Sangguniang Barangay ng Kaytambog

Sangguniang Barangay ng Kaytambog Bagong Kaytambog

Halina't magtanim ng Prutas At Gulay(HAPAG)makalipas ang 5 linggo simula ng ilipat ang taniman ng barangay.. eto na ho a...
16/05/2024

Halina't magtanim ng Prutas At Gulay
(HAPAG)
makalipas ang 5 linggo simula ng ilipat ang taniman ng barangay.. eto na ho at malapit na tayong umani uli😁

05.10.2024Ang Barangay at Sangguniang Kabataan Officials at mga Barangay Tanod ng KAYTAMBOG ay nakikiisa  sa pagsasagawa...
10/05/2024

05.10.2024

Ang Barangay at Sangguniang Kabataan Officials at mga Barangay Tanod ng KAYTAMBOG ay nakikiisa sa pagsasagawa ng Nationwide Implementation of the Barangay Road Clearing Operation under the Bagong Pilipinas Program upang patuloy na linisin ang ating mga lansangan alinsunod sa kautusna ng ating Pangulong Bongbong Marcos. Ito ay sa pangunguna ni PUNONG BARANGAY Kristopher Romen , Chairman on Committee on Infrastructure Ernesto Crystal

Mga kabarangay hinihingi po namin ang patuloy ninyong pakikiisa at pagsunod.




Maligayang Kaarawan po sa ating matikas at matipunong Konsehal Nick Marges!!
10/05/2024

Maligayang Kaarawan po sa ating matikas at matipunong Konsehal Nick Marges!!

Sarap sa eyes😍salamat pong muli sa inyong pakiki isa sa atingBarangay Road Clearing..
09/05/2024

Sarap sa eyes😍
salamat pong muli sa inyong pakiki isa sa ating
Barangay Road Clearing..

Barangay Road Clearing Operation (BarCO)May 06, 2024 @ Purok 1, 2, 3Maraming salamat po sa inyong pakiki-isa at pakikipa...
08/05/2024

Barangay Road Clearing Operation (BarCO)
May 06, 2024 @ Purok 1, 2, 3

Maraming salamat po sa inyong pakiki-isa at pakikipag tulungan upang maisakatuparan natin ang maluwag at malinis na lansangan ng ating barangay.



Magliliwanag na muli ang bungad ng ating Nayon. Salamat sa Donasyon na dalawang streetlights mula sa KR Builders at sa A...
28/04/2024

Magliliwanag na muli ang bungad ng ating Nayon. Salamat sa Donasyon na dalawang streetlights mula sa KR Builders at sa Ama ng ating nayon na si Kap. Kristopher, Sa foreman na si Roger Crystal, sa mga brgy police at mga Konsehal na nagtulong tulong upang itayo ito. Tunay na sa pamumuno at pagtutulungan ay malayo ang ating mararating. Tuloy ang pag-ahon ng ating Nayon πŸ’ͺ❀️

BARANGAY ROAD CLEARINGAlinsunod sa DILG Memorandum Circular 2024-053 o ang Nationwide Implementation of Barangay Road Cl...
23/04/2024

BARANGAY ROAD CLEARING

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2024-053 o ang Nationwide Implementation of Barangay Road Clearing Operations under the Bagong Pilipinas Program muling nagsimula ang mas pinaigting na Road Clearing Operations sa ating barangay sa Pangunguna ni Punong Barangay Kristopher C. Romen at Kagawad Chairperson ng Committee on Infrastracture Ernesto "aris" Crystal. Muli pong pinapaalalahanan at pinapakiusapan ang ating kabarangay na tumalima sa mandato ng ating Pangulong Bongbong Marcos na: 'Simulan po natin sa kaayusan at kalinisan.. Kaya kumilos tayo upang maging maaliwalas at malinis ang kapaligiran. Dapat walang lugar at puwang ang dumi, dugyot at dilim sa ating pamayanan.' Ipakita natin na ang ating barangay ay disipilnado, may malasakit at responsable.

Kung mayroon man po kayong katanungan at kalinawan patungkol sa Barangay Road Clearing Program ay wag mag-atubili na makipagugnayan sa ating mga Barangay Officials.

Maraming Salamat Po!!!

04.18.2024Mahalagang Anunsyo!Mga kabarangay, noong ika-16 ng Abril 2024 ay inilabas ng DILG ang Memorandum Circular No. ...
18/04/2024

04.18.2024
Mahalagang Anunsyo!
Mga kabarangay, noong ika-16 ng Abril 2024 ay inilabas ng DILG ang Memorandum Circular No. 2024-053 na may pamagat na Nationwide Implementation of the Barangay Road Clearing Operations, Assessment, Validation and Recognition under the Bagong Pilipinas Program. Dahil dito ang lahat ng lokal na pamahalaan, kasama ang mga barangay, ay binigyan ng mandato na muling ipatupad ang pina-igting Road Clearing Operations sa kanyang nasasakupan.
Kaakibat nito, hinihiling ng pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Kaytambog sa pangunguna ni Punong Barangay Kristopher C. Romen at Kagawad Chairman ng Committee on Infrastructure Ernesto Crystal ang inyong lubos na pang-unawa, kooperasyon at pag tupad sa mga alintuntunin ng Road Clearing Program upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating mga kalsada.
Narito mo ang mga listahan ng Road Obstructions o sagabal sa daan para sa inyong mga kaalaman. Muli po ay ipakita natin ang pagkakaisa, disiplina at malasakit ng bawat isa sa ating barangay.
Maraming salamat po!

03.27.2024MAHALAGANG ANUNSYOMagandang araw mga kabarangay!Simula sa darating na Abril, 2024 ay magkakaroon po tayo ng ba...
27/03/2024

03.27.2024

MAHALAGANG ANUNSYO

Magandang araw mga kabarangay!

Simula sa darating na Abril, 2024 ay magkakaroon po tayo ng bahay bahay na pabisita upang tingnan ang β€œwaste segreggation” o paghihiwa-hiwalay ng basura sa ating mga tahanan bilang pagtupad sa ating gampanin sa Republic Act 9003 of Solid Waste Management Act. Ito ay gaganapin sa pangunguna ng ating Kagawad on Environment Konsi David Vicedo.

May ipapamigay ding IEC and advocacy materials tungkol sa waste seggregation, no open burning and no open dumping.Inaasahan po ang inyong kooperasyon.


22/03/2024

Congrats Kaytambog SplashersπŸ”₯

MARCH 9, 2024BARANGAY ASSEMBLY CY 2024
11/03/2024

MARCH 9, 2024
BARANGAY ASSEMBLY CY 2024

A friendly reminder from Sangguniang Barangay ng Kaytambog.
08/03/2024

A friendly reminder from Sangguniang Barangay ng Kaytambog.

Lupong Tagapamayapa Incentive Award Table AssesmentMaraming Salamat po DILG MGLOO Anne Kimberly PeΓ±alba Babaan , ABC Vic...
29/02/2024

Lupong Tagapamayapa Incentive Award Table Assesment
Maraming Salamat po DILG MGLOO Anne Kimberly PeΓ±alba Babaan , ABC Vice Kap Elmer Torres, SB Councilor Ronald Bernarte at PCMS Houdini Cuevasβ™₯️

Mahalagang Anunsyo!!!Sa darating na ika-9 ng Marso, 2024 ay gaganapin ang ating 1st Semester Barangay Assembly Day sa ga...
27/02/2024

Mahalagang Anunsyo!!!

Sa darating na ika-9 ng Marso, 2024 ay gaganapin ang ating 1st Semester Barangay Assembly Day sa ganap na 10:00 ng umaga sa Kaytambog, Elementary, School.

Ang lahat po ng ating kanayon ay iniimbitahan na dumalo upang maririnig ang accomplishment report ng ating Sangguniang Barangay at ang State of Barangay Address (SOBA) para sa Unang 100 Araw sa Tungkulin ni Punong Barangay Kristopher C. Romen.

Mga ka-barangay tayo na, Makialam, Makilahok, Makiisa!!!

23/02/2024

20𝒕𝒉 π‘΅π’‚π’•π’Šπ’π’π’‚π’ 𝑫𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉 para sa ating mga estudyante at magulang.
held at Kaytambog Elementary School..
Maraming Salamat po sa masisipag natin na dentist, BHW, teachers, parents at sa buong Sanggunian Barangay ng Kaytambog sa pangunguna ni Kap Kristooher Romen.
CELEBRATING DECADES OF HEALTHY SMILE

2-18-2024WEEKLY CLEAN UP DRIVEEAST ROAD - Farm to Market road.Sa pakikipag tulungan ng Sangguniang Barangay members, Bar...
18/02/2024

2-18-2024
WEEKLY CLEAN UP DRIVE

EAST ROAD - Farm to Market road.
Sa pakikipag tulungan ng Sangguniang Barangay members, Barangay Tanod, SK officials at sa Pangunguna ni Kapitan Kristopher Romen, inalis po natin ang mga nakaharang na damo at baging sa gilid ng kalsada upang hindi maging sagabal sa ating mga kanayon na dumaraan dito.
Kasabay nandin ang pag pulot ng mga Non Biodegradable materials gaya ng pet bottles at mga plastic..
Wag po natin gawin basurahan ang ating kalikasan.

02-18.2024Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) HotlinesPara sa mas mabilis na pagtugon sa mga emergencies ay ...
18/02/2024

02-18.2024

Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) Hotlines

Para sa mas mabilis na pagtugon sa mga emergencies ay nagpaskil po ang ating, Barangay sa pangunguna ni Punog Barangay Kristopher Romen at SB Chairman on Health Cornelio Romen ng contact numbers ng ating BHERT sa mga sumusunod na hayag na lugat sa ating barangay:
1.Purok 1 brgy hall
2.Purok 2 old court
3.Purok 3 Elem school

Layunin po nito na maipagpaalam sa lahat ang mga tao at numero na dapat niyong tawagan upang mas mabilis na makatugon sa inyong pangangailangan.

February 08, 2023Lupong tagapamayapa incentive awards (LTIA)re orientation and audit preparationwith MLGOO DILG INDANG..
14/02/2024

February 08, 2023
Lupong tagapamayapa incentive awards (LTIA)
re orientation and audit preparation
with MLGOO DILG INDANG..

MULING LUMUWAG NA PO ULI ANG FARM TO MARKET ROAD "PULO". UNTI UNTI PO NATIN TINABAS ANG MGA NAKASAGABAL NA DAMO AT NAKAH...
11/02/2024

MULING LUMUWAG NA PO ULI ANG FARM TO MARKET ROAD "PULO". UNTI UNTI PO NATIN TINABAS ANG MGA NAKASAGABAL NA DAMO AT NAKAHARANG SA KALSADA,
WEEKLY CLEAN UP DRIVE SA PANGUNGUNA NI KAP TOPHER KASAMA ANG BRGY OFFICIALS AT MGA TANOD.

East West Road visitation with DPWH personel
07/02/2024

East West Road visitation with DPWH personel

First Regular Session for the Month of FebruaryBrainstorming para sa mas maunlad na Kaytambog.
07/02/2024

First Regular Session for the Month of February
Brainstorming para sa mas maunlad na Kaytambog.

Bakit pa ipag papabukas kung pwede naman na ngayon na? tapos sabay sabayπŸ€£πŸ“ŒRequest for Solar StreetLightβœ”οΈ "FOR MAPPING" ...
02/02/2024

Bakit pa ipag papabukas kung pwede naman na ngayon na? tapos sabay sabay🀣

πŸ“ŒRequest for Solar StreetLightβœ”οΈ
"FOR MAPPING" na po
πŸ“ŒRequest for additional 10 CCTV
πŸ“ŒRequest for Asphalt Laying from arko pailaya

ngitian nyo lang kami at balewala ang pagod kung para sa paglilingkodβ™₯️

Good afternoon mga Ka-Nayon!Sa mga piggery owners po dito sa ating nayon, May ipapamigay po na mga baboy ang CvSU para s...
25/01/2024

Good afternoon mga Ka-Nayon!
Sa mga piggery owners po dito sa ating nayon, May ipapamigay po na mga baboy ang CvSU para sa mga magsasaka. Sa mga nais po na mag-apply ay maaari po kayo kumuha ng form sa ating brgy hall. Agad po itong aasikasuhin ng ating Sangguniang Brgy sa pangunguna ng ating masipag na ama ng nayon.

MARAMING SALAMAT KAP TOPHER sa donasyon na solar light.. katuwang si konsi aries at konsi nick ay kinabitan ng solar lig...
23/01/2024

MARAMING SALAMAT KAP TOPHER sa donasyon na solar light.. katuwang si konsi aries at konsi nick ay kinabitan ng solar light ang ating arko,.
para po ito sa mga early birds natin na maagang ang trabaho at nag aabang ng service sa may arko..

Salamat sa mga nag participate ❀️
20/01/2024

Salamat sa mga nag participate ❀️

19/01/2024

Congratulations to our very own Kapitan!!
Newly Elected GOVERNOR of Southern Tagalog Region - Matikas VII of The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles πŸ¦…
Pride of Kaytambog πŸ€œπŸ€›

STREET LIGHT MAINTENANCEkasalukuyan pong kinukumpuni ng ating Committee on Infranstructure Chairman Konsi Aries Crystal ...
18/01/2024

STREET LIGHT MAINTENANCE
kasalukuyan pong kinukumpuni ng ating Committee on Infranstructure Chairman Konsi Aries Crystal ang mga kable ng ating streetlight,kasabay na din ang pagpapalit ng mga pundidong bumbilya kasama ang masipag natin na tanod Jeffrey Diokno.

π˜Ύπ™€π™’π™₯𝙀𝙨𝙩 π™π™šπ™§π™©π™žπ™‘π™žπ™―π™šπ™§magkakasamang kumuha ng compost fertilizer ang ating mga konsihal na sina Konsi Marvin, Kune, Ronel, a...
17/01/2024

π˜Ύπ™€π™’π™₯𝙀𝙨𝙩 π™π™šπ™§π™©π™žπ™‘π™žπ™―π™šπ™§
magkakasamang kumuha ng compost fertilizer ang ating mga konsihal na sina Konsi Marvin, Kune, Ronel, at David sa MRF.. ito po ay libreng ibinahagi sa atin ng MENRO dahil sa request ng ating ama ng nayon Kap. Topher Romen upang magamit sa ating mga pananim lalo na ng ating masisipag na farmers

α’α—©α‘Žα‘Œα—©α–‡Y 16, 2024naki pag ugnayan po ang ating konsehal at committee on livelihood na si konsi Ronel Dalumpines kay Gng. ...
17/01/2024

α’α—©α‘Žα‘Œα—©α–‡Y 16, 2024
naki pag ugnayan po ang ating konsehal at committee on livelihood na si konsi Ronel Dalumpines kay Gng. Dolores Dela Cruz para sa pinaplanong livelihood project na doormat making sa ating mga kanayon..
isang malaking tulong ang maibibigay nito sa mga kanayon dahil sila na mismo ang bibili ng produkto na ating magagawa at hindi na kelangan pang i-alok sa merkado.

𝑲𝑨𝑳𝑰𝑡𝑰𝑺𝑨𝑡 𝑫𝑨𝒀 ( π‘²π’‚π’π’Šπ’π’ˆπ’‚ 𝒂𝒕 π‘°π’π’Šπ’”π’šπ’•π’Šπ’ƒπ’‚ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π‘΄π’‚π’π’Šπ’π’Šπ’” 𝒏𝒂 π‘©π’‚π’šπ’‚π’)Sa pakikipag tulungan ng Sangguniang Barangay and Team KR ...
06/01/2024

𝑲𝑨𝑳𝑰𝑡𝑰𝑺𝑨𝑡 𝑫𝑨𝒀 ( π‘²π’‚π’π’Šπ’π’ˆπ’‚ 𝒂𝒕 π‘°π’π’Šπ’”π’šπ’•π’Šπ’ƒπ’‚ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π‘΄π’‚π’π’Šπ’π’Šπ’” 𝒏𝒂 π‘©π’‚π’šπ’‚π’)
Sa pakikipag tulungan ng Sangguniang Barangay and Team KR Builders sa pangunguna ni Kap. Topher Romen ay naisagawa ang KALINISAN DAY sa Lulungisan road, ito ay bilang pag suporta sa revolutionary goal na "Bagong Pilipinas"
Muli po ay hinihikayat namin kayo na makiisa upang maibalik sa ating nayon ang naka gawiang bayanihan upang mapanatili natin ang kalinisan ng ating Barangay. Sama Sama Tulong Tulong, Aahon ang Nayon.


Address

Kaytambog, Cavite
Indang
4122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Kaytambog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category


Other Indang media companies

Show All