24/03/2020
Grabe!!! Dahil sa Covid-19, kahapon sa puregold..... bumibili ako ng drinks and detergents at pang stock na foods........ may napansin akong isang babae na acting very strange at parang hindi siya talaga mapakali. Nakita ko na bigla niyang nilagay sa bag niya yung isang bote ng shampoo. Siyempre ako naman ay nagkunwaring hindi siya nakita at ako'y nagpatay-malisya lang. Napansin ko din na tinitingnan din pala siya ng guard at kinausap na yung kahera. Paglingon ko, nakita ko na naman yung babae na may nilagay na dalawang bote ng Vitamins sa bag tapos mukhang papunta na sa exit kaya biglang hinarang na siya ng guard.
(in Tagalog)
Guard: Miss, pls....pakibalik na lang yung mga kinuha mo para wala nang maging problema.
Babae: Ano ba pinagsasasabi mo?
Guard: Wag ka na magmaang-maangan, ibalik mo na lang kasi lahat!
Babae: Grabe ka na ha!
—Nagtaas na ng boses yung
babae. —-
Kaming ibang customer sa loob nakaabang na kung ano ang mangyayari.
Babae: Sige, kulitin mo pa ko at magsisisigaw ako dito!
Guard: Sumigaw ka kung gusto mo. Ikaw naman mapapahiya.
Babae: Wag mo kong pipilitin! Sisigaw talaga ko!
Guard: Bahala ka!
—At sumigaw na nga ang babae.——
Babae: DARNAAAA!!!
At lumipad siya papalabas ng Hypermarket... Nagulantang kami. Nabitawan ko yung mga pinamili ko.
——Sumigaw din yung guard.——-
Guard: CAPTAIN BARBEL!!! 🦸🦸
Lumipad din siya at hinabol yung babae.
Hanggang ngayon, wala pang balita kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa eh.
Balak ko sanang LUMIPAD DIN, sisigaw sana akong MULAWIN!!! para hanapin sila pero tinamad lang ako kasi bawal ngayon dahil “Lockdown”.
Hahaha 😂😂😂😂😂😂
Need talaga nating tumawa sa panahon ngayon!!!
Pang alis inip muna tayo dahil sa "Enhanced Community Quarantine" for 1 month.
🌈COPY PASTE nyo rin po...pang alis ng ating problema.
🤣 Laughter is the Best Medicine 😁😁😁👍