25/08/2023
Kapag Hindi ka Busy . Take time to read ❤️🫰🙏 Ang Good News lahat daw ng sakit ay may kagalingan 🙏🫰
To God All be the Glory. Amen
Ano ang uric acid?
Ang uric acid ang nalilikha mula sa pagdurog sa mga kemikal sa katawan na tinatawag na purines, ayon sa MedlinePlus ng United States National Library of Medicine. Nanggagaling ang purines sa katawan mismo at sa mga partikular na pagkain at inumin.
Karamihan sa uric acid ay natutunaw sa dugo o di kaya tumutuloy sa mga bato (kidneys) hanggang lumabas sa katawan bilang ihi. Pero kapag masyadong marami ang uric acid sa katawan o di kaya marami ang hindi natatanggal sa katawan, dito na nagkakaroon ng problema.
Ang tawag sa mataas na lebel ng uric acid sa dugo ay hyperuricemia, ayon sa Cleveland Clinic. Ito ang dahilan ng pamumuo ng uric acid na tila mga kristal, o crystals, at kilala bilang urate.
May mga urate na tumambak sa mga kasu-kasuan (joints) at nagdudulot ng gout, na isang napakasakit na uri ng arthritis. May mga urate rin na tumatambak sa mga kidney at nagdudulot naman ng kidney stones.
Kung hindi magagamot ang mataas na lebel ng uric acid, posibleng mauwi ito sa permanenteng pinsala sa buto, kasu-kasuan, at tissue sa katawan. Idagdag pa ang mga sakit sa kidney at sakit sa puso. Lumabas sa mga paga-aral na may koneksyon ang mataas na lebel ng uric acid sa type 2 diabetes, high blood pressure (hypertension), at fatty liver disease.
Sa simula, maaaring wala kang maramdamang sintomas ng mataas na uric acid dahil malalaman lang na ito sa pamamagitan ng uric acid test o iba pang pagsusuri. Pero kung tumambak na ang uric acid crystals sa joints, maaaring meron ka ng gout. Puwede ring kidney stones kung sa isa o parehong kidney tumambak ang uric acid crystals.
Kapag umatake ang gout, makakaramdam ka ng ganitong mga sintomas:
Labis na pananakit ng kasu-kasuan, kadalasan ang hinlalaki sa paa (big toe)
Paninigas ng mga kasu-kasuan, tulad ng bukong-bukong (ankle) at tuhod (knee)
Hirap sa paggalaw ng mga kasu-kasuan
Pamumula at pamamaga ng apektadong kasu-kasuan
Pag-iba ng itsura ng kasu-kasuan
Kapag umatake naman ang kidney stones, makakaramdam ka ng mga ganitong sintomas:
1.Labis na pagsakit ng ibabang parte ng likod (lower back), na kadalasang pabalik-balik at kumakalat hanggang sa ge****ls
Pagkahilo na maaaring may pagsusuka (nausea)
2.Madalas maihi kahit mapigilan
May dugo sa ihi
3.Labis na pananakit ng kasu-kasuan, kadalasan ang hinlalaki sa paa (big toe)
4.Paninigas ng mga kasu-kasuan, tulad ng bukong-bukong (ankle) at tuhod (knee)
5.Hirap sa paggalaw ng mga kasu-kasuan
6.Pamumula at pamamaga ng apektadong kasu-kasuan
7.Pag-iba ng itsura ng kasu-kasuan
Kapag umatake naman ang kidney stones, makakaramdam ka ng mga 8.ganitong sintomas:
Labis na pagsakit ng ibabang parte ng likod (lower back), na kadalasang pabalik-balik at kumakalat hanggang sa ge****ls
Pagkahilo na maaaring may pagsusuka (nausea)
Madalas maihi kahit mapigilan
May dugo sa ihi
Tubig
Kapag uminom ka ng mula lima hanggang walong baso ng tubig kada araw, sinasabing mas mababa ang posibilidad na makaramdam ka ng mga sintomas ng gout. Ginagamit kasi ang tubig ng kidneys para mapalabas ang urine acid kasabay ng ihi.
Pero higit sa pagtutok sa mga partikular ng pagkain at inumin para bumababa ang lebel ng uric acid, mas rekomendado ng mga eksperto ang tamang gout diet. Mga halimbawa:
1. Bawasan ang konsumo ng mga karne (baka, baboy, laman-loob), isda (sardinas, tuna), at lamang-dagat (hipon, pusit) na mataas sa uric acid. Sa halip, subukan ang ibang uri ng pagkain na mayaman sa protina, tulad ng mula sa gulay (plant-based diet).
2. Kumain ng iba-ibang uri ng gulay at prutas. Kahit ang mga sinasabing mataas sa uric acid, tulad ng broccoli at spinach, ay hindi nagdudulot ng atake ng gout. Kaya mainam na makuha rin ang mga sustansya ng gulay at prutas.
Piliin ang mga pagkain at inumin na mayaman sa vitamin C. Nakakatulong ang bitaminang ito para mapalabas ang uric acid kasabay ng ihi.
4. Ligtas ang mga pagkain mula sa butil (grains), tulad ng kanin at tinapay, pati na pasta at cereals, pero puwera ang oats.
5. Iwasan ang mga pagkain at inuming matatamis dahil hitik ang mga ito sa fructose. Hindi maganda ang epekto nito sa uric acid levels.
6. Iwasan ang labis na pag-inom ng alak, tulad ng beer, dahil napapataas nito ang uric acid at pinapalala ang atake ng gout.
7. Subukang magbawas ng timbang. Makakatulong ito sa pag-iwas sa gout habang tumututok sa mga dapat kainin ng taong mataas ang uric acid.