07/06/2024
Sa panahon ng HAJJ ito ang laging napapagusapan katananongan ng mga kristiano at bagong yakap sa islam.
SINO ANG INALAY SI ISAAC O SI ISMAEL?
(ni: bro. ahmad erandio)
Ang relihiyong Islam at Kristiyanismo ay may ibat-ibang pananaw o paliwanag patungkol sa kautusan ni Allah (swt), ang pag-alay sa panganay na anak ni Abraham (snk).
Ayon sa mga Muslim ang inalay ay si Ismael at sa kristiyanismo naman ay si Isaac at ang bawat isa ay may kanya-kanyang basihan sa pamamagitan ng mga kasulatan (Bibliya at Qur’an)
At upang ating malaman kung ano talaga ang katotohanan nararapat lamang na ating pag-aralan ang mga kasulatan na ipinadala ni Allah (swt) sa kanyang mga piniling Sugo.
Ipinangaral sa relihiyong Islam na ang inalay ni Propeta Abraham (as) ay ang kanyang panganay na anak na si Ismael (as) at ito ay batay sa nakasulat sa Banal na Qur’an.
ANG PANAGINIP NI PRO. ABRAHAM (AS) SA KANYANG ANAK NA SI ISMAEL (AS)
Quran 37:102 “At nang ang kanyang (anak na lalaki) ay sumapit na ang kakayahan (alalaong baga, ang kakayahang magtrabaho at makatulong), siya (Abraham) ay nagsabi: “O aking anak! Aking napanaginipan na ikaw ay aking kinakatay (bilang sakripisyo kay Allah); kaya’t iyong sabihin (sa akin) kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi; “O aking ama! Inyong sundin ang ipinag-utos sa inyo. Katiyakan na ako ay inyong matatagpuan, Insha Allah (kung ito ay naisin ni Allah), na kabilang sa mga matiisin.”
SI ABRAHAM AT ISMAEL AY KAPWA NAGSUKO NG KANILANG SARILI
Quran 37:103-5 “At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang ibinaba siya (na nakapatirapa) sa kanyang noo (upang isakripisyo), ay Amin siyang tinawag:”O Abraham! Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantipalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan ayon sa pag-uutos ni Allah).”
Quran 37:106 “Katotohanang ito ay isang lantad na pagsubok.”
Quran 37:107 “At siya ay aming tinubos sa isang dakilang sakripisyo (alalaong baga, ipinalit sa kanya ang isang tupa).”
ANG KRISTIYANISMO SA NGAYON MAY PANINIWALANG SI ISAAC (AS) ANG INALAY AT ANG KANILANG BATAYAN AY ANG BIBLIYA
Genesis 22:2 At sinabi ng Diyos: “Kunin ang iyong anak na lalaki, ang kaisa-isa mong anak na si Isaac na iyong minamahal, at mag¬punta kayo sa lupain ng Moriah. Ialay mo siya bilang sinunog na handog sa isa sa mga bundok doon na ituturo ko sa iyo.”
Ang nakasulat sa Genesis 22:2 na sinabing kaisa-isa mong anak na si Isaac (as) ay napakaraming kontradiksiyon sa ibat-ibang bersikulo ng Bibliya
Kaya nararapat lamang na ating alamin ang mga iba’t-ibang nakasulat sa Bibliya patungkol kay Ismael (as) at Isaac (as) para matiyak natin kung sino ba talaga ang kaisa-isang anak ni Abraham (as) ng siya ay inutusan ng Diyos na ialay ang kanyang anak.
HINDI KAYA MAY MGA TAONG NAKIKIALAM SA ORIHINAL NA MGA KASULATAN AT BINAGO ANG MGA NAKASULAT AT IMBIS NA PANGALANG ISMAEL (AS) NAGIGING ISAAC (AS)?
ANG KATANUNGAN SINO ANG TUNAY NA PANGANAY NA ANAK NI ABRAHAM (AS) SA BIBLIYA?
UPANG MAGKAROON TAYO NG KATIYAKAN ALAMIN NATIN ANG KAPANGANAKAN NILA ISMAEL (AS) AT ISAAC (AS)
ARAW NG KAPANGANAKAN NI ISMAEL AT ISAAC NA NAAAYON SA BIBLIYA
ARAW NG KAPANGANAKAN NI ISMAEL (AS)
Genesis 16:16 Walumpu’t anim (86) na taon si Abraham nang ipanganak ni Agar si Ismael.
ARAW NG KAPANGANAKAN NI ISAAC (AS)
Genesis 21:5 Isandaang taon (100) si Abraham nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac.
Malinaw ang nakasulat Bibliya na ang panganay ni Abraham (as) ay si Ismael (as). Sapagkat walumpu’t anim (86) na taon si Abraham nang ipanganak ni Agar si Ismael.
At isandaang taon (100) naman si Abraham nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac.
ANG PANGANAY NA ANAK NI HAGAR AT SARAH
KUNG TATANUNGIN NATIN SI HAGAR: kung sino ang kanyng panganay na anak? walang pag-alinlangan ang kanyang kasagutan ay si ISMAEL (AS)
AT KUNG TATANUNGIN NATIN SI SARAH: kung sino ang kanyang panaganay na anak, walang pag-alinlangan ang kanyang kasagutan ay si ISAAC (AS)
PAANO KUNG SI PROPETA ABRAHAM ANG ATING TATANUNGIN KUNG SINO ANG KANYANG PANGANAY NA ANAK?
Walang pag-alinlangan ang kanyang kasagutan ay si ISMAEL (AS)
PANGALAWANG KONTRADIKSIYON PATUNGKOL SA DALAWANG BATANG SI ISMAEL (AS) AT ISAAC (AS)
PINALAYAS RAW NI SARAH (AS) SI HAGAR (AS)
Ang katanongan: Nang pinalayas ni Sarah si Hagar, isinilang na ba ang batang si Isaac (as)?
Ayon kay Sarah, kaya niya pinalayas si Hagar at ang anak na si Ishmael sa kadahilanang, pinagtatawanan ni Ismael si Isaac.
Genesis 21:9 Nakita ni Sarah na ang kanyang anak ay pinagtatawanan ng anak ng Ehipsiyong si Hagar kay Abraham.
Genesis 21:10 At sinabi niya kay Abraham: “Palayasin mo ang aliping iyan at ang kanyang anak.”
IPINAPASAN NI ABRAHAM (AS) KAY HAGAR (AS) ANG BATANG SI ISMAEL (AS)
Genesis 21:14 Maagang gumising kinabukasan si Abraham at binigyan si Hagar ng tinapay at isang supot na katad na puno ng tubig. Ipinapasan niya kay Agar ang bata at pinaalis na sila.
Genesis 21:18 “kunin mo’t kargahin ang bata” sapagkat gawin ko siyang isang malaking bansa.
ANG MALAKING KONTRADIKSIYON:
Makayanan kayang maglakad ni Hagar na pasan o karga niya sa balikat ang kanyang labing apat (14) na taong gulang na anak na si Ishmael (as)?
SI ISMAEL (AS) BA AY BATA O BINATA NG ISINILANG SI ISAAC (AS)?
ARAW NG KAPANGANAKAN NI ISMAEL (AS)
Genesis 16:16 Walumpu’t anim (86) na taon si Abraham nang ipanganak ni Agar si Ismael.
ARAW NG KAPANGANAKAN NI ISAAC (AS)
Genesis 21:5 Isandaang taon (100) si Abraham nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac.
Malinaw ang nakasulat sa Bibliya na ang panganay ni Abraham (as) ay si Ismael (as). Sapagkat walumpu’t anim (86) na taon si Abraham nang ipanganak ni Agar si Ismael.
At isandaang taon (100) naman si Abraham nang ipanganak ni Sarah ang kanyang anak na si Isaac.
Ang mga naunang talata ay nagpapatunay lamang na hindi nagkatugma ang salaysay ng Bibliya patungkol sa taong gulang ng pag silang ni Ismael at Isaac at ang pagpalayas ni Sarah kay Hagar at Ismael (as).
Kung pasanpasan o kinarga ni Hagar ang kanyang anak na si Ismael (as) ng pinalayas ni Sarah ang ibig sabihin sanggol palamang si Ismael (as) at hindi pa isinilang si Isaac (as).
ANG NARARAPAT AY PANGALANG ISMAEL (AS) ANG NAKASULAT AT HINDI ISAAC (AS)?
Genesis 22:2 At sinabi ng Diyos: “Kunin ang iyong anak na lalaki, ang KAISA-ISA mong anak na si ISAAC (dapat si ISMAEL) na iyong minamahal, at mag¬punta kayo sa lupain ng Moriah. ialay mo siya bilang sinunog na handog sa isa sa mga bundok doon na ituturo ko sa iyo.”
ANG HINDI PAGKAKATUGMA
Ang hindi pagkakatugma sa mga nakasulat sa Bibliya ay isang malaking kontradiksiyon na ang ibig sabihin ang isa nito ay hindi totoo o walang totoo sa dalawang hindi magkatulad.
ANG DIYOS ANG SIYANG NAGBIGAY NG PANGALANG ISMAEL (AS)?
Genesis 16:11 At sinabi pa rin ng Anghel ni Yawe sa kanya: “Nagdadalantao ka ngayon, at magkakaanak at pangangalanan mo siyang Ismael sapagkat dininig ni Yawe ang iyong dalamhati.
KILALANIN ANG PAGKAPANGANAY
Deuteronomio 21:17 Sa halip, dapat niyang kilalanin ang pagkapanganay ng anak ng babaing hindi niya gusto sa pagbibigay rito ng dobleng bahagi sa lahat ng kanyang ari-arian. Ito ang una niyang anak,at para rito ang karapatan ng panganay.
Karunongan sa islam.