06/01/2022
COVID BREAKTHROUGH INFECTION IS REAL.
May tinatawag na "breakthrough infection". Ito ang nangyayari sa mga vaccinated na. Nagkakaroon pa rin ng CoViD-19 kahit fully vaccinated na. Pero since asymptomatic to, none to very mild symptoms lang. Eto ang kadalasang nangyayari sa mga vaccinated people na may breakthrough infection:
1. Sasakit ang ulo
2. Sisipunin
3. Pagkalipas ng 3 days, wala nang sipon
So akala mo, wala lang. Akala mo nahamugan ka lang. Akala mo normal na sipon lang. So ang next mong gagawin.. Lalabas ka. Mamamalengke ka. Pupunta ka sa public places. Papasok ka sa trabaho. Hindi mo alam na dala dala mo pa rin ang virus.
So ano ang resulta?
Nakapanghawa ka ng d mo alam. Ang masaklap pa, ang nahawaan mo ay unvaccinated pa na maaaring mamatay. Yang 20 thousand cases a day na nangyayari ay dahil sa mindset na ito.
TOP 5 SYMPTOMS NG BREAKTHROUGH INFECTION:
1. HEADACHE
2. SIPON
3. SNEEZING
4. SORE THROAT
5. LOSS OF SMELL
Reminder, this is not an all or nothing type of signs and symptoms. Kahit isa lang dyan, candidate ka na for breakthrough infection. So to all who are vaccinated, kung makaramdam kayo ng sakit ng ulo, sipon, lagnat, huwag nyong balewalain. Treat it as breakthrough infection. MAG ISOLATE NA KAYO. Huwag na muna kayo lumabas. Unless may hawak kayong dokumento na negative kayo, huwag muna kayong lumabas.
OA? Yes, OA. Pero sa panahon ngayon, mas mabuti nang maging handa kesa sa magsawalang bahala. Last year ang concern natin ay kung paano tayo hindi mahahawa, ngayong year na ito na marami nang vaccinated, dapat isipin din natin kung paano tayo hindi makakapanghawa.
Again, overwhelmed na ang ating healthcare and government system. Let's do our part naman.
Keep safe po tayong lahat.
Please circulate.
CTTO