TINGNAN | Kasalukuyang kaganapan sa City of Ilagan ngayong araw, Disyembre 31, 2022. Mabigat ang daloy ng trapiko papuntang New Ilagan Public Market.
Sunday morning at City of Ilagan!
iDOL, tune in na sa 98.5 iFM Cauayan! 👍
UP-UP Cagayan Valley, Philippine Airforce Tactical Operations Group 2
Straight To The Point with RadyoMan Chris Estolas
𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗟𝗜 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗥 𝗥𝗗𝗢 𝟬𝟭𝟱
Mas pinadali ngayon ang pagbabayad ng buwis ayon sa pinuno ng Revenue District Officer na si Ginoong Robertson Gazzingan.
Sa eksklusibong panayam na ating ginawa sa pinuno ng Revenue District Office No. 15 na nakabase sa Naguillan Isabela, ay ipinaliwanag ng opisyal na dahil sa mga teknolohiya gamit ang internet ay mas madali na ngayon ang sistema ng pagbabayad ng mga kailangang bayaran sa gobyerno.
Hinikayat ni Ginoong Gazzingan ang mga taxpayers na bisitahin lamang ang website ng kanilang tanggapan na www.bir.gov.ph/index.php/eservices.html. At naroroon na rin ang mga gabay kung paano gagawin ang mga hakbang. Bukod sa website o internet ay bukas din ang maraming bangko para sa pagbabayad ng buwis.
Sa naturan ding panayam ay inanunsiyo ni ginoong Gazzingan na Pinalawig ang pagbabayad ng Income Tax Return hanggang Abril 18, 2022 dahil ang sana ay nakatakda na hangganan sa Abril 15 ay nataon sa mahal na araw. Kanya ding hinihikayat ang mga taxpayers na magbayad ng mas maaga para hindi maabutan ng deadline at maiwasan ang mapatawan ng penalties.
Target ng BIR RDO 015 ang makakolekta ng mahigit 500 Million Pesos na buwis para sa buong buwan ng Marso bilang ambag sa inaasahang 256.9 Billion Pesos target collection ng buong bansa.
Samantala, paalala ni Ginoong Robertson na lahat ng lalagpas sa itinakdang deadline ay mapapatawan ng tatlong klaseng penalities gaya ng: 25% surcharge, 12% interest kada taxable year na hindi pa nababayaran, at ang compromise penalty na binabase sa basic tax.
Dagdag pa niya, kailangan pumunta ng personal sa Revenue District Office ang mga taxpayer na maaabutan ng deadline upang doon mismo magbayad at macompute ng wasto ang ipapataw na penalty.
Tumaas naman ng 6.5% ang nakolektang buwis ng BIR RDO 015 sa taong 2021 sa kabila ng kinakaharap nating pandemya
Rainy Monday morning 🌧️
𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘶𝘯𝘦𝘴 𝘮𝘨𝘢 𝘒𝘢-𝘙𝘢𝘥𝘺𝘰! ☔