Ghurabah ........

27/01/2025
26/01/2025
17/01/2025

ANG PAGMUNI-MUNI AT MAKUHANG ARAL SA NANGYARING SUNOG SA CALIFORNIA❗❗❗

1- Huwag maging panatag sa buhay sa mundo sa mga palamuti nito dahil ang lahat ng ito ay maglalaho (walang pag-aalinlangan)❗

2- Kapag naging laganap ang imoral o paggawa ng kasalanan, walang pag-aalinlangan na darating ang parusa (ganito rin ang nangyari sa mga naunang pamayanan)♨️

👉Sinabi ni Allah:
"Anumang kapinsalaan ang sumapit sa inyo; ito ay dahilan sa anumang kinita ng inyong mga kamay
(GINAWA NINYONG KASALANAN)..."

👉👉 ITO RIN AY BABALA SA INYO❗❗❗

👉Sinabi ni Allah: “Hindi namin ipinapadala ang mga tandang ito (katulad ng sakuna o kalamidad) maliban sa ito ay ISANG BABALA” Al-isra 59

3- Inaakala ng iilan sa likod ng kanilang paggawa ng kasalanan at pagsuway sa Tagapaglikha sila ay mainam o nakakalamang?!
Ngunit hindi nila batid na ang parusa ay biglaan❗❗❗

4- Isa sa malaking dahilan ng pagbaba ng parusa ay ang pang-iinsulto sa kakayahan ng Tagapaglikha❌❌❌

5- Laging mapagkumbaba sa Panginoon. Ang tunay na lakas at kapangyarihan ay sa pananampalataya at hindi sa modernisasyon o teknolohiya❗

6- Sa nangyaring ito ay mapagmuni-muni natin kung gaaano Kadakila ang Tagapaglika.

Ang Pinaka malakas na bansa sa buong mundo ngunit sa simpling sakuna naging hayag ang kanilang kahinaan.

7- Kung nakaramdam man ng matinding sakit ang mga inapi gayundin makaramdam ng mas matinding parusa ang mang-aapi❗❗❗

PINAGLUHANAN SA UAAPIN:

قال الله تعالى: " وما أصابكم من مصيبة فبما كسبت أيديكم ويعفو عن كثير " الشورى : 30
قال الله تعالى: "وما نرسل بالآيات إلا تخويفا " الإسراء : 59

✍ Zulameen Sarento Puti

17/01/2025

PRAYER AREA SA LOOB NG BAHAY

Ito yaong lugar sa loob ng bahay na doon ipinagdarasal ang iilan sa mga Salah [Pagdarasal] tulad ng mga sunnah ratibah o rawatib, tahajjud, witr at iba pa. Kabilang ito sa Sunnah, ayon kay 'Aishah رضي الله عنها:
أمر رسول الله ﷺ ببناء المساجد في الدور، وأن تنظف وتطيب.
"Inutos ng Sugo ni Allah ﷺ ang pagpapatayo ng mga pook-dasalan sa loob ng mga kabahayan, at na itoy lilinisan at pababanguhan."~Isinalaysalay ni Abu Dawud sa kanyang SUNAN.

Ayon kay Ibnu Rajab رحمه الله sa kanyang paliwanag sa Sahil Al-Bukhari na Fathul-Bari sa Vol. 3 p. 169:
وينبغي أن تحترم هذه البقاع المعدة للصلاة من البيوت، وتنظف وتطهر.
"At marapat na irespeto ang mga pook na ito na inihanda para sa Salah [Pagdarasal] sa mga bahay, at lilinisan at dadalisayin."

Inilarawan din ni 'Aishah kay Abdullah bin Shaqiq ang kalagayan ng pagdarasal ni Propeta Muhammad ﷺ kapag ito ay nananatili sa kanyang bahay [bahay ni 'Aishah na kanyang asawa] kapag itoy nagdasal ng mga boluntaryong Salah o Sunnah o Tatawwu`, kanyang sinabi:
كان يصلي في بيتي قبل الظهر أربعا ثم يخرج فيصلي بالناس، ثم يدخل فيصلي ركعتين. وكان يصلي بالناس المغرب ثم يدخل فيصلي ركعتين، ويصلي بالناس العشاء ويدخل بيتي فيصلي ركعتين. وكان يصلي من الليل تسع ركعات فيهن الوتر، وكان يصلي ليلاً طويلا قائما، وليلا طويلا قاعدا، وكان إذا قرأ وهو قائم ركع وسجد وهو قائم، وإذا قرأ قاعدا ركع وسجد وهو قاعد، وكان إذا طلع الفجر صلى ركعتين".
‎"Siya ay nagdarasal ng apat na Rak'ah [sunnah o boluntaryong pagdarasal] bago ang pagdarasal ng Dhuhr, pagkatapos ay lalabas siya at pangunahan [bilang Imam] ang Salah, pagkatapos siya ay [babalik at] papasok [sa bahay] at magdarasal ng dalawang Rak'ah [na sunnah]. At pangungunahan niya [bilang Imam] ang pagdarasal ng Maghrib at [babalik at] papasok [sa bahay] at magdarasal ng dalawang Rak'ah [na sunnah]. At pangungunahan niya [bilang Imam] ang 'Isha' na pagdarasal, at siya ay papasok sa aking bahay at magdarasal ng dalawang Rak'ah [na sunnah]. At siya ay nagdarasal ng siyam na rak'ah sa gabi [Qiyamul-Layl], kasama ang Witr [na pagdarasal], at siya ay nagdarasal ng mahabang gabi na nakatayo, at [sa ibang gabi naman ay nagdarasal ng] isang mahabang gabi na nakaupo, at kung siya ay bumibigkas [ng Qur'an] habang nakatayo [sa Dasal], siya ay magru-ruku' [yuyukod] at magsu-sujod [magpapatirapa] habang nakatayo, at kung siya ay bumibigkas [ng Qur'an] ng nakaupo, siya ay yuyukod at magpapatirapa habang nakaupo, at kapag magbubukang-liwayway na sa Fajr [madaling araw], magdarasal siya ng dalawang rak'ah [na sunnah sa loob ng bahay].~Inulat ni Muslim sa kanyang Sahih.

18/05/2024

Gaano kabagsik si Ibn Taimiyah sa kumakalaban sa Islam at sa mga Impostor?

Sinabi ni Ibn Taimiyah rahimahullah:
Kung makita niyo ako na pumanig sa mga "Tatar" [mananakop na itinatag ni Genkis khan] at sa aking ulo ay nakapatong na Quran ay [huwag kayong mag alinlangan] patayin niyo ako, at muling nabuhayan ang mga muslim sa pakikipaglaban sa mga tatar, at tumatag pa ang kanilang mga paninindigan at mga niyyah [intention] at sa allah lamang ang pagpupuri".

ذكر ابن كثير رحمه الله تعالى في البداية والنهاية حيث قال: وكان ابن تيمية يقول للناس: إذا رأيتموني من ذلك الجانب وعلى رأسي مصحف فاقتلوني، فتشجع الناس في قتال التتار، وقويت قلوبهم ونياتهم، ولله الحمد. اهــ.

Ang pananakop ng mga Tatar ay malaki ang pinsala nito dahil libolibong mga muslim ang namatay, at bukod pa roon ay maraming mga books na kanilang sinunog.
Kabilang ang library ni ibn Taimiyah at sa habag ng allah ay naisaulo at kabisado na lahat ni ibn taimiyah bago paman ito masunog at ginugol niya ang kanyang buhay sa pagsusulat, kaya lahat ng kitab niya ngayon na pinagaaralan ng mga schoolar ay galing ito lahat sa kanyang naisaulo masha allah.
Igawad nawa ng allah sakanya ang pinaka malaking antas ng paraiso.

Ipanganak pa nawa ang taong susunod sa yapak niya at magtatangol sa manhaj ng Salaf. Amien.

✍️𝘈𝘣𝘥𝘶𝘭 𝘔𝘰𝘩𝘢𝘪𝘮𝘦𝘯 𝘈𝘣𝘥𝘶𝘭𝘑𝘢𝘭𝘢𝘭

16/05/2024

Assalamo alaykom warahmatullahi wabarakatuhu.
Ito po ay post mula kay Dr. Muhammad Ata Abdulkarim (hafidhahullah) sa kanyang facebook account, ang ginawa ko lang po ay ikinompile ko ang kanyang mga post para hindi masayang ang mga kaalaman na ito dahil minsan nawawala sa paglipas ng mga panahon.

Kaya naisipan ko na gawin nalang itong PDF file para mabasa ng buo ng bawat isa sa atin. At upang magkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa SHI'AH.

Ready to print din po ito at kung meron man magtanong bakit ko nilagyan ng pangalan ko diyan ay upang ma message ako kung meron man akong mali sa pagcompile para narin ma-edit natin sa lalong madaling panahon.

Ang nasa larawan ay isang mockup design lamang ito.

Sino man ang gusto na basahin ito ay i-click lamang ang link na ito:
https://drive.google.com/file/d/1cCeSrND4rW4CQBP8D0JrL9hqkjD8jZdS/view?usp=sharing

Ang UBJP or ang chairman ng BARMM ay isang dakilang commander na nakipagdigmaan at nakipaglaban para sa ating relihyon a...
08/05/2024

Ang UBJP or ang chairman ng BARMM ay isang dakilang commander na nakipagdigmaan at nakipaglaban para sa ating relihyon at sa ating mga karapatang pang muslim.

Kinikilala natin syang AMEEROL MUJAHIDEEN sa pilipinas dahil sa pamumuno nya sa M**F.

Walang duda na ang tunay na mo’min, tunay na muslim, ay susuportahan ang UBJP dahil kasama ito sa kanyang paniniwala, kasama ito sa pagiging muslim ng isang tao

إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُمۡ رَٰكِعُونَ

“Ang inyong tagapagtanggol, O kayo na mga mananampalataya, ay ang Allâh, ang Kanyang Sugo; at ang mga mananampalataya na pinangangalagaan nila ang kanilang mga obligadong Salâh, at nagbibigay ng Zakâh na bukal sa kanilang kalooban, at sila na mga isinusuko ang kanilang buong sarili sa Allâh.”

Al-MAIDAH SURAH 5 VERSE 55

Ang pinag hirapan Ng mga mujahideen ay gustOng agawing Ng mga politician na ILLUMINATI!!Ipagpapalit mo ba Ang pinunong M...
06/05/2024

Ang pinag hirapan Ng mga mujahideen ay gustOng agawing Ng mga politician na ILLUMINATI!!

Ipagpapalit mo ba Ang pinunong MUSLIM na marami namang nagawang kabutihan sa kanyang nasasakopan!!

Ipagpapalit mo ba Sila sa mga ILLUMINATI na ito!

06/05/2024

𝘒𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 𝘪𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘰 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘸𝘪𝘥 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪

06/05/2024

-Kahit gaano pa karami ang iyong 'amal o gawain kung ito'y bid'ah naman o taliwas sa Sunnah ay kailanma'y hinding-hindi yan tatanggapin ng Allah, ibabalik Niya yan sa yo.

Sinabi ng Propeta ﷺ:
"من أحدث في أمرنا هذا ما ليس منه فهو رد."
"Sinuman ang gumawa ng bid'ah (sa Islam) na hindi naman kabilang rito ay hindi ito tatanggapin sa kanya (rejected)." [Bukhari]
"من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد."
"Sinuman ang gumawa ng gawain na wala sa aming katuroan ay ito'y tinanggihan (hindi tatanggapin sa kanya)." [Muslim]

Sinabi ni Abdullah Ibnu Mas'ud - رضي الله عنه - :
"اقتصاد في سنة خير من اجتهاد في بدعة، وكل بدعة ضلالة."
"Ang pagiging masinop sa Sunnah ay higit na mas mainam kaysa sa pagsisikap sa bid'ah, at ang lahat ng bid'ah ay pagkaligaw." [As-Sunnah ni Marwazi, pp. 30]

KAYA'T DAPAT LAMANG NA IWASAN AT LAYUAN ANG ANOMANG BID'AH AT ANG MGA GRUPONG NAGPAPALAGANAP NIYAN.

Address

Baranggay Batomelong
General Santos City
9500

Telephone

+639755438013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ghurabah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share