi natin kontrolado at kung anuman ang mangyari sa atin ay siya pa rin ang gagabay at tutulong.

Ugaliin din natin na pumunta at magsimba sa simbahan kahit tuwing linggo lamang, upang magpasalamat at magdasal sa Poong Maykapal.

Ang dula na pinamagatang Tiyo Simon ay tumutukoy sa pangyayari sa buhay ni Tiyo Simon kung saan siya ay nagsisi sa lahat ng kanyang mga kasalananang ginawa, dahilan upang siya ay magbagong buhay at maging isang inspirasyon at magandang ehemplo sa kanyang pamangkin na si Boy.

✍️: ctto
📸: ctto

Manila, the capital of the Philippines, is a densely populated bayside city on the island of Luzon, which mixes Spanish ...
01/10/2024

Manila, the capital of the Philippines, is a densely populated bayside city on the island of Luzon, which mixes Spanish colonial architecture with modern skyscrapers.

📍Manila Cathedral
📍National Museum
📍Intramuros

Ruth Elynia S. Mabanglo (born March 30, 1949) is a retired professor at the University of Hawaii at Manoa. Born in Manila to Fortunato and Miguela Mabanglo, she received a degree in Filipino from the University of the East, a Filipino language and literature master's degree from Philippine Normal College, and a doctorate in Filipino from Manuel L. Quezon University.

✍️: ctto
📸: ctto

Malabon City, Philippines 📍 Malabon City Hall📍San Bartolome Church, Malabon CitySi Ildefonso P. Santos ay isang makata n...
01/10/2024

Malabon City, Philippines
📍 Malabon City Hall
📍San Bartolome Church, Malabon City

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong 23 Enero, 1897.

✍️: ctto
📸: ctto

04/09/2024

゚viral

No copyright infringement intended. The music belongs to its rightful owner.

Send a message to learn more

03/09/2024

KALAPATI 🫶
PROVINCIAL MEET
LD2

゚viral

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR, mula sa mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese na isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Maban...
03/09/2024

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR, mula sa mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese na isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Japara, Mayo 25, 1899

Ito ay isang sanaysay mula sa Indonesia na tumatalakay sa isang babae na si Estela Zeehandelaar. Ninanais niya na mabago ang kanilang nakasanayan na tradisyon at mamuhay ng bilang isang modernong babae na malaya, may tiwala sa sarili, maging masaya, at magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang mga kalalakihan at kababaihan na makapag-aral sa kanilang lugar.

(Si Raden Adjeng Kartini ay isang Prinsesang Java na taga Indonesia na ipinaglalaban ang mga karapatan ng bawat kababaihan na magkaroon ng kalayaang pumili ng kanilang gagawin o mapapangasawa.)

✍️:ctto
📷:ctto

Si Ruth Elynia S. Mabanglo (ipinanganak noong ika-30 ng Marso, 1949) ay isang manunula, manunulat, mamamahayag at retira...
03/09/2024

Si Ruth Elynia S. Mabanglo (ipinanganak noong ika-30 ng Marso, 1949) ay isang manunula, manunulat, mamamahayag at retiradong propesor sa Unibersidad ng Hawaii sa Manoa. Nakamit niya ang kanyang Ph.D. sa Filipino Language and Literature mula sa Manuel L. Quezon University noong 1985, ang kanyang M.A. sa Edukasyon mula sa Philippine Normal University noong 1980, at ang kanyang Bachelor of Arts sa Filipino mula sa University of the East noong 1969. Naging profesora din si Mabanglo sa University of the East, Manual L Quezon University, Philippine Normal College at De La Salle University.

Bilang isang tanyag na manunulat, si Ruth Elynia Mabanglo ay nakilala sa kanyang malawak na akda na sumasaklaw sa loob ng mahigit tatlong dekada. Ang kanyang mga akda ay kinabibilangan ng iba't ibang anyo tulad ng maikling kwento, tula, at mga dramatikong monologo, na tumatalakay sa mga tema tulad ng isyu ng mga kababaihan, lipunang Pilipino, at ang pagtatagpo ng panitikan at peminismo. Ang mga mahalagang kontribusyon ni Mabanglo sa panitikang Pilipino ay kinikilala sa iba't ibang mga publikasyon, akademikong journal, at mga aklat. Ang kanyang mga akda ay nananatiling makabuluhan sa mga mambabasa, naglalaman ng malalim na pananaw sa mga hamon ng kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng kanyang husay sa panitikan at mga mapanghamong perspektiba, nananatiling isang kilalang personalidad si Mabanglo sa larangan ng panitikang Pilipino, nagbibigay-inspirasyon sa mga manunulat at nag-iiwan ng malalim na marka sa larangan ng panitikan.
✍️ctto
📷 ctto

03/09/2024

KALAPATI 🫶
SAN MARIANO
ATHLETICS SECONDARY BOYS 💪
AREA MEET 2023
゚viral

02/09/2024

KALAPATI 🫶
BEY JOHN S. BUMAGAT

゚viral

Ang Guryon ni Ildefonso Santos  Ang tulang “Ang Guryon” ay patungkol sa pangangaral ng isang ama sa kanyang anak. Inihal...
02/09/2024

Ang Guryon ni Ildefonso Santos

Ang tulang “Ang Guryon” ay patungkol sa pangangaral ng isang ama sa kanyang anak. Inihalintulad ang guryon sa buhay ng tao. Kung paano ang tamang pagbalanse ng mga bagay sa buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin ang bawat isa sa atin. Katulad ng isang guryon maaaring ang buhay ang tao ay dumaan sa maraming pagsubok na tiyak na susubok sa atin.

Katulad ng isang guryon tayo rin dapat ay magpatuloy sa paglipad patungo sa ating mga pangarap. Hindi dapat tayo sumuko kung may mga unos man tayong kakaharapin bagkos dapat nating tatagan ang ating loob at magpatuloy sa buhay.

✍️ctto
📷ctto

“Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon De JesusKaisipan ng tula:     Ang tulang “Ang Isang Punongkahoy” ay isinulat ni Jose...
02/09/2024

“Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon De Jesus

Kaisipan ng tula:
Ang tulang “Ang Isang Punongkahoy” ay isinulat ni Jose Corazon De Jesus noong mga panahong malapit na siyang bawian ng buhay. Ang tula ay nagpapahiwatig ng mga mahahalagang aral tungkol sa buhay ng isang tao at nagpapaalala na ang buhay ay sadyang maikli lamang. Ang tula ay umiikot sa mga sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda tungkol sa kaniyang buhay na katulad ng isang punongkahoy, darating ang panahon na ang ating matitingkad at mayayabong na dahon ay unti-unti ring malalagas at mawawalan ng buhay.
✍️ctto
📷ctto

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong 23 Enero, 1897. Kaisa...
02/09/2024

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong 23 Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya g**o, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula ayon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.

✍️ctto
📷 ctto

Si Jose Corazon de Jesus, o mas kilala sa sagisag na Huseng Batute, ay isang Pilipinong makata, na sumusulat sa wikang F...
27/08/2024

Si Jose Corazon de Jesus, o mas kilala sa sagisag na Huseng Batute, ay isang Pilipinong makata, na sumusulat sa wikang Filipino upang ipahayag ang kanyang pagnanais ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano. Tinaguriang “Hari ng Balagtasan,” kilala si Huseng Batute sa kaniyang tula na pinamagatang “Bayan Ko.”

Ipinanganak noong Nobyembre 22,1896, isinilang si De Jesus kasabay ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Sa kaniyang kabataan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral para maging mambabatas, ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy sa pag-aabogado sapagkat mas pinili niyang maging manunulat sa isang pahayagang nagngangalang Taliba, dito niya ginamit ang kaniyang sagisag-panulat na Huseng Batute. Binigyan niya ng lakas ang literatura sapagkat ito’y ginamit niya para sa bayan. Nagsulat siya ng maraming satirikal na akda at dito ay pinuna niya ang mga nangyayari sa lipunan at ipinahiwatig ang kaniyang labis na paghahangad ng kalayaan mula sa mga Amerikano. Halos 4,000 na tula ang kaniyang isinulat para sa Taliba at 800 naman para sa kaniyang kolum sa diyaryong Ang Lagot na Bagting. Marami siyang ginamit na panagisag tulad ng Pusong Hapis, Paruparo, Pepito Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong Luksa, Amado Viterbi, Elias, at Anastacio Salagubang, ngunit sa lahat ng ito, ang pinakasumikat ay ang Huseng Batute. Ilan sa mga akda niya ay “Ang Manok Kong Bulik,” “Barong Tagalog,” “Ang Pagbabalik,” “Ang Pamana,” at “Isang Punongkahoy,” at ang mga tulang tulad ng “Bayan Ko” na ngayon ay kinikilala bilang unofficial na pambansang awit ng Pilipinas.

Siya’y pumanaw noong Mayo 26, 1932, sa murang edad na 36 dahil sa sakit na ulser. Iprinreserba ang kaniyang puso bago ilibing kasama ng kaniyang ina. Nang lumipas ang panahon, inilipat ito para masama muli sa kaniyang katawan.

✍️ctto
📷 ctto

Address

Purok 02, Ueg, San Mariano
Isabela
3332

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ai Ka posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ai Ka:

Videos

Share