10/04/2024
Isang kwento tungkol sa tatay na gustong-gusto ang kape.
Ito ay kuwento ni Tatay Orlando or (Lando) at ang Kape.
Si Tatay Lando ay isang magsasaka na nagtatrabaho nang maraming oras sa bukid upang mapakain ang kanyang pamilya. Sa bawat umaga, unang ginagawa ni Tatay Lando ay ang pagtitimpla ng kape habang nakikinig ng balita sa radio. Ito ang panimula ng kanyang araw, ang oras na iniaalay niya sa sarili bago siya lumabas upang magtrabaho.
Sa tuwing umuuwi si Tatay Lando mula sa bukid, napapansin agad ng kanyang mga anak ang amoy ng kape. Para sa kanila, ito ay tanda na tapos na ang araw at nandito na ang kanilang ama. Hindi nawawala sa kanilang isipan ang larawan ni Tatay Lando na nagtitimpla ng kape, habang nakangiti sa kanilang maliit na kusina.
Ang kape ay hindi lamang inumin para kay Tatay Lando. Ito rin ay sagisag ng kanyang pagod, determinasyon, at pagmamahal sa kanyang pamilya. Sa bawat tasa ng kape na iniinom niya, tila nilalasap niya ang tamis ng tagumpay at ligaya sa kabila ng hirap ng buhay. Ang kuwento ni Tatay Lando ay patunay na ang simpleng kape ay maaaring maging sandigan at kasama sa bawat paglalakbay ng isang ama.
Para sa mga haligi ng tahananan maraming salamat sa inyong pagmamahal at sakripisyo😘🥰
Kaya!
Tara Kape Tayo☕
By:Pareng Nad'z and QHAWA al AKLAN