10/09/2024
TO ALL HUSBANDS,‼️
Ang asawa mo ang kaisa-isang babae nagmamahal sayo kahit sino ka pa.
Oo, Mahal ka ng nanay mo dahil siya ang nagluwal sayo,
Mahalaga ka sa mga kapatid mo dahil iisa ang magulang niyo,
Mahal ka ng mga anak mo kasi ikaw ang tatay nila.
Pero ang asawa mo, iba ang level ng pagmamahal niya sayo.
Mahal ka niyan kahit di ka niya kaano-ano.
Mahal ka niya kahit di ka perpekto.
Mahal at tanggap ka niyan pati ang buong angkan mo.
Kasama mo siya habang buhay sa hirap at ginhawa, kahit pa hanggang kamatayan.
Kaya dapat bilang asawa, ibigay mo yung pagmamahal, pagpapahalaga at respeto na deserve niya.
Huwag na huwag ipagpapalit sa kabarkada at kaibigan.
Huwag sasaktan ng pisikal at emosyonal.
Huwag pagsasalitaan ng masasama, ni mumurahin man lang.
"Happy Wife, Happy Life", totoo yan. Hindi pa huli ang lahat. Walang taong perpekto, ang mahalaga ikaw ay nagbabago. ❤️🙏🙂