31/10/2024
๐๐๐ผ๐๐๐๐ | ๐๐ช๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ฉ๐ค, ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐
Sa gitna ng himagsik ng buhay may isang propesyon na nananatiling matatag at nagsisilbing gabay sa bawat henerasyon. Ang silid-aralan, dating isang lugar ng pagkatuto, ngayon ay nagiging tanghalan ng kanilang sariling paghahanda.
Ang katagang โsa katunayan hindi talaga ito ang unang kurso na gusto kong kuninโ ay palagi nating naririnig sa karamihan ng mga estudyanteng kumuha ng kursong edukasyon dahil alam natin na hindi ito simpleng desisyon โ ang pagiging g**o ay hindi basta trabaho, itoโy isang misyon. Hindi ito basta paghawak ng tisa at aklat; Ito ay isang pagtahak sa isang landas na puno ng hamon, ngunit higit sa lahat, puno ng gantimpala.
Ang apat na taong paglalakbay at pagtanggap ng hamon sa propesyong ito nina Moreene A. Pacheco, Vinze Andre B. Larga, Ryan Phillippe B. Arguilla, Eric Mirador Jr., Angela Bactad, Realyn Cariaso, Jon Patrick R. Espiritu ay nagbibigay ng inspirasyon sa marami. Ang mabibigat na gawain, ang mga gabing ginugol sa pag-aaral, at ang pagbabalanse ng akademiko at personal na buhay ay ilan lamang sa mga hamon na kanilang hinarap, ngunit ang apoy ng kanilang pangarap na maging g**o ang nagbigay sa kanila ng lakas upang magpatuloy.
Ang Liwanag sa Bungad ng Karunungan
Ms. Pacheco, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumuha ng kursong edukasyon Medyor sa Filipino. Hindi ang pagtuturo ang unang propesyon na kanyang gusto. Sa katanuyan, ang kursong gusto niya ay Financial Management dahil ABM strand ang kaniyang tinapos noong siya ay nasa Senior High School pa lamang, ngunit pakiramdam niya ay hindi siya magiging masaya kaya pinili niya ang kursong alam niya kung saan siya marunong at saan siya magiging masaya, ito ay ang pagtuturo โ ang pagiging g**o.
Mr. Larga, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumuha ng kursong edukasyon Major in Social Studies. Noong nasa Senior High School pa lamang siya ay wala sa kanyang plano ang kumuha ng kurso na may kinalaman sa pagtuturo. Ang kaisa-isang rason lamang kung bakit niya ipinagpatuloy ang kursong pagtuturo ay dahil may isang tao siyang hinahangaan at tinitingala pagdating sa pagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan.
Mr. Arguilla, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumuha ng kursong edukasyon Major in English. Ang propesyong pagtuturo ay pangalawa lamang sa kanyang kurso na gusto. Noong una ay mas pinangarap niyang maging Psychologist, ngunit paglipas ng panahon nagbago ang mga pangyayari. Mas naging praktikal para sa kanya ang pagpasok sa larangan ng pagtuturo.
Mr. Mirador, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong edukasyon Major in Math. Noong nasa Senior High School pa lamang siya, isa sa mga kursong gusto niya ay ang pagtuturo ngunit hindi ito ang kanyang prayoridad dahil mas gusto niyang mag-aral ng engineering. Sa kasamaang palad, hindi sya nakapasa sa kursong kanyang nais at dahil may tiwala siya sa kanyang kakayahan pagdating sa matematika, ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng kursong edukasyon.
Ms. Bactad, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong edukasyon Medyor sa Filipino. Noong bago pa lamang siya sa kolehiyo ay hindi niya talaga nakikita ang kanyang sarili bilang isang g**o ngunit sa kadahilanang ubusan ang mga slots ay nabigo siyang makuha ang kurso na kanyang gusto at napilitang piliin ang kursong edukasyon,.
Ms. Cariaso, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong edukasyon pang-elementarya. Napili niya ang propesyon na pagtuturo, hindi lamang dahil ito ang kanyang pangarap, kundi dahil nakikita niya rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting g**o sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata.
Mr. Espiritu, kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong edukasyon Major in Science. Hindi pagtuturo ang propesyon na kanyang gusto, hindi niya pinipili ang kursong ito dahil gusto niya, pinili niya ito dahil ito ang ibinigay sa kaniya.
Ang pitong mag-aaral na ito ay nagpakita ng katatagan sa kanilang buhay kolehiyo at patuloy na nagsusumikap upang makamit ang kanilang tagumapay.
Sa Takdang Landas: Mga Hinaharap na G**o sa Ikaapat na Taon
Kuwento ni Moreene:
Isang estudyante na makikitaan mo ng kagalingan, katatagan at pagmamahal sa asignaturang Filipino pagdating sa larangan ng pagtuturo. Ibinahagi niya ang kanyang mga pagsubok at karanasan sa kanyang nagdaang taon sa kolehiyo hanggang sa kasalukuyan.
โI always do my best sa lahat ng bagay. Mapa-demo teaching, exams, activity, recitation, project at short quiz man โyan. At the end of the day para sa akin โyon naman ang mahalaga, yung nag bigay ka ng effort at ginawa mo ang best mo,โ saad ni Moreene, ginagawa niya ang lahat kahit mahirap sa abot ng kanyang makakaya dahil ito ang tama.
โNgayong nasa cooperating school na ako at kahit papaano ay nakapagtuturo na sa mga estudyante, napagtanto ko na napakasarap pala sa pakiramdam na maging parte ka ng bawat buhay ng estudyanteng matuturuan mo.โ Ibinahagi ni Moreene kung gaano talaga kasaya ang pagtuturo, kahit na sabihin nating ito ay isa sa pinakamahirap na propesyon hindi natin maikakaila na masaya ang maging buhay g**o.
โKaya ngayon, wala akong pinagsisihan sa desisyon ko na kunin ang kursong ito. I am happy to have the opportunity to teach children and inspire them to reach for their dreams,โ dagdag pa ni Moreene. Naging mahirap man para sa kanya noong una, ngunit ngayon ay alam niya sa kanyang sarili na siya ay masaya sa kanyang ginagawa at siya ay handa na bilang maging isang g**o sa hinaharap.
Kuwento ni Vinze :
Isang estudyante na makikitaan ng katatagan sa buhay. Kahit anong pagsubok man ang dumating sa loob ng kaniyang pamamalagi sa kolehiyo, ito ay kan'yang nakayanan at siya'y nagpamalas ng kagalingan pagdating sa larangan ng pagtuturo.
โThroughout the years as a Social Studies student, masasabi kong samoโt saring hamon ang nararanasan ko, na kung minsan naisip ko na rin na lumihis ng daan dahil sa pagod at sa kawalan ng tiwala sa sarili dahil sa mga problemang ito,โ pagbabahagi ni Vinze ng kanyang mga pinagdaanang hamon sa propesyong kanyang kinukuha.
โNgayong ako ay babalik sa aking sintang paaralan bilang isang Practice Teacher, isa lamang ang pakay ko bukod sa pagtuturo at ito ay maibalik ang mga natutunan ko, mga pamamaraan na tiyak magugustuhan ng bawat mag-aaral.โ
Ngayong si Vinze ay nagsisimula na sa kan'yang pagiging isang g**o-estudyante siya ay handa ng magturo ng kanyang mga nalalaman at ibalik ang kanyang mga natutunan sa bawat mag-aaral na kanyang mahahawakan.
Kuwento ni Ryan:
Ang pagiging isang lider estudyante ay mahirap, hindi mo alam kung paano pagsasabayin ang pag aaral at ang organisasyon, ngunit ito ay hinarap nang buong puso ni Ryan. Hindi siya nagpakita ng kahit anong kahinaan bagkus ay kanyang pinagbutihan pa lalo para marating ang kanyang kinalalagyan.
โNakita ko ang pagtuturo bilang isang paraan upang lumabas sa aking comfort zone,โ saad niya bilang isa sa mga dahilan na kanyang nakita upang pumasok sa kursong pagtuturo kahit hindi ito ang kanyang unang ginustong propesyon.
โNa-inspire ako sa ideya na magawa rin ito para sa ibang tao โ ang maging gabay at taga-pagturo hindi lang ng kaalaman, kundi pati na rin ng mga aral sa buhay,โ saad ni Ryan, bilang isang magiging g**o sa hinaharap batid niya na maging mabuti at nais niya na mas matuto ang kaniyang mga magiging estudyante hindi lamang sa mga kaalaman tungkol sa paaralan, kundi na rin pati ng mga aral sa buhay.
โAng pagiging g**o ay isang malaking responsibilidad, pero ito rin ay isang napakalaking prebilihiyo,โ dagdag ni Ryan.
Kuwento ni Eric:
Isang estudyante na nagpakita ng husay pagdating sa larangan ng matematika. Isang estudyante na makikitaan ng determinasyon upang malampasan ang mga hamon sa pag-aaral sa kabila ng mga kahinaan at pagdududa sa sarili.
โSa pagpasok ko sa kolehiyo bilang first year student, medyo magaan naman. Ang pinaka-challenging para sa akin ay ang mga bultuhang activity na binibigay sa amin.โ Ayon kay Eric, hindi talaga madali ang pagkuha ng kursong ito. Mula sa mga activities, reporting, project at kung ano pa mang mga gawain, masasabi na hindi ito madali.
โNapapamahal na ako sa propesyong ito at nais kong ipagpatuloy ang pagiging g**o. Habang tumatagal yung perspective ko ay bilang teacher na.โ Ngayong siya ay nasa ikaapat na taon na at kasalukuyang nag tuturo na bilang paghahanda, batid niya na sa kanyang ginagawa na siya ay masaya, na ang pagtuturo ang tanging nais niya.
โMasaya ang pagtuturo and tumataas yung confidence ko sa harap ng maraming tao. Isa rin sa most fulfilling part ay matawag na โsirโ,โ pagtatapos ni Eric.
Kuwento ni Angela:
Isang estudyante na kumukuha ng kursong edukasyon. Maraming pagsubok o hamon ang kanyang pinagdaanan ngunit sa katatagan at determinasyon sa buhay, ito ay kanyang nalampasan.
โIto na sig**o โyong gusto ng Diyos para sa akin. Kaya tinanggap ko nalang ito at ngayon ay pinagsusumikapang tapusin,โ saad ni Angela sapagkat hindi nga ito ang kursong gusto niya, ngunit para sa kaniya ito nilaan ng Panginoon kaya't pinagsusumikapan niyang tapusin ang kursong edukasyon.
โNang maobserbahan ko ang mga mag-aaral at nasubukan na sila ay maturuan. Doon ko nakita na masaya pala maging g**o,โ dagdag pa ni Angela. Pinatunayan lamang niya na kahit hindi mo gusto ang kursong ito, kapag nagsimula ka nang magturo sa mga mga-aaral ay doon mo mapagtatanto na kahit gaano kahirap, masaya rin pala ito.
Kuwento ni Realyn:
โNong una ko pong pinangarap na maging g**o, inakala ko na ang landas patungo rito ay magiging madali,โ ibinahagi niya na hindi talaga madali ang pagiging g**o ayon sa kanyang mga naranasan sa kolehiyo, ngunit hindi ito naging hadlang para abutin ang kan'yang pangarap na maging g**o.
โHuwag matakot magkamali, dahil bahagi ito ng proseso ng pagkatuto,โ dagdag ni Realyn. Sa kanyang mga karanasan habang naghahanda para maging isang ganap na g**o, hindi siya natakot magkamali bagkus ito ang naging daan at inspirasyon niya upang mas matuto.
โHabang akoโy nag-oobserba sa loob ng silid-aralan, nakita ko kung paano hinuhubog ng mga g**o ang kanilang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtuturo at pag-unawa,โ saad ni Realyn. Ngayong nakakapagsimula na siyang mag-obserba at magturo kahit papaano ay nagkakaroon na siya ng ideya kung paano ba hubugin ng isang g**o ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtuturo.
โSapagkat ang pagiging g**o ay hindi lamang trabaho, kundi isang misyon ng pusoโang magbigay ng kaalaman, maghasik ng inspirasyon, at maging tanglaw sa landas ng mga susunod na henerasyon,โ pagbibigay aral niya.
Kuwento ni Jon Patrick:
โI never dreamed of being a teacher. Wala akong mahanap na motivation.โ
Sa mga salitang ito alam natin na hindi talaga ito ang pangarap ni Jon, hindi ito ang kurso na kanyang gusto. Lahat ng mga bagay na kailangan gawin ay ginagawa niya lang para may maipasa at dumating pa sa punto na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang organisasyon kaysa sa pag-aaral.
โBut one day, may nagsabi sa akin na g**o, na nakikitaan niya ako ng potential to become a great teacher, and I think, this is the reason why I am starting to love what I am doing right now,โ saad ni Jon. Ibinahagi niya kung paano niya unti-unting nagustuhan ang propesyong pagtuturo. Hindi man ito ang gusto niyang kurso, ngunit dahil sa mga taong naniniwala sa kanya ay natutuhan niyang mahalin kung ano ang kanyang ginagawa.
โKinailangan ko lang pala ng may maniniwala at makakakita saโkin as a student bago ko mahanap โyong purpose ko,โ sambit niya.
โI want to be someone na they will feel safe, loved, seen, heard, and appreciated,โ dagdag pa ni Jon, dahil nga sa inspirasyong ibinigay sa kanya ng kaniyang g**o, sinabi ni Jon na gusto niya ring maging ganoon balang araw โ na hindi takot ang mararamdaman ng mga estudyante kapag makikita nila ang kanilang g**o.
โI see myself helping my students to become a better version of themselves and become civically prepared,โ pagtatapos niya.
____________
Written by Khate Azhleigh Mirania
Layout by Andrie Lucero