06/04/2020
Mahal kong kababayan at kapwa-Pilipino
Alam nyo po ba na yung bilang ng covid-19 positive nyo dyan sa Pilipinas na 3,246 ay halos kasing dami ng bilang ng infected namin dito sa Spain noong March 12?
March 15, nagsimula ang aming lockdown.
At sa loob lang ng 24 days, mula sa bilang na 3,146, umakyat na ito sa 130,759 ngayong araw na ito.
Gusto nyo din po bang maging ganito ang bilang ng Pilipinas sa April 30?
Posibleng posible po..
Alam nyo po, sabi nga nila, minsan mas makikita mo daw ng malinaw ang isang bagay, kapag tiningnan mo ito mula sa malayo..
Kung hindi nyo po nakikita ang mga sarili nyo dyan sa Pilipinas, kitang kita po namin kayo dito sa ibang bansa.. Pinapanood po namin kayo.
Para po kayong nasa circus. Ang dami-daming clowns. Ang gulo nyo po.. Ang gugulo nyong lahat.
Hindi po namin alam kung matatawa pa kami, maiinis o dapat ng ikahiya ang pagiging Pilipino.
Naiintindihan po namin na nagugutom na kayo. Nauunawaan po namin na nahihirapan na ang bawat isa sa inyo.
Alam nyo po ba na kami din po dito? Ang iba po sa amin, wala na din makain. Wala na ding trabaho. Pero mas maswerte kayo kesa sa amin, dahil nasa sariling bansa natin kayo.
Bakit po ba ang hirap nyong umintindi?
Bakit po ba ang hirap ipaunawa sa inyo na nasa sitwasyon tayo na kahit ang malalaking bansa na katulad ng Italya at Amerika, ay nahihirapang hanapan ng solusyon ang pandemyang ito?
Masyado po kayong matatalino. Ang daming nagmamagaling sa inyo..
Opo, alam po namin na madaming corrupt na pulitiko. Sa totoo lang, naiinis din po kami.. Galit din po kami.. Pero sana sa pagkakataong ito, wag po muna tayo mag-focus sa kanila.. Unang una, kayo din naman po ang may kasalanan kung bakit nakapwesto sila ngayon sa gobyerno.. Kung yang talino at pagmamagaling na pinapakita nyo, ginamit nyo noong eleksyon, hindi sana kayo, nilalamangan ng mga kapitan at mayor nyo ngayon..
Bakit po ba ang titigas ng ulo nyo?
Galit na galit kayo sa Presidente dahil ayon sa inyo, masyadong bastos magsalita, marahas at nilalabag ang mga karapatan nyong pang-tao..
Alam nyo po, kahit saang bansa pa po kayo manirahan at kahit sino pang lider ang mamuno sa inyo, wala pong magagawa sa mga ugali nyo.. Ang tatalino nyong lahat! Ang dami nyong alam! Ang titigas ng kukote nyo. Nasobrahan ang pagiging demokratikong Pilipino nyo. Mahihiya ang kahit sino sa sobrang disente ninyo.
Bakit po ba hindi maubos ang inyong reklamo?
Wala kayong ginawa kundi mag ingay sa relief goods. Kanya kanya kayong daing ng gutom.. Na kokonti at hindi sapat ang inyong natatanggap.. Ang nakakatawa lang, may pangload kayo para makapag-post ng reklamo sa facebook, pero kung maka-reklamo kayo na walang pambili ng pagkain, kainaman!
Asan na ang pinagmamalaki nating “matiisin” ang mga Pilipino? Na hindi tayo natitinag sa anumang kalamidad?
Sa tuwing may unos na dumarating sa Pilipinas, halos maging slogan na ng lahat ang, “Pinoy tayo, kaya natin ‘to!”
“Filipino spirit is waterproof!”
“Bagyo ka lang, lindol ka lang, bulkan ka lang, pinoy kami!”
Eh, ano na po ngaung may covid-19?
“Pinoy kami, asan na ang manok namin?”
“Pinoy kami, hindi pwede ang sardinas lang?”
Natatakot kayong mamatay sa gutom, pero di kayo natatakot mamatay sa virus..
Hindi po ba kayo pwedeng magtiis kahit ngayon lang? Hanggang malampasan lang natin ang krisis na ito? Hindi nyo po ba kayang sumunod sa gobyerno kahit man lang sa pagkakataong ito? Hindi nyo po ba kayang manahimik, tumigil sa bahay at iwasan muna ang mamulitika?
Kung nanghihina na po kayo at walang makain, wag nyo na pong ubusin ang natitirang lakas nyo sa pambabatikos at pakikipaglaban sa gobyerno. Hindi po ito makakapag pagaan.. Kundi mas magpapa-grabe pa ng sitwasyon na kinakaharap natin ngayon..
I-save nyo po ang sarili nyo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pakikiisa. Gaano man ka-imperpekto ang tingin nyo sa gobyerno, gobyerno pa rin ang tanging masasandigan at makakatulong sa inyo..
Nakikiusap po kami. Matakot po kayo sa virus. Gawin nyo po ang tama at sundin kung ano ang dapat at nararapat.
Huwag po sana kayong makasarili..
Bilang misis ng isang frontliner, na nag-aalala sa kanyang asawa, isaalang alang nyo din po sana ang ibang Pilipino na nag-iingat para sa kalusugan ng sarili at ng pamilya nila.. 😢
Mag-ingat at alagaan nyo po ang inyong mga sarili..
Dahil bilang isang OFW, gusto naming umuwi sa isang malusog at malakas na Pilipinas! 💪🏽
Nagmamalasakit,
OFW sa España / Misis ng frontliner sa Pilipinas